Habang patindi ng patindi ang digmaan ko laban sa sarili kong kalibugan, unti unting bumabalik sa akin ang ala-ala ng aking nakaraan:
Two years ago, hapon rin yun gaya kanina. Ilang linggo matapos kami magbreak ni ex, Nagchachat ako sa Farmers Plaza upang humanap ng SEB na malapit sa area ko. At the same time, kausap ko rin si Toto, ang aking ikalawang semi-FUBU na pansamantalang nakaromansahan ko matapos akong maligaw sa Mister P nang mag-away kami ng buddy ko dahil sa kalandian niya sa text. Balak ko sanang sa kanya nalang umuwi ng gabing yun para magkaroon ako ng isang mainit-init at familiar na jug. Pero sabi niya gagabihin daw siya dahil me event pa siya na kelangang asikasuhin. Ako naman balik sa MiRc para maghanap ng booking nung mga oras na yun.
Ganun naman ako dati eh, lingguhan kung maghanap ng jug. Ewan ko ba, simula nung nadiskubre ko wonders nun three years ago, protocol na saking matanggal ang kati ko once a week. Kung hindi nasisiraan ako ng bait at nawawala ang focus ko sa mga bagay bagay. Claim ko nga, deins ako makatagal ng three days ng walang vitamin J. Para sa akin, hindi na lang ata habit yun...
Sanity ko na ang nakataya dun.
Anyway, tanda ko, nakahanap ako ng potential bedmate nung hapon ring yun. Tiga Anonas. Ako naman fly doon sa area. Palibhasa medyo slim pa ako nun, kaya mas malakas pa ang loob ko. Besides, bente uno lang naman ako nun eh. I have the world around me. Kung mas mataas lang ang confidence level ko nun, kahit model-modelan tatapatan ko.
Pagdating ko sa Anonas, nakita ko kaagad siya. Chabelita na, maitim pa. So ako naman atras kaagad sa booking. Di ko ata trip ang mga ganun, sayang lang sa oras at panahon kaya hayun nang-one way ako at naghanap muli ng internet cafe na malapit sa lugar ko para bumalik sa chatroom. Nung araw atang yun eh bilog ang buwan dahil sa sobrang kati ko, buong gabi ang kinommit ko makahanap lang ng booking.
Lumalalim na ang gabi pero wala pa rin akong makitang potensyal. Meron nag-aaaya ng orgy dun sa isang bar sa may Cubao rin, pero di ko bet kasi nga type ko mag-one on one nung mga oras na yun. Bandang mga alas-9, merong isang available, yun nga lang Mandaluyong. Sabi ko sa sarili ko,
bahala na, I have to this now.
Kaya hayun, mula anonas, lumipad ako papuntang Boni. Nagkita kami matapos ang isang oras na pag-iintay sa may Jollibee tapat ng city hall at dinala niya ako sa place niya... na katabing bahay pala ng straight kong tropa nung high school.
---
In the end, medyo naging wild rin ang laro namin. Siya si pang-kinse at matapos nung jug naming yun na umabot hanggang hatinggabi, ilang linggo rin siyang nagtext sakin at nagpaparamdam na gusto niyang maulit ang mga nangyari.
Ako naman, once is enough. Andami pang option para maghanap ng panibago. Why settle for someone when I can have everyone? Yun ang mga linya ko noong mga panahong yun, kaya naman ever since, buddy lang ang nakakasex ko ng higit sa tatlong beses. Fubu kapag dalawa, at dalawa lang ang naging fubu ko ever since. The rest, isang beses lang.
Yung SEB kong yun ang isa sa pinakamatanda at pinaka-juts na mga nakalaban ko. Pero in fairness naman, magaling talaga siya at ako pa ang medyo hindi nagtrabaho. Advantage pati ang pagiging SMK niya kaya kahit paano, isa siya sa mga well remembered sa listahan ko. Ilang buwan rin ang lumipas at nalaman kong, naka-partner rin siya ng isa sa pinaka-closest kong tropa.
Another sharing moments between friends ika nga. Sa amin, normal na nangyayari yun ng hindi inaasahan.
---
Ang ala-alang ito ang bumabalot sa akin matapos na mag-chat akong muli sa Cubao kanina kasama si XP.
Di ko na matandaan kung kelan ako huling napadpad sa lugar na yun na ganun ang ginawa, pero ang mga eksena sa chatroom kanina eh halos kaparehong kapareho ng pangyayaring naganap rin two years ago sakin. Dun rin sa lugar na yun.
Ahhh.. ang sarap balikan ng nakaraan, lalo pa ngayong gusto ng katawan mo bumalik sa nakaraang yun. Marahil, hanggat hindi ko nareresolve ang mga issues na kinakaharap ko kay phanks, may pakiramdam akong magrereflect sa blog ko yung mga kwentong, dapat sana eh hindi na lumabas mula sa blackbook.doc file ko.
Friday na ulit at second shift ako ngayong araw. Mababago ng husto ang gimmick sked ko pero one thing is for sure...
Friday night is BED night. Goodluck na lang ulit sakin mamaya.
No comments:
Post a Comment