Dati rati nung straight pa ako, isa sa mga assets ko kaya close ako sa tsiks eh dahil gentleman daw ako. Marunong daw ako mag-handle ng babae lalo na kapag nasa public na talaga namang gustong gusto nila kasi I make them feel secure and protected.
Dahil dun, ilang beses rin ako na-link sa mga tsiks na ka-close ko. Since di naman ako nagfofocus nun tungkol sa mga same-sex tendencies ko, kaya once in a while yung mga closeness na yun eh nagreresult sa attraction between parties.
Sa ganung paraan kami nagsimula ng ex-girlfriend ko. Yun rin ang dahilan kung bakit na-in love ako kay Ice Rose noon.
Ang nangyayari kasi, masyado kaming naging close na para bang nawala na yung borders sa pagitan ng sexes. Siguro, ako lang ata ang nakagawa sa class namin noon na mang-aya ng tsik na manood ng sine na kami lang dalawa ng wala man lang malisya on anyones part.
And nobody ever knew we did those things. Sabagay, para sa iba kasi lalo na sa may malisya ang utak, tingin nila iskor yun para sa akin.
---
Naalala ko lang ito after sabayan ko pauwi yung isang model-modelan na bago kong colleague sa work kahapon.
Weird nga, dahil nagsimula ang araw namin na imbyerna ako sa pagiging epal niya eh. Pero salamat dito sa isang colleague namin na panghapon, napilitan akong sabayan siya since magkapareho naman daw kami ng way at dahil daw walang kasama tong girl na maglakad papuntang sakayan. At the same time, medyo conya-conya tong babae at medyo guillible sa kalye dahil lumaki sa US. Baka daw siya mabastos sa daan.
So ako naman, against my will, napilitan ring sumabay pauwi.
Ang nangyari, habang nag-aabang kami ng jeep papuntang Manila, bigla kong narealize na wala pala akong pera sa wallet ko so kelangan kong humanap ng bangko para mag-withdraw ng pera. Since enjoy naman yung conversation namin kaya ok lang sa kanya na maglakad kami kahit nga ingles siya ng ingles along the way.
Kaso mo, tumawag ang parents niya. Pinapapunta siya ng Market! Market! sa Fort Bonifacio para sa isang family bonding at hindi niya alam ang daan papunta run kaya nagtanong siya sakin.
Willing na sana akong bigyan na lang siya ng instructions, pero nung napansin ko na bigla na lang siya gumamit ng phone niyang mamahalin habang naglalakad kami ng Shaw, narealize ko na baka mapahamak siya kapag wala siyang kasama. Kaya hayun nag-volunteer na rin akong samahan siya hanggang sa last trip niya papunta run.
Habang nasa jeep, marami kaming napag-usapan. Napagusapan namin ang tungkol sa buhay niya sa Tate, paano siya nakakarelate sa mga tao dito sa Pinas, at paano siya nakaka-cope up since lahat ata ng babae na maencounter niya eh imbyerna dahil sa attitude at pagiging assertive at confident niya - na hindi rin naman niya kasalanan dahil ganun talaga ang culture nila sa US.
In the end, na-open up ko pati yung preference ko, at na-open up niya sakin yung tungkol sa date niya na governor ng isang probinsya. Ang lalim nga ng bonding namin na para bang biglang nag-change ang buong outlook ko sa kanya eh. Siguro nakapagpadagdag dun yung pag-oopen ng sexuality ko kasi mas lalong naging comfortable siya magkwento sakin.
Matapos ko siyang maihatid sa Fort Boni, narealize ko na between my preference and a girl, in-between lumilitaw yung dating ako.
Hindi ko alam kung yung mga straight ba naming kasama sa office eh gagawin yung katulad nung ginawa ko sa kanya for no reason at all.
Para sa akin, what matters is that she's safe and secure. Isa pa, nagenjoy naman akong kausap siya eh. Siguro kung medyo naging bitchy pa siya at hindi naging ganun ka-accomodating sakin nung pauwi kami, dedma lagn siguro ako sa kanya.
Good thing, lumitaw yung friendly nature niya, kahit na... mahirap talagang intindihin ang personality na minold sa kanya ng kulturang pinanggalingan niya.
---
Pabalik ng Manila, nakipagkita ulit ako sa aking ever partner-in-crime na si Roy.
Ang eksena namin, manghihiram siya ng ilang m2m porn sakin dahil maiiwan siya sa bahay mag-isa. Sabi niya, gusto niyang samantalahin ang oras kung kelan masosolo niya ang computer at magagawa niya ang lahat ng bagay na di niya pwede gawin kapag andun ang utol niya sa bahay.
Pero dahil hindi pa binabalik ni Naught yung mga porn na hiniram niya sakin (na ang claim niya eh tinapon niya sa basurahan dahil hindi daw niya mapanood sa DVD player niya), napilitan ulit akong mag-refleet ng mga porno galing Quiapo.
At ang scoop, merong mga bagong klaseng porn ngayon galing Malaysia na kung ano yung nasa labas ng case eh ganun rin ang contents sa CD. Kaya mas excited tuloy akong bumili ngayon kasi alam kong sulit yung 50 pesos na ibabayad ko para sa dalawang CD.
---
Habang nasa daan, wala kaming inatupag kundi magbaklaan.
Kung dati rati eh gumagamit pa kami ng terms para lang magkaintindihan sa mga pinag-uusapan namin, ngayon talaga wala na.
Wala na kaming pakialam kahit na marinig ng ibang tao na nagga-gay talk kami, o kaya nagkakagulo kami dahil meron kaming nakitang cute na lalaki sa daan. Kumbaga, no-holds barred na ang labanan at wala na kaming pakielam kung ano ang sabihin ng iba.
Kakatuwa nga eh, naiwanan pa kami ng isang FX na pinara namin kasi mas pinagkaguluhan namin yung isang cute na guy na sumakay sa taxi na me dalang speaker sa Quiapo.
---
Pagdating sa bahay, sinalang ko kaagad yung mga CDs na binili ko.
Habang nagski-skim kami ng mga scenes, di namin maiwasan di kiligin at magtatawa dahil sobrang jackpot yung mga nakuha ko!
Bel-Ami ba naman eh, kaya puro junjunin ang mga actors. Tapos puro Slovakian pa na ang kikinis at ampuputi ng balat kaya naman pati yung mga Rambutan na binili namin along the way eh naubos kaagad ng isang upuan.
At hetong si Roy, di pa nagpapigil. Nung gabi ring yun, nagpasama sakin bumalik ng Quiapo para bilhin yung mga CDs na binili ko nung hapon.
Nakakatuwa lang, habang pabalik kami ng Quiapo, napagkwentuhan namin na siguro kung ibang tao yung nagkulong sa kwarto at nanood ng porn, tiyak yun, hindi lang kilig at tawanan ang gagawin ng mga yun.
Sabagay, sino nga ba naman ang makukuntento sa panonood lang ng porn lalo na't dalawa lang kayo, pareho pa kayo ng preference at nasa private place kayo.
Masyado lang sigurong malalim na ang pinagsamahan namin para maging immune sa ganung klaseng situations.
---
Lastly, bakit ganun. After nung nangyari last Saturday, para bang naging empty and pakiramdam ko tungkol sa buddy ko.
Feeling ko ba, parang may natanggal ng plunger sa sarili ko na biglang naging come-what-may na ang attitude ko tungkol sa relasyon.
Di ko alam kung positive ba yun o negative. Pero ang sure dun eh nawala na yung mga inhibitions na inimpose ko sa sarili ko ever since naging kami ng buddy ko 2 years ago.
Totoo kaya na normal lang ma-temp kapag nasa relationship ka?
Alam ko si phanks, may ilang eyeballs na ginawa nung nagsisimula pa lang kami. Alam ko, siguro kung di ako nag-exert ng effort para i-impose ang sarili ko sa kanya, baka noon pa lang, nawalay na siya ng landas.
Hindi kaya dahil mahina na ang presence niya sakin ngayon kaya nagkakaganito ako? Hindi kaya masyado akong dependent sa routine para mag-work sakin ang isang relationship?
Ngayon kasi, free-for-all ang nangyayari samin eh. Di kami on-the-rocks, pero feeling ko, the more na na-aacknowledge ko na solo ko ang buhay ko, the more na nag-dridrift siya palayo sa sentro ko.
Hindi kaya ganun rin ang nangyayari sa kanya? Sabagay, medyo marami akong nakitang friendly/flirty text message ng mga tsiks sa phone niya last time na nagkasama kami.
And the thing is, it doesn't really affect me anymore.
No comments:
Post a Comment