Habang nakasakay ako sa taxi pabalik ng bahay, nasa isip ko pa rin ang mga nangyari sakin sa BED noon sabado ng umaga. At the back of my mind, naiisip ko what if kasa-kasama ko si Phanks lagi sa club na yun, magiging hot item kaya kami. Lol. Hindi naman siguro, pero marahil di rin ako ganung mag-eenjoy dahil mas itutuon ko ang attention ko sa kanya sa halip na nagboywatching dun at makipagsoshalan every time na naliligaw ako dun.
Habang nagmumuni-muni sa taxi, bigla kong naalala na last time ko pala siyang nakasama doon ay wala pa kaming 3 months na magbuddy. Simula noon, mas pinili ko nang sumayaw mag-isa para walang hassle sa part ko kapag kasama ko siya, at the same time, natakot na rin ako na baka matempt siya makipaglandian sa iba habang wala ako malapit sa tabi niya.
So for the past two years, tinatak ko sa isip ko ang takot na yun. Kaya hayun, kahit na anong gusto niyang magnight out kami pareho, mas pinipili ko na lang maging pulis-pulisan para sa kanya at i-monitor ang oras ng uwi niya tuwing may lakad siya kasama ang mga officemates niya tuwing Sabado ng gabi.
Last Saturday, naisip ko, what if I treat ko siya bilang celebration sa pagtatapos niya ng first sem sa Benilde sa pamamagitan ng pag-aya sa kanyang pumasok ulit ng BED? Interesado pa kaya siya? Ganun pa rin kaya siya ka-ilang na nakadikit ako lagi sa kanya habang siya naman ang sumasayaw? Hindi kaya siya magduda na bakit parang andami kong super-friends sa bar na yun samantalang ang alam niya eh lagi lang ako nasa bahay tuwing Friday ng gabi? Makakatorrid kissing ko na kaya siya ng hindi siya naiilang sa mga bading na nakapalibot sa kanya?
Mapapagkatiwalaan ko na kaya siya?
Kunsabagay, isang beses pa lang ako nasaksihan ng BED na nakikipaglaplapan. Ever since nag-open siya two years ago, si Phanks pa lang ang nakahalikan ko dun at wala ng iba. Para sa akin, milestone na ulit sa akin ang masilayan siyang muli na nagsasayaw habang ako naman ay nakatayo lang sa harap niya, pinagmamasdan ang ginagawa niyang pang-aattract sa aking makisayaw kasama niya.
---
Dumiretso ako sa office noong umagang yun na ngarag at antok na antok.
Akala ko nga mag-papass out akong muli gaya nung nangyari minsan na bigla na lang bumagsak ang ulo ko sa computer table tapos nagkamalay na lang ako na ginigising ako ng supervisor ko.
Last Sunday ko rin na-confirm na ang bagong term nila sa bading eh "she-male" salamat dun sa transexual na officemate ko na ang trabaho araw araw eh sumagot sa mga dirty text ng mga British na kliyente namin. Ang kwento kasi noong umagang un, naiwan nitong bagong she-male na junjun yung friendster niya na naka-log in. Noong hinimay himay ng mga kasama ko yung mga entries nitong si she-male, narealize nilang keganda-ganda palang bata noong bagong kasama namin.
Bukod pa dun, talaga namang kagandahan ang mga poses niya! Kahit siguro ako na bading na bading minsan dito sa blog, nagmamaintain pa rin ng discreet image pagdating sa friendster ko.
Kaninang umaga, yung junjunin na she-male ring yun ang bagong item sa office ng dumating ako, matapos mag-feeling maganda dun sa collegue naming she-male rin na kasing laki ni Soxy Topacio kagabi. Medyo di klaro yung kwento nila, pero ang sabi, bigla daw sumigaw tong si Junjun na she-male na masyadong maingay magtrabaho yung mga tiga-panggabi. Palibhasa kasi eh bago pa lang kaya hindi alam na ang kalakaran talaga sa office eh maging maingay at madaldal tuwing nagtratrabaho.
Balita ko nga, merong isang tiga-panggabi na habang nagtratrabaho eh nakikipag-SOP pa dun sa kausap niya dito sa Pinas eh. Siguro yun lang ang maganda sa work namin. Madalas nakakatamad at nakakapagod rin, pero ang mga personalities ng makakasama mo, mga priceless talaga!
Siguro sulit na rin na ito ang pinalit ko sa Convergys kahit na mas mababa ng husto ang sweldo.
Tiyak nito, pagdating sa Wednesday at kumalat na sa mga officemates kong day off ngayon at bukas ang nangyari, mas lalo pang titindi ang intriga at balitang kakalat galing sa kanya. Moral lesson dito, kung bago ka pa lang sa work at wala ka pang kakilala, never ever make bida to everyone around you.
Kung nakisama ba siya at trinopa niya yung mga tiga panggabi, edi tropa niya rin ngayon yung mga tiga pang-umaga at mga panghapon.
---
Nung saturday sana ng gabi, may gimmick ulit ako kasama ang barkada. This time si Nathan naman ang nag-organize at ang night out daw na yun ay despedida para kay Marvin na magtratrabaho na sa Pampanga in a weeks time.
Kahit na puyat at wala pa rin matinong tulog, pinilit kong dalhin ang sarili ko sa banyo para maligo. After all, this is a social obligation at maaring heto rin ang maging daan para ma-renew ko ang bonds ko sa mga tropang ilang buwan na rin hindi nakikita at nakakausap.
Pero habang lumalalim ang gabi, mas lalong nagiging confusing ang sitwasyon. Balak ko talaga hanggang hatinggabi lang ako pero alas-diyes na wala pa ring siguradong plano. Sabi kasi ni Nathan, wala daw nagrerespond sa kanya kaya hirap siyang mag-organize.
In the end, nagpasya kaming iatras na ang lakad at instead mag-bonding na lang sila ng buddy niya.
No comments:
Post a Comment