Note: Pasasalamat kay Bernz sa muling pagbibigay inspirasyon sa aking sundan ang kanyang kwento... Gaya mo, napatunayan ko rin yun.
---
Magtatatlong buwan na akong single noon at habang patagal ng patagal, mas lalong patindi ng patindi ang mga adventures na pinapasukan ko noon. Yun ang mga panahong naliligaw na ako sa Moraya para magchat sa isang internet cafe at maghanap ng SEB ng madaling araw; Tumatambay na rin ako sa Dark Room ng MP noon at ang objective ko lang ay mauwi sa bahay. ng lalaki na trip ko. Yun rin ang mga panahong magchachat ako buong maghapon at makipag-bet sa tropa kung "lalaban" ba ako o "babawi" sa mga minimeet ko.
Lahat na yata ng klase ng pagtakas at paglimot ginagawa ko na, madistract lang ako at huwag maalala si Yul noon. Masakit rin kasi eh. Akala ko handang handa akong bumitaw sa kanya oras na sabihin niya sa aking wala na kami. Yun pala, mahal ko pa rin siya.
At para lang malimutan yung mga nararamdaman kong yun, muli kong sinimulan ang mga gawain ko bago ko siya ma-meet. Sabi nga ni James sakin, yun ang second wild days season ko.
---
Tanda ko pa, ilang araw na lang noon ay Biyernes Santo na. Bilang paggalang na rin sa mga sagradong araw na darating, pinili kong ihinto ang lahat ng activities na ginagawa ko noon maliban na lang sa pagcha-chat kung saan pinaplano ko na ang mga bookings ko para sa susunod na linggo. Nagkataon naman na yun ang unang beses na nagset ako ng tatlong bookings sa loob lang ng pitong araw.
Bago kasi yun, pang-isang lingguhan lang ako.
For a change, hindi ako sa MiRC nag-chat nun. Sa halip, naisipan kong mag-iba ng market kaya lumipat ako pansamantala sa YM.
As usual, naghahanap ako ng mga SEB na medyo malapit sa amin. Kasi, nageeksperimento na rin ako kung kaya ko bang pumasok sa isang FUBU relationship o hindi. Mainam na siguro na may kapitbahay lang akong pwedeng tawagan sakaling "katihin" ang isa sa amin. Ngunit sa halip, may nagmack sa akin para makipag-usap ng matinuan.
Noong una pa nga, bagot akong kausapin siya kasi puro bastusan ang ginagawa kong kwentuhan doon sa iba kong ka-mack. Pero nung biglang sinabi niyang malungkot siya dahil kaka-break lang niya sa "buddy" niya, biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa kasi kahit paano...
Tinamaan ako doon dahil pareho kami ng nararamdaman ng mga oras na yun.
---
Kaya naman bigla ko siyang binigyan ng attensyon sa chat. Natawa pa nga ako kasi at some point, biglang sinabi niya sakin na naghahanap daw siya ng buddy doon. Palibhasa'y sanay akong bastusan ang labanan sa mg sex channels kaya wala akong tiwala na merong matino sa mga ganung chatrooms. Di ko na lang siya binara pero naaawa ako sa kanya.
Bandang huli, pinakita niya sa akin yung sarili niya sa cam - na talaga namang kinagulat ko kasi bihira lang ang mga taong magpapakita sayo ng itsura nila ng hindi mo pinapakita ang itsura mo sa kanila.
Kaya naman gumaan ang loob ko sa kanya... Lalo pa noong una ko siyang nasilayan sa webcam at bigla akong naattract sa kanya.
Di siya talaga kagwapuhan, pero sapat na akong matamaan sa appeal niya lang. Tanda ko pa, sabi ako ng sabi sa kanya na ang gwaping naman niya. Siya naman ngingiti sa webcam sabay hihirit sakin na pandak lang siya at payat, hindi gaya ng nakikita ko sa webcam niya.
Pero sa akin ok na yun, mabait naman siya eh. Bago kami maglog-out nagkasundo kaming maging magkaibigan. Noong hapon ding yun, balak sana naming magkita pero dahil sa nilalagnat ako't may sipon nagkasundo kaming ipagpaliban na lang ang eyeball namin sa darating na lunes noong sumunod na linggo.
---
Gaya ng sabi ko, objective ko doon ay mangolekta ng booking at hindi makipagkaibigan. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, alam kong merong kakaiba sa kanya para ilagay ko siya sa pinaka-unang araw ng linggo at mahiwalay ko siya sa mga magiging ka jug ko noong linggo ring yun.
Lunes ng hapon nagkita kami sa Robinson's Place. Imbyerna nga dahil muntikan pa kaming magkasalisihan sa may National Bookstore. Palibhasa, wala siyang phone noong mga panahong yun kaya naman talagang kelangang naka-synchronized ang meet-up namin. Pati picture ko sa face-pic binigay ko na sa kanya para mamukhaan man lang niya ako habang nakatayo kami pareho sa labas ng NBS.
---
Matapos ang trenta minutos, nagkita rin kami sa wakas.
Tama ang sabi niya, napakapayat niya at maliit pa. Parang David at Goliath ang pagitan naming dalawa pero malakas pa rin ang appeal ng maamo niyang mukha sa sakin. Kumain kami sa McDonalds bago kami magsimulang maglakad-lakad sa palibot ng Ermita. Ako pa nga ang tumaya sa kanya dahil alam kong deins niya kayang ilibre ako. Isa pa, kaibigan naman ang turing ko sa kanya noong mga oras na yun kaya balewala sakin kung man-libre ako o hindi.
Matapos naming kumain, naglakad kami sa Baywalk at nagkwentuhan tungkol sa mga nakaraang relasyon namin. Naikwento niya yung dalawang naging badi-badihan na parang ginamit lang siyang pangparausan samantalang siya naman akala niya eh pwede siyang seryosohin noong taong nakilala niya.
Ako naman, naikwento ko ulit, for the Nth time ang sentiments ko tungkol kay ex. Sinabi ko sa kanya na naghahalo ang pagkamiss at pait ng pangloloko niya sa akin. Bandang huli, narealize ko na masyado na akong nagiging OA sa pagkamiss ko sa relasyon namin ni Yul. Nasabi ko tuloy sa kanya na yun na ang huling beses na ikwekwento ko ang nakaraan ko sa sinumang magtanong sa akin...
---
Napasarap ng husto ang kwentuhan namin na ginabi na kami sa Roxas Boulevard. Gusto ko sanang pauwiin na siya dahil alam kong malayo pa ang uuwian niya pero nag-insist siya na ok lang daw kahit na magtagal pa kami tutal sanay naman daw siyang gabi na umuwi.
Naudlot lamang ang kwentuhan namin ng biglang humangin ng malakas at ng tumingala kami sa langit, ito'y namumugto at nagbabadyang magbuhos ng malakas na ulan anumang oras. Di ko matandaan kung ininda ba namin yung babalang yun o hindi, pero umalis kami ng Baywalk upang isakay ko siya ng jeep sa Taft.
Habang naglalakad sa Padre Faura, bigla biglang bumuhos ang isang malakas na ulan. Wala akong dalang payong noon samantalang siya ay meron. Nung bandang huli, napilitan akong makisukob sa kanya pero pang-isahan lang talaga yung payong na dala niya. Balak ko sana, kahit mabasa na ako maisakay ko lang siya ng jeep ayos na. Pero sabi niya sakin, hindi niya ako iiwang mag-isa,
Sasamahan niya ako hanggang sa tumila ang ulan.
Hindi ko matandaan kung meron kaming nakitang masisilungan sa may tabi ng PGH noon, pero dahil nilalamig na kami pareho at nagkakadikit naman ng husto ang mga katawan namin dahil nga sa payong, naglakas loob na akong sabihin sa kanya ang isang bagay na sa unang pagkakataon ay gagawin ko pa lang.
Since gusto niyang makasama pa ako, samantalang ako naman ay walang maisip na lugar na mapupuntahan, bigla ko siyang tinanong kung ok lang bang
---
Magmotel kami pareho.
---
Palibhasa'y nakapagdala na siya ng lalaki noon sa motel kaya kaagad-agad na pumayag rin siya. Noon namang mga panahong yun, ako pa lang ang dinadala sa motmot kaya kahit ako masasabi kong di pa ako sanay sa kalakarang yun.
Pumara kaagad ako ng taxi, samantalang siya naman ang nagsabi na sa Avenida kami bababa.
Sa sasakyan pa lang, nagkakailangan na kami... ramdam ko ang pagkahiya dahil usapan namin magkaibigan lang kami at eyeball lang ang gagawin namin. Pero dahil basa kami pareho ng ulan at gusto pa naming magkwentuhang dalawa, yun lang ang choice namin.
Sa taxi bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay hinalikan ito. Dun pa lang, malinaw na sa akin ang mga mangyayari... alam ko nang hindi lang ito mauuwi sa pagkakaibigan; matatapos ang gabi na mas malalim ang relasyon namin.
---
Pagpasok namin sa kwarto. Nahiga ako sa kama habang siya naman ay biglang nag-alis ng suot niyang pantalon. Di ko na siya pinigilan dahil alam kong dun rin naman mauuwi ang lahat eh. Alam kong ginusto ko yun ang pumapayag rin siya sa gusto kong mangyari, kaya bakit pa ako maiilang kung yun rin naman ang kahahantungan namin.
Pagkahigang pagkahiga niya, niyakap ko siya ng mahigpit... yakap na nagsasabing nalulungkot ako at gusto kong magkaroon ng kasama. Siya naman eh tinanggal yung suot kong polo dahil nga basa ito at ayaw nya akong magkasakit.
Tanda ko pa, bumulong siya sakin na gusto niyang maramdaman ang aking init...
Naglapat ang aming mga labi... isa yung halikan na noon ko lang naramdaman sa mga naka-sex ko nung season na yun. Alam kong iba ang pakiramdam ko noon at mas lalong iba ang pakiramdam niya ng gabing yun.
Hindi lang basta romansang libog yun... sa sigaw ng mga puso namin, romansa yun ng pangangailangan ng kasama.
---
Naging mainit para sa aming dalawa ang gabing yun. Hindi lang may nangyari sa amin, nakatulog pa kami parehong magkayakap.
Sabi niya sa akin noong nag-uusap kami sa Baywalk, malungkot siya dahil kahit kelan, hindi man lang niya naranasan kung paano paligayahin ng kapwa niya lalaki sa kama. Sabi niya, siya lang daw ang laging mas maraming ginagawang trabaho.
All the time, siya ang laging nagpapaka-gentleman para sa mga ka-on niya.
Kaya naman nung kaming dalawa na, ipinakita ko sa kanya ang lahat ng nalalaman ko sa pagpapaligaya noon. Lahat ng natutunan ko sa loob ng six months ay ipinaramdam ko sa kanya sa loob ng tatlong oras. Kaya naman kung gaano ako kabagsik lumaban, tinatapatan rin niya. Bandang huli, ako na ang nasaktan... ako pa ang napagod. Kaya naman nakatulog pa ako habang siya naman eh patuloy lang ang pagkwekwento sakin.
Bago kami lumabas ng motmot, niyakap niya ako ng mahigpit noon. Yun ang yakap na kahit kelan eh hindi ko malilimutan.
Sabi niya, umaasa siyang maipaparamdam kong muli ang pinaramdam ko sa kanya nung unang gabi namin. Ako naman tumahimik lang.
Ngunit bago siya sumakay ng jeep, sinabi ko sa kanyang although wala pa akong pinapangako, nagdecide na akong itali ang sarili ko sa kanya.
---
At siya ang naging si bente singko.
Ang lalaking nagpahinto sakin ng aking pagbibilang ng boylets. Matapos noong gabi naming yun, tumuloy pa ako sa contingent ng tropa ko upang ibalita sa kanila ang nangyari.
Isang linggo matapos ng una naming gabing magkasama, nagkasundo na rin kaming pumasok na sa isang relasyon.
Siya si phanks at heto ang aming naging simula.
Tutal hindi naman ako naniniwala sa padate-date at lalong hindi rin ako bilib sa true love at first sight, kaya naman sabi ko sa sarili ko. Basta may basbas ni Papu, ok na sakin ang lahat
Dalawang taon na ang lumipas pero kapag umuulan pa rin ng gabi at natataon na mag-isa ako sa lansangan. Siya pa rin ang unang pumapasok sa isipan ko. Naalala ko na yung ulan ring yun na madalas nagpapaala sa atin ng kalungkutan ang siyang nagbigay sa akin ng pag-asang magtiwala muli sa isang relasyon at magsimula ng bagong buhay.
Habang sinusulat ko itong entry na ito, naalala kong April nga pala yun. Kung hindi man yun ang unang buhos ng ulan noong taong yun, yun marahil ang isa sa mga ulang nagbigay pag-asa muli sa mga lupang natuyot na matapos matigang ng araw nang matagal na panahon.