Dear Meng-meng,
Isang taon na rin ang lumipas mula ng tumungo ka sa Amerika. Tanda ko pa ang huling gabi mo dito; papasok ako sa trabaho samantalang ikaw naman ay nasa apartment nila XP, ineenjoy ang huling sandali sa piling ng iyong bestfriend.
Tanda ko pa na umuulan noon habang ako ay nasa bus na binabagtas ang kahabaan ng Edsa patungong Ortigas. Nagbabalak akong mag-cutting sa work noon dahil gusto kong maihatid ka sa airport. Sa trabaho, ikaw lang ang iniisip ko, pero badtrip kasi yung payong na dala ko, hindi tuloy ako nakatakas dahil hindi ko maiwan sa opisina.
Alam ko kasing kapag umeskapo ako, wala na akong babalikan...
---
Alam mo ba, marami na ang nangyari matapos nang umalis ka?
Shempre alam naman natin lahat ng nangyari. Alam rin naman natin kung saan tayo patungo pag umalis ka na ng Pinas. Maraming beses na rin nating pinagusapan yun noon diba?
Pero nasa akin pa rin yung huling text mo bago ka magboard ng eroplano.
Tinago ko yun para sakaling bumalik ka, maipapakita ko sayo na hindi ako nakalimot sa samahan natin... na kahit hindi na tayo ganung nakakapagkwentuhan ngayon, nasa puso ko pa rin ang pinagsamahan natin.
Lately, kapag umuuwi ako galing Malate mag-isa, naalala ko yung schoolbus natin. Naalala mo, ilan tayong sasakay sa taxi tapos isa-isa nating ihahatid ang mga taong kasabay natin? Diba andami rin nating naging close dahil dun? Andami rin nating mga tsismis na napagkwentuhan dahil sa mga schoolbus natin.
Tuwing pinagmamasdan ko ang Red Banana habang pauwi ako galing BED, naiimagine kong nandun ka... pero hindi ka naman pumasok dun kahit kelan eh. Maka-Bath ka kasi. Pero naalala ko lang na kapag sinusundo kita dun sa Bath, kelangan ko pang isigaw ang pangalan mo sa darkroom para lumabas ka lang. Minsan pa nga, kelangan ko pang hawakan yung zipper ko kasi andaming gusto mandakma sa akin.
At sino ba ang makakalimot doon sa simbang gabi nating dalawa? Tama nga ba waps, nanggaling ka ba sa SEB nun, tas instead na umuwi ka senyo, dumiretso ka samen tapos nagsentihan tayo buong gabi? Tas naisip na lang natin na magsimbang gabi sa umaga para naman humaba ang oras na magkasama tayo?
Taena, habang sinusulat ko to, parang unti-unting bumubuhos sakin ang alaala nating dalawa. Kahapon nung me ka-date ako, sabi niya patingin daw ng pics ko sa phone. Eh ikaw lang naman ang nagsesend sakin ng mga pics natin, kaya nung nakita niya yung pic nating tatlo ni XP sa Timog, bigla kong naalala
Na isang bangka pala tayo.
---
Sabi mo nung huling nag-usap tayo, kelangang mag-move on na tayo. Lahat ng mga yun alaala na lang satin...
Ngunit sa pagkakataong to, hahayaan ko ulit makaalala.
Hahayaan ko ulit halukayin ang mga nakaraan natin sa piling ng ODDERs... kahit na sa totoo, lahat kami may sariling mga buhay buhay na.
Nasa internet cafe ako ngayon... at merong tukling na sobrang ingay dito sa likod ko. Siguro kapag nandito ka, tinarayan mo na yung tukling na yun gaya ng ginawa mo sa Hap-Chan noong minsang nagmalate tayo sabay merong grupo ng mga bading na ang-iingay sa likod natin.
Ewan ko kung naalala mo pa yun, pero sa akin memorable yun dahil yun ang unang beses na inabot ako ng alas nuwebe ng umaga sa contingent natin.
---
Sana matyempuhan mo tong entry kong to. Di ko sure kung nagbabasa ka pa ba ng mga blogs namin... ngayong ako na lang ang natitira dito.
Sana ok ka lang jan, siguro tumawag ka na sa nanay mo kahapon dahil nga isang taon ka na jan.
Pasensya ka na ha, hindi ko na kinuha yung QAF VCDs mo senyo. Talaga atang masyadong nakakalungkot lang maligaw sa lugar mo dahil andami dami dami kong naaalala tungkol sayo.
Ang bilis talaga ng panahon. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pagbabago simula ng nawala ka.
Pero sabi mo nga, everything changes.
Kaya heto. Kahit mahirap, nagsisimula na rin akong mag-move on...
---
Basta waps, wag ka sana makakalimot ha.
Kahit malayo ka, isipin mo pa rin na naniniwala pa rin ako sa isang bangka natin.
Naalala ko pa rin na ako ang dahilan kung bakit naging bottom ka at naging reyna ka ng Dark Room.
Kwentuhan na lang ulit tayo, sakaling matyempuhan mo ako sa YM.
Hanggang sa muli waps...
Maraming salamat.
No comments:
Post a Comment