Showing posts with label written in lingo. Show all posts
Showing posts with label written in lingo. Show all posts

Monday, May 12, 2008

Remembering The Badinggerzie Saga

To you, who I danced at BED two years ago:

Found your multiply page last year. I did not make my presence felt for the uncertainty that you might not be the one who left me with lingering memories that lonely night. Yesterday, I found your blog through one of my links. You are the same guy who owns the multiply account I discovered before.

Two years is a very long time - long enough for you to forget our dance that night. However, in case my hunch is correct. If you are the same guy I met at BED, then call this reunion a serendipity.

Just to let you know pare, I still remember.

I hope to see you again.

---

Dear Badingerzie
March 25, 2006

Ganun pala ang feeling kapag ang mega bet mo ay suddenly na karir mo sa dance floor.

Grabe, hindi ko kinaya ang mga eksenang nangyari kanina. Alam ko lang, kasayaw niya yung isang chabelitang hindi naman deserving sa kanya dahil halatang hindi keri ang mga giling niya. Maya-maya, lumapit na lang siya sa akin at tinulak ako papunta sa gitna para makasayaw. I swear kung uod lang ako, pwede na akong budburan ng asin para mag wiggle ng walang katapusan sa kinatatayuan ko.

Alam mo ba ate, habang kaharap ko siya, lahat na ata ng pwede kong punahin sa sarili ko eh napuna ko na. Nandun na magworry ako dahil amoy sigarilyo ang aking hininga. Nandun na napaka-oily ng balat ko at wala man lang akong panyong pamunas habang sumasayaw kaming dalawa. Nandun at pati ang bilbil ko eh ikabadtrip ko na dahil lumalaylay sa tagiliran ko. Para akong dalagitang nasa harap ng kanyang first crush, kulang na lang matunaw ako habang sumasayaw sa harap niya.

Nakakatuwa ano? Kahit ako hindi ko ineexpect na ganun pa rin ako ka eng-eng pag may bet akong pumansin sa akin. Jusku! bihira lang ata sa tanang buhay ko yun. Kahit nung kapokpokan ko pa nung sinaunang panahon, once in a blue moon lang mangyari ang mga pagkakataong ito. Takot ko nga, baka sa sobrang lousy ko magsayaw (dahil sobrang tense ako habang nangigigil siya habang gumigiling sa harap ko), maaring talikuran na lang niya ako't makipagsayaw sa iba.

Lalo na't kung saan-saan ang tingin niya at hindi sa akin.

Diba sobrang looser ng kalalabasan ko nun? Siguro kung nangyari yun, nagpaka-tago tago na ako sa madilim na bahagi ng BED at magpapanatang hindi muna magpakita sa lugar na yun in 48 years.

Kaimbyerna, mahirap talaga tumanggap ng rejection minsan.

---

Pasensya na kung hindi ko na kayo masyado nasamahan nung nakapartner ko siya. Alam ko namang happiness rin kayo. Nakakatawa nga eh. Everytime na kasama kita, nauuwi sa karir mode ang drama ko. Ngayon nga lang eh pumalo sa jackpot. Siya yung unang superbet na sinabi ko sayo na dinedma mo lang. Mukhang swerte ang dala mo sakin - mas tumataas ang market value ko kapag nasa isang bar tayo.

Alam mo ang nakakatawa, habang nag-uusap kami... habang binabakuran ko siya BUONG magdamag nung umalis na kayo, at habang inaalalayan ko ang mokong dahil lasing na lasing na; nakabaon sa isip ko yung sabi mong wala akong K magkaroon ng happiness hangga't hindi ko nakukuha ang pangalan, tirahan, edad, trabaho at telepon number ng bet ko.

Sa kanya... abot langit ang nakuha ko - except sa isang bagay na sinadya kong di kunin. Kung happiness na akong nakita siya nung medyo maaga pa, marahil perfection na ang nakasayaw ko siya.

---

Sayang nga lang

Ang aming moment ay isang magdamagan lang - sa isang dancefloor kung saan konti ang tao at ang music ay talaga namang hindi nakaka-inspire isayaw.

At ang pabaon niya lang sakin ay ang kanyang 5'8 na height, singkit na mga mata, makinis na kutis, dimples sa mga pisngi at makisig na pangangatawan.

Siguro hanggang sa panaginip, paulit ulit na maririnig ko ang kanyang Fookien-accent na Tagalog at ang kanyang walang katapusang tanong tungkol sa kung sino ang kasama ko sa bahay at kung maari ba siyang makitulog.

Para tuloy akong si Cinderella habang paulit ulit ko itong naalala habang sinusulat ang entry na ito.

---

Nagsama pa kami ng mahaba-habang oras matapos kayong umalis ng BED.

Sumandal pa kami sa pader, nahiga sa sofa, nagdikitan ng mga braso, nagkiskisan ng mga pisngi. Kung ibang tao lang siguro yun, nauwi sa laplapan ang nangyari sa aming dalawa.

At alam mo ba, nagvolunteer pa akong ihatid siya sa kanilang bahay sa Cubao na nauwi sa paghahatid niya sa akin malapit sa bahay - nalibre pa ako ng pamasahe.

Sabi niya kasi masyado daw malayo ang Cubao para sa akin eh... baka magkaproblema lang ako pauwi.

At alam mo ba ang pinakamalungkot sa lahat?

Ang aming simula at katapusan ay inabot lamang ng dalawang oras - katumbas lamang ito ng isang panonood ng sine na nagkaroon ng malungkot na ending.

Marahil pagkagising niya mamaya, nakalimutan na niya ang lahat - at ang amats na lang ang maiiwan sa kanya. Sa kanyang pagbangon at pagsisimula ng araw ng tanghali, hindi niya maalala na may isang nakilala siya sa BED na sumalo sa kanya - habang siya'y lunod sa alkohol at magulo ang pag-iisip.

Marahil kapag nagkita kaming muli sa mga susunod na panahon, isang panandaliang titig na lang o kaya astig na patango ang isusukli niya sa pagbati ko sa kanya.

Marahil sa muli naming pagkikita... nakalimutan ko na ang hitsura ng kanyang maangas ngunit katuwa-tuwang pagmasdang mukha.

Napakalapit ko na sana, pero sadyang pagkakataon - at disiplina ang nagpigil sakin.

---

Tanda ko pa, ilang segundo bago ako bumaba hinirit pa niya na magtext ako sa kanya, na sinuklian ko lang ng paasar na ngiti.

Tangina, paano ako magtetext sa kanya eh sa kalasingan niya

at sa takot kong magkaroon ng dugtong-dugtong na linya ang aming kwentong buhay na nagsimula ngayong gabi...

Nakalimutan naming magpalit ng numero ng cellphone ng bawat isa.

Ang lahat ay tinapos ko na sa isang gabi lamang.

---

Dear Badinggerzie (End of Daydream Fantasy Redub)

Monday, July 2, 2007

The Princess Speaks

"Kamusta naman and mga echoserang otoko. Dear Ate Kimberly, itago nalang natin sila sa mga pangalang kokak Petra at Pretty ang tatlong talipandas na presently narruruine ng akez careerness.

Etong si pretty may face value. Carry na maski isa lang ang outfit na suot nya 7 times a week at medyo isang taon ang get up evraday. Medyo maganda ang built ng lolo mo at maputi.. kaya pretty eh kc mukhang gurlaloo.. Hmmm at neng mawiwindang ka sa hair..

Enough kay pretty magawi naman tayo kay Petra. Ang lolo mo lederlederan and drama at uhm may katarayan ang chaka.

Lakas ng loob ng lolo mo.. fikturr mo zi wilma doesnt amp kaface nya itu minus d hairlaloo.. Etechiwang maasim na kabayo eh kinagigiritahan deteiwa sa office.. Dyos me maloloka ka..One time mega brag ang tikbalang na baby faced daw cya dyos me muntik ko nang madura and kapeng nilalaklak kesh.. wagka matalino daw cya dyos me at uhm ang kutis ng lolo mo parang kahoy ng nara.

Ilusyonada eteklavung vaklush na mukhang nagmagrate deteiwa sa city na prubincianic ang beauty masbatentyo haha.mabigyan nga ng salamin itong ilusyonada. In fairview naman detei kay petra ay mas papanget pa pala..etechiwang si kokak na animoy kampanerong kuba.

Picturin mo si quosimodo. Oo lola ganun ang fece nya..Etelkavung si fanget kung makahalakhak eh parang nakakaloko at wala ng tommorow. Bukod sa taglay nyang kapangitan ay mag taglay na kabahuan rin..dyos ko kaloka ang ngipin..ning' green sankapa.. medyo may pagkashungak rin itong si kokak at tipong sitting pretty este sitting ugly."

---

Let's see how good you are with Lingo.

Saturday, June 9, 2007

Hammertime V2

Sa special class ni Propesora Wanda isang hatinggabi.

Propesora: Good morning class. I'm sorry if we have to hold a special class in the fabulous land of Malate Republik. Alam niyo naman na this is the gay capital of Manila, so I think it would be a good idea to have your completion in my subject right here where Bed, Chelu and Tops and Bottoms are located. Inspired na ba kayo class? The pupil who will get the highest grade from moi, will receive a one year free entrance at Bed - with complementary drinks pa itech, every time he shows up in a major event. Remember, the White Party is just a few days away so impress me with your knowledge about gay lingo.

Pupils: Yes propesora!!

Propesora: Very Gud. Now I want you to invent a new term for a situation, where a supposed to be friendly encounter turns sexual becoz the hesitant party was coerced to having a jug with a much aggressive party after the latter teased the former into submission.

Pupils: silent

Propesora: Well, since nobody wants to raise his pinky finger for the recitation, I will call someone from the class. Can you please stand up Pulsar?

Pulsar: Yes propesora?

Propesora: Invierna! Tapos na ang Miss Universe nining, huwag ka na makipag-chikahan kay XP tungkol sa mga nangyari noong isang linggo sa Mexico dahil yan ang ating Best in Miss Universe History this year. Intiendez?

Pupils: clap! clap! clap!

Pulsar: Opo

Propesora: Now to repeat my question. Ano ang tawag sa situation kung saan ang isang bektas na feel maging Maria Clara ay biglang naging wild Magdalena matapos siyang bulungan ni Pedro ng "ang sarap mo naman ining," nang sila'y napag-isa sa isang pribadong lugar? Bet naman natin na tension will rise in such a close contact environment devah?

Pulsar: Ay now da anser propesora!

Propesora: What is it then my dear pupil?

Pulsar: Na-Corner po.

Propesora: Good answer. Tiyak matutuwa na naman nito ang ating mga gay linguist sa contribution ng mga PLU to enrich our language. Now use it in a sentence my dear.

Pulsar: Na-corner si Mugen ng isang boylet noong isang araw matapos niya itong papuntahin sa kanyang bahay sa pag-aakalang mag-buburn lamang ito ng mga Emo mp3s mula sa kanyang computer.

Propesora: Ay intriga itu! Where is Mugen pala?

Pulsar: Nag-cutting na po maam.

Propesora: Pasaway na binata! Do you know where he is?

Pulsar: Nakita ko pong nakapila sa entrance ng Bed bago kayo dumating propesora.

Propesora: Well, incomplete sha for this semester. As for you Pulsar, akala ko ba eh kayong tatlo ni Darkstar ang magkakasama sa kabutihan at kalokohan?

Pulsar: Na-corner rin po ako eh. Ni rub po kasi ng boylet ang hands niya sa legs ko habang namimili po sila ng sounds ni Mugen. Nakiliti po ako, tinigasan si Darkstar kaya hayun, ng biglang nagtanong kung posible ba ang happenings sa pagitan nila ni Mugen, hindi na po ako nakapagprotesta.

Propesora: Ay ganun?

Pulsar: Opo eh.

Propesora: Well then, for being an irresponsible boy, wala kang free entrance sa Bed. Pero in fairness, I give you a grade of 1.25 for your creative answer.

Pulsar: But propesora...

Propesora: No buts buts for me ineng. Isama mo muna si Alpha bago ka lumapit sa akin.

Pulsar: But I want a free entrance at Bed po!

Propesora: Sorry, I changed my mind, since super VIP ako sa Government, I shall go there tonight. Kung bet mo sumama then join ka sa akin.

Pulsar: Ganon?

Propesora: Yiz. Any more questions my dear pupils? If there is none, then class dismissed. Go on, have fun on a Saturday night. Baboosh!

---

And to think, I believed that he was different from the rest of them... Indeed, libido strikes, without any specific time or consideration. The deed was done and there was nothing more to say. Like all others, he is history.

A figment of memory, only remembered whenever I look at the Black Doc that keeps all my logs, ever since I began counting my kills.

Wednesday, January 17, 2007

Hammertime

Minsan sa klase ni Propesora Wanda.

Propesora: Gud morning class. Our lesson por today is Gay Linggo. You have to come up with new terms to enrich our Gay Language especially da pa-mintas who don't want to use the Parlorista dialect for their own advantage. Wit ditey ang Malatespeak keri? You have to be creative becos this is a graded recitation. Ligwak ang shonga-shonga dito oki.

Pupils: Okay po!!!

Propesora: Now Mugen, Please stand up.

Mugen: Yes Propesora

Propesora: I want you to give a new term para sa act, when the sticky whitey fluid that explodes from your noches accidentally or deliberately hits your partner on the face.

Mugen: Ah.. eh... Orbital Bombardment po.

Propesora: Ay winner itey. Now use it in a sentence my dear pupil.

Mugen: Nagwalk out ang ka-SEB ni Macoy kagabi nang ito'y na-direct hit sa mata ng kanyang Orbital Bombardment.

Propesora: Very Gud answer. Totoo ba ito Macoy?

Macoy: Hehehehe.

Propesora: That's a very notty answer Macoy, for that, you get a point as well.

Macoy: Hehehehe.

Propesora: At dahil sa iyong bagong term Mugen. You get a 10 for recitation. In addition to dat, you can choose a classmate of yours who will recieve your Orbital Bombardment later after class.

Macoy: Propesora paano ako?

Propesora: Well, anong ginagawa ng CB sa Pasay hijo?

Macoy: Ah honga pala. I can choose from A-Z. Heheh

Propesora: That's all then. Class dismissed. Baboosh!

Friday, December 2, 2005

Opening Salvo (Cofibean Feeling Conyotix Remix)

Beat this mga Mareh!!

I went gaga kanina after writing my last entry. Kasi ba naman, its soo not me. Imagine, worrying about losing the spirit of Christmas. The hell, the Christmas Spirit i've been talking about is for kids right mga mareh? I mean, I should be acting like a 24 year old, even though I still have 13 days to claim that I am 23.

Eniweis, my Mama asked me to go to Makati today to address some business we have with this big insurance company. Si Daddy naman kasi was too good to leave us with massive inheritance after he died. So, don't be surprised if by next year, I'll be talking about buying a condo at the Fort ha! And besides, our old Tamaraw needs to be replaced na. I think I'll tell Mama to buy us a Maybach if we ever get invited by its distributor.

Volvo is so jologs na kasi eh.

---

I was about to leave home when my tibak sister started to nag to me in front of our yaya. She was complaining about why nobody woke her up when in fact everyone WAS waking her up. Stupid talaga mga mareh.

I was soo in the mood to leave the house na, and there she was, making dakdak at me. She even told me na wag na daw akong uuwi ng bahay. As if naman. Maasar lang ako, I'll use my credit card to sleep na lang in Sogo if I want eh.

So there I was waiting for a ride going west while puffing my favorite Malboro Green. Suddenly I remembered an advice from a customer service officer with whom I talked before about how haggard it is to be their office at that time of the day.

Immediately, I took out my planner, changed some schedules for this long day and then I hailed an FX going to Divisoria...

Kasi naman mga mareh, no matter how I deny it. I'm still attracted to bargains no. Even if it's infested with the maralitas and all the bad elements that comes with them.

Kaya hayun, I found myself walking that stupid strip of Recto going to Tutuban Center to withdraw some money from my ATM. Badtrip kasi eh, when would those Chinese Aliens in that place learn how to operate a credit card machine para naman hindi na ako make pila with all those loosers who are afraid to put all their money in their wallets no?

Chos! I'm one of those loosers nga pala. Lol

---

After I withdraw some not-so-big-cash naman from my bank, I was about to enter Tutuban Center when a better idea came into my mind.

I suddenly remembered how loka I got when I discovered this oh-so-kadiri mall somewhere inside the dirtiest part of Divisoria.

Kasi naman noh, before you get there you have to make pasok pa to this series of alleyways that leads to the mall. Imagine the horror making contact with those maralitas who shop there and those who ply their wares. Malay ko ba, some of them might even make tastas of my Jansport bag na.

Buti sana if they are so gwapo. I might even give them a cutesy remark for making pansin of me.
I entered this small street called Tabora. The whole area is known for its paper crafts and things like that. In fairness mga mareh, I saw some drag costumes there. I'm sure my closet transvestite friends (if there's any) would make tili if I tell them this good news.

Honga pala, my theme this year is the bigger the better. Wala lang, suddenly I realized that no matter how chipangga your gift is, the moment the reciever realizes that he got a massive gift, mareremember ka niya until next year.

Ganun naman talaga diba? Jusku, those who gave me bigger gifts last year will recieve a much larger gift this Christmas.

Hindi ko na nga lang sasabihin kung san ko nabili yun.

Kaya ikaw Mami, quiet ka lang jan ha.

---

Finally, I reached my destination.

Right in front of me was the massive, fire-hazard and overly kadiri place known as Divisoria Mall.

Grabe, pagpasok mo pa lang sa entrance, nakakahilo na ang amoy ng maralitang nagkalat all over the place. Good thing, the Chinese aliens who also infest the insides of the mall knows good hygiene or else, I'll make himatay na talaga right there pa lang sa entrance.

In fairness naman, the maralitas are very nice to me. Imagine, I got there in the first place with my Jansport bag never suffering from any laslas.

As if naman they would get something from there noh. Not even my stupid phone is worth the effort of a holdupper.

One thing I hate about Divisoria Mall is that their pasilyos are very very narrow. I bet, if some stupid tindero there make benta glasswares, ay nako wala pang 3 seconds lugi na siya kasi nabasag na ng mga dumadaan yung binebenta niya.

Besides, if that old decrypt building burns. There's no chance talaga for you to make it safe outside. Hay naku, not only will you be burned beyond recognition, even your ashed remains will fuse on the walls. That's how fire hazard the place is.

Pero like what I've said mga mareh, those things they sell there were waaaay beyond the limits of your ordinary tiangge. In fact, I guess all those things the tianggero sells came there in the first place nga eh.

Not even Greenhills can face that fact. The Moros there were once again beaten by the crafty Chinese.

Like they've always did since time immemorial.

Grabe I'm so racist na talaga.

Kaya hayun, I felt the world was at my feet. I imagine other seasoned conyo bargain hunters bowing before my discovery.

Yun nga lang...

After One Hour..

Haggard na akey.

Panu ba naman, I've been so gaga over the things that I find that I realized that my big blue supot is already at its maximum capacity. Grabe talaga, I looked like a Santa Claus while making singet to the maralitas who passes in front of me.

In the end, I was the one who quitted. Told myself that I don't deserve such haggardness in the first place. If I was this really conyo in the first place like Cofibean is, I should have at least booked a flight going to Hong Kong to find some cheap bargains there.

---

In the end though, I was so happy with my achievements.

Imagine, for 2 kyawsoses (thousand), I bought a Samurai for our Admin Manager at the security agency. I even bought a ceramic tea set for my auntie for 200 bucks. As in, andami ko talagang nabili that I even promised myself to return there next time with XP. Para naman makabili ulit ako ng mga thingies that I will give this Christmas and the most wonderful price possible.

My mama always scolds me for having a massive Christmas List every year. Three years ago, I gave around 40 gifts alone for our staffs from the Publishing and Security Agency. Wala pa dun yung sa mga classmates and relatives and also family members ko ha. This year, I am expecting to give around that same number of gifts to friends alone. Sa Odders pa lang, it would number around 30 na.

Anyways the reason for the seemingly uncomprehendable gift giving attitude is that for a change, I would be the one giving to those who have positively affected my life noh. For all the good and kind things they have done, it's time naman for me to remember them.

Forget about not recieving anything in return. In the first place, you give things without expecting anything back. Besides, I'm sure that God will be the one who will make up for it. So sa akin, keri lang, as long as I know that I made a person happy. Happy na rin akey.

Year by year, I complain about how chaka naman not to feel the Christmas Spirit I've been enjoying when I was still a spoiled brat.

You know what, after walking from Divisoria to Binondo after I got out of the Mall, then riding a crappy jeep from Binondo to Escolta, and then riding again a crappy jeep from Escolta to Sta. Cruz, and then taking a freaking stupid and god-forsaken shor jeepney trip from Sta. Cruz to Avenida only to realize that my only option at all is to take a final jeep ride going home, and not taking a cab from Binondo going home as I initially planned, I found out that the real spirit in Christmas is by giving... and giving... and more giving - to show that you appreciated the people who became part of your life throughout the year no matter how hard or blissful it is. Giving gifts is like thanking them for making your life more meaningful and special by being there in the first place.

I guess I still have the spirit within.

and it only took an afternoon chaka shopping galore at Divisoria Mall to reclaim it once again.

Friday, October 28, 2005

Vent Out

Dear Mother-of-all-Babaylans,



As expected, bagsak na naman ang byuti ko sa balay. Pang third week ko na ito mamoosh. Ewan ko ba kung bakit everytime na lang tinatamad akong rumampa sa labas. Wala rin naman akong kasama. Tuloy, kaharap ko na naman ang PC at TV ko ngayong gabi. Mamaya, magsi-Sims2 na naman ako o kaya bubuksan ang TV at ilalagay sa Jack TV.


Paano ba naman, Friday na Friday walang tigil pa rin ang ulan. Sabayan mo pa ito ng isang obvious na obvious at malawakang paghahanda ng sangkabadingan sa Black Party bukas at ang outcome… walang nag-aaya gumimik ngayong Biyernes ng gabi.

Sa totoo lang, super imbyerna ang ganitong mga moments kaya! Dalawang araw na nga lang ang day-off ko, ang hirap pang sumayd-line ng rampa pag gabi. Kasi ba naman, ang sisterette ko palaging umeextra sa samahan niyang Komunista. Tuloy, naiiwan sa akin ang role ng pagiging “obedient/loving” daughter sa aking mudarakis every time na may lakad siya sa mga araw ng wala akong pasok.

Kadarating nga lang namin galing sa isa sa kanyang mga lakad eh. As usual, nagrereklamo na naman dahil daw masyado akong apurado. Dalhin ba naman ako sa department store at magwindow shopping ng ilang oras, ewan ko lang kung sinong hindi lalaki ang matuturat sa ginagawa namin.

Kasi naman mamoosh noh, kahit na ilang beses kong isalaksak sa isip ko na ako'y isang magandang bading, lahat pa rin ng habits ko barakong barako pa ren. Kahit nga pilantik ng kamay hindi ko pa magawa eh, yun pa kayang mag-enjoy sa pagshoshopping?

Ewan ko ba bakit sa pamilya namin baliktad ang roles naming magkapatid:

+ Sabi nila, walang nakakatalo sa pagiging malinis at orderly ko sa kwarto to the point na lumilitaw na ang aking Obsessive Compulsive Personality Disorder. Samantalang siya naman eh sabog sabog ang mga gamit, ang mga damit at mga tuwalyang ginamit sa araw araw niyang paliligo. Kung hindi sa mga dolls at stuff toys niyang nakasambulat rin sa kama niya, ilang beses nang napagkamalang kwarto ng lalaki ang kwarto niya.

+ Sa bahay rin namin, siya lang ang katangi-tanging nakakalakad sa loob ng bahay na naka-bra at naka panty lang lalo na kung tinatamad mag-suot ng T-shirt. Ilang beses na akong nagreklamo ng Harrassment tungkol dito pero dedma lang sila. Palibhasa kasi ako lang ang lalaki (note: gerl) sa bahay kaya niya nagagawa yun. Buti na lang, lagi nang tumatambay sa bahay yung half-brother ko kaya napipilitan na rin magbehave ang kapatid ko sa labas ng master's bedroom.

+ Lastly, siya lang ang binigyan ng right mag-yosi, makipag-rally sa daan all the time, magpaka-vain tuwing nasa bahay at nasa harap ng salamin, at magkaroon ng malaking budget pagdating sa pagpapaganda at pag-aalaga ng katawan. Ako wala lahat nun! Trabaho ko ang maglagay ng maglagay ng sweldo sa bangko at siyang gamitin para sa mga ka-chorvahan niya.

No wonder ako ang mukhang aktibista sa aming dalawa… kahit na deep deep down in my heart, dugong elitista ako.

--

Anyways, nag text na naman sa akin si Roy ngayong gabi. Dapat sana mag-iinuman kami para makapag-bonding at mag-update sa buhay-buhay ng bawat isa.

Noong isang Biyernes, ganun rin dapat ang balak namin. Kaso ang bading, nakipag eyeball sa ka-chat niya. Bandang hatinggabi nagtext sa akin ang bakla at pinagyayabang kung gaano ka-notable (no-ta-able) at ka-barako yung lalaking bumayo sa kanya.

Tanda ko nga, sinabi pa niya na dapat daw threesome yun.

So ako naman, ingget to death ulit. Ewan ko ba kung sadyang malakas lang ang charisma niya o magaling talaga siyang mag-PR. Pero sa tuwing nagkwekwento siya ng kanyang mga adventures linggo linggo, hindi ko maiwasan maalala ang sarili kong mga chorva noon.

Minsan nga, sinasabihan ko nang wag magtuloy ng kwento niya kasi masyado akong affected. Lalo na kapag naiimagine ko yung mga ginawa nila base sa kwento niya sa akin (graphic kami magkwentuhan sa mga ganitong bagay). Buti na lang talaga at housewife mode ako ngayon pagdating sa aking buddy at mababa ang self esteem ko, kung hindi baka nagkaroon ulit ako ng isang episode ng mga "misadventures" gaya noong nangyari several months ago.

Anyway about his text. Spluk niya sakin meron daw siyang binayarang masahista para bigyan siya ng service. Sabi niya, doon daw sa bahay nung masahista ang venue ng masahe. In the end, nakajackpot na siya ng sawa, nakalibre pa siya ng masahe.

Ganun kagaling ang parekoy ko! Kung hindi ko lang matagal nang kakilala yung mokong na yun, iisipin ko lang na stir ang mga kwento niya eh. Pero hindi kasi eh, malakas rin talaga ang appeal niya kaya ganung panalong panalo siya pagdating sa mga ganung bagay...

Na kahit na noong panahong single at bente uno pa ako, hindi ko ata matatapatan ang kanyang galing pagdating sa pagdagit ng booking

Wah talaga akong ma-say mamoo.

--
O sha, hanggang dito na lang ako. Salamat sa pagpayag mong sayo ako mag-vent out at kahit paano nawala ang pressure sa katawan ko.
Pasensya na kung talagang nawawala na ako sa sirkulasyon ngayon. Ganun talaga ang mga homeboy eh. Di bale, baka bukas maka-rebound ako sa Black Party. Yun nga lang, behaved rin ako kasi kaya lang naman ako pwersadong magpakita dun eh dahil si Phanks ang nag-aaya sa akin.

Siya nga pala, may friend ako, si XP na tinatawag ang sarili niyang si Gionna Cabrera ngayon, kwento niya bumagsak ng 40 lbs ang kanyang bigat. Dati rati, mas mabigat pa sa akin yun eh, ewan ko ba kung paano niya ginawang pabagsakin ang weight niya in just 4 months. Wala pang gym yun ha.

Siguro, dapat magawa ko rin yun by next year. Tinamad na rin akong mag-gym after being faithful in one month. Tuloy, nagback-fire sa akin ang mga achievements ko. Di bale, hindi naman ganun ka-urgent na mag-trim down ako ulit eh.

Saka na, kapag iniwan ako sa ere ng taong mahal ko.

Baka ikwento ko na lang sayo kung ano ang nangyari sa Black Party ha. Alam mo naman, big-time event yun sa maraming mga juding. Baka rin pala hindi ako makapag-report sa office sa linggo at sa bahay ulit magtrabaho.

Sabi ko nga sayo, kasama ko buong gabi ang aking pangga...

Friday, September 30, 2005

Ispluk From The Mother Of All Manghahada

In fairness naikot ko ata ang buong Maynila buong araw. Paano ba naman, ngayon na-ischeduleyung dalawang chorva ko from new pastures elsewhere kaya hayun, umaga pa lang, instead na nag byu-beauty sleep ako eh larga kaagad ako from my balay.

First stop Ortigas. Dun sa building kung saan nagwork ako dati as a telemarketer of substandard printer inks in the US. Jusku, pressure talaga ang work na yun mga ateng. Halos pagpawisan talaga ka ng malapot bumenta lang sa mga Kanong walang alam sabihin sayo kundi "I'm not interested" or "this is a scam, fuck off asshole!!" Alam mo na, marami kasing madaling mabola sa US of A eh.

Pagdating ko dun eh 5 minutes akong late. Pekpek sila eh! Advance ang time nila sa time ko (kahit 30 minutes advanced ang orasan ko). Nung una, gulat pa ang receptionist dahil bakit daw lumitaw ang kagandahan ko dun samantalang hindi naman ako kasama sa list.

Cherva ko, "you told me to return today to take my exam... chorva chorva." Pero hindi naman ako nagtataray. Tamang pagpapaliwanag lang.

Hayun, after 20 minutes na pag-iintay at pang-iisplukan sa mga katabi kong applicant rin tungkol sa dati kong call center na tsismax ng cutie kong officemate eh pinapatayo sila for more than 8 hours every day habang nagtatake ng live calls at ispluk naman nila eh pinagbebenta raw ng daing na bangus yung mga call center agents dun sa CC (Call Center) sa baba ng floor namin,
pinag-exam rin nila ako.

Ang exam. Abstract reasoning. Ang pootah, kauma-umaga pinag-isip kaagad ako tungkol sa anong mga shapes ang naiba. Siguro after answering for a while, nahilo na rin ako. Bet ko natalagang mag-minimi-minimi minimo para makalayas lalo na't nagets ko na meron rin silang outbound account.

Ewan ko ba, after ata nung nag-apply ako sa Convergys several months ago, parang naging allergic ako sa mga call centers.

---

Eventually, natapos rin ako ng exams pero talagang windang na akong lumabas ng Orient. Kala ko nga magfa-paint ako sa kalsada dahil parang for a moment naging blanko ang paninginko. Wala pang 30 minutes ay natagpuan ko na ang sarili ko sa Kalentong. Kelangan kong magpa-print ng bagong "R" para dun sa next company na aaplayan ko sa Makati.

Mura naman ang printing kaya keri lang. Pero jusku ang pamasahe. Dun ata naubos ang budget ko for today.

Tinanong ko yung ale kung ano ang pinakamabilis na way papuntang Makati. Chorva nya, sakay daw ako papuntang Pasig tapos bumaba ako sa Crossing. Nung pagkasabi niya nun, ay nako, nagdilim talaga ang paningin ko. Gusto ko sanang sabihing kagagaling ko lang ng ortigas tapos babalik na naman ako doon para sumakay ng bus papuntang Makati at magtiis sa traffic, no way!! Pukulin na lang kita ng takong ng sapatos ko.

Pero cool lang naman ako eh. Nakangiti pa nga akong lumabas ng cafe sabay tumawid patungong JRU at sumakay ng jeep papuntang Hulo.

From Hulo, meron doong terminal ng bangka para makatawid ka from Mandaluyong to Makati crossing Pasig River. Jusku every time na tumatawid ako dun, naalala ko yung hirit sakin ng officemate kong TS (Transexual) na nung minsang sinabay daw niya yung ex-colleague namin na entremedidang model-modelan na tsinuktsak sa office matapos tarayan si Mami Athena, sumigaw ba naman sa loob ng bangka nang "Gosh, its soooo like Bangkok!" Ang pootah, sabi ko nga dapat tinulak niya sa ilog yung babaeng yun para nalaman niya ang difference ng Bangkok sa Maynila eh.

After 30 minutes of gruelling alikabok, traffic, mabantot na katabi sa jeep at sobrang taas na pamasahe. Nakarating rin ako ng ExportBank Plaza. Unang bumulaga sakin yung cutie na receptionist na kapag nakikita ako eh madalas nakangiti saken.

Ten minutes past 11, nag-eexam na naman ulit ako. Ngayon naman, write daw ako ng PR article about this certain website in the internet. It should be 600 words and must be rephrased completely. Heto na naman, windang ever na ulit ako. Jusme, nung nasa Infinite (PR company) nga ako, happy na sila sa 1 page article na sinulat ko. Eto 600 words... over my dead body! Gusto ko nga magbackout nang biglang may bumulong sakin na.

"Galingan mo ha Rica ka dito."


Kaya ako naman eh biglang nagbanat ng braso, sabay twinkle ng mga mata at ginalingan ko ang aking ginagawang article.

Wish ko lang, maging finalist ako sa karir pageant nila.

---

Hayun lang naman ang nangyari sa araw ko. The rest of my kwento is just below... dun sa kadramahan section ko.

But before I forget, ever since nagwork ako sa aking present company ngayon, hindi matatapos ang isang araw na merong textmate na magsasabi sakin na "Do you shave your pussy?"

Tangina, kagabi burat na burat ako sa bahay... nakakita ako ng gunting at... extrang Gilette mula dun sa anik anik na binili ko sa Cherry's 2 weeks ago.

Amp, kapag next time talaga na may nagtanong sakin nang "Do you shave your pussy?"

Hihiritan ko talaga nang "wanna suck may shaved birdie?"

Ewan ko lang kung hindi agad-agad, terminated ako. Wehehehe.

Monday, August 15, 2005

Chronicles Of A Madre De Familia (Last Part)

Kumaripas ako ng takbo matapos manguha ng halaman sa tabi ng isang kumbento kaninang tanghali Mother Hen. At feel ko talaga habang nagmamadali tumakas sa scene eh ako yung dating Grade Six pupil noon na ganun rin ang drama after dismissal at naliligaw sa lugar kung saan tinatawag namin itong Little Banawe..

Pagdating sa bahay, agad kong binungkal ang lupa sa flower pot namin upang itanim doon ang mga halamang nakuha ko kanina. Wish ko lang, mabuhay sana sila upang hindi ako balikan ng bad karma.

--

Matapos maitanim ang mga halaman, saka pa lang ako nakakain ng heavy ngayong araw. Anumang paalala sa sarili ko na kelangan ko mag-diet, pumapaibabaw pa rin dun ang thought na kelangan kong kumain kasi may gym session pa ako ng hapon.

Nagpahinga muna ako sandali sa kwarto ko at nakinig ng Classical Music (yes boys and gerls, included na si Beethoven at Mozart sa music taste ko!) na sinimulan kong i-download two weeks ago. Pero iniwasan ko ring mag chill out mashado sa kwarto dahil alam kong ilang sandali na lang eh aantukin na ako.

Kaya hayun, pasado alas-kwatro ay umalis na rin ako ng bahay upang tumuloy sa gym. Ngunit bago yun, napagpasyahan ko na ring dumaan sa BDO upang magbayad ng bill namin sa cable.

Sa bahay kasi, lahat ng tao eh maka-kapamilya. Ako lang naman talaga ang nanonood sa cable kasi para sa akin, ang Nickolodeon at Discovery Channel na siguro ang pinaka effective way ko upang mag-unwind at makalimot ng problema. Sabi nga ng friend ko noon, ang angas angas ko daw sa labas, pero pagdating naman sa bahay, wala rin akong pinagkaiba sa tsikiting kapag TV na ang pag-uusapan.

Isa pa Mother Hen, ayaw ko rin kasing mabago ang mga bagay na kinagisnan ko eh. Third Year High School pa lang ako, may cable na kami. Ngayon pa ba kami dapat magpaputol ng linya, ngayong maari na kaming i-consider na isang long-time client ng Sky?

Pagdating ko ng BDO, akala ko ay swabe na ang transaction na gagawin ko. Palibhasa ay nasanay na ako sa debit-debit mula sa bank account ko kaya akala ko kahit hindi na ako pumila sa ATM sa labas at magwithdraw ng pera eh tatanggapin rin nila ang payment ko directly galing sa account ko.

Pero hindi pala ganun ang sistema. Since hindi naman doon ang branch kung saan binuksan ko ang account ko, wala silang care kahit na hassle pa sa akin ang pumila, despite the fact na pwede naman nila ilabas yun galling sa account ko.

Dahil doon, naipit rin ako sa pila ng mga taong bet i-withdraw ang lahat ng pera nila sa ATM.

At nakapagbayad naman ako eventually… Kaya lang nang dumating na ako sa gym eh haggard na haggard na talaga ang hitsura ko. At dahil late na akong dumating, nalaman ko na rin na iba na ang gym instructor kapag hapon. Balewala sana ang ipinunta ko sa gym ngayon hapon.

---

Note: written the following day na

Ngayong umaga, gumising ako mag-isa at pumasok sa work na masakit ang katawan pero magaan ang mga paa.

Siguro dahil yun sa ginawa kong ka-eklatan sa gym kahapon. Paano ba naman, late na ako dumating at wala na yung instructor na dapat sana eh magbibigay sakin ng program ko. Kaya hayun, inisip kong magcardio na lang buong session.

So ako naman si nag-cardio... eh kaso mo, machika na rin ako sa gym kaya naman naging kaibigan ko itong isang gerlash na nagsuggest sakin na paturo daw ako dun sa bagong instructor. Noong una, shy pa ako kasi etong si mister instructor eh sobrang angas. Yun bang kala mo eh galing sa PMA, tapos sigaw pa ng sigaw ng "Pain Is Good!" o kaya "No Pain, No Gain." Palibhasa kasi, puro flexing ang trip niya ipagawa sa mga students niya.

In the end, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob magtanong sa kanya. Kahit na mukhang siyang maton at strikto at hindi katulad nung gym instructor kong talaga namang kamukha ni Balut.*
In fairness naman, mabait at alam ng bago kong instructor ang pinapagawa niya sakin. In fact, nung sinabi kong weight loss ang gusto kong ma-achieve, siya na yung nagbigay sakin ng mga exercises na kelangan gawin.

In just a matter of minutes, nagbabatak na rin ako ng bakal at flexing flexing na rin ang drama ko, while watching those whammy guys na kasama ko ng mga oras na yun.

--

Matapos mag-gym (at mabugbog ang katawan kakabuhat ng bakal), dumiretso ako ng SM Manila para magbayad ng bill ko sa cellphone.

At alam mo ba Mother Hen, halos yun ata ang pinakamalaki kong expense sa loob ng 15 days.

Paano ba naman kasi, kapag may nawawalang tao sa bahay, ako ang tatawag. Kapag kailangan ng coordination between sa mama ko at sa utol ko, ako rin ang nagcocoordinate gamit ang phone ko. Tapos kapag nawawala ang buddy ko at hindi ko mahanap, phone ko rin ang gamit ko.

I've been so used to calling people na parang tamad na ako magtext to get my message to the person.

Sa dami kong tinatawagan, bitin na sakin yung Plan 1200 ko, inupgrade ko na siya sa Plan 1800, pero mukhang kulang pa rin.

At ang badtrip pa dun, yung ibang subscribers na nahuli sa akin, naka-plan 1200 na nga lang ang phone, soshalen pa. Eh ang sakin, ang laki laki na ng binabayaran ko buraot pa rin ang unit ko.

Wala man lang camera, blue tooth o kaya mp3 player... Kaya nga pwede ko na itong ibato kung hindi lang ako nanghihinayang sa pagbili ng bago eh.

Anyway, ilang buwan na lang naman ako't matatapos na ang contract ko sa kanila. Wish ko lang, sana meron silang ibigay na bagong offer sakin para naman mag-stay ako sa kanila. After all, two years is a very long time. Matagal ko ring pinaghirapan at pinagtiisan yung service nila ha.

--

Pauwi na sana ako nang biglang maisipan kong mag-grocery para sa bahay.

Second month ko na itong ginagawa ever since nagkaroon ako ng extra income galing sa work ko ngayon.

Kung ang typical na yuppie eh kukuha ng maliit na basket o kaya naman eh yung mini shopping cart, ang kinuka ko kahapon eh yung malaki talaga.

Kasi rin naman, nagbigay na ng list ng bibilhin si mama kaya alam kong di kakasya yun sa maliit na cart lang.

Isa pa, masarap rin dalhin yung malaki. Para bang feel ko eh madami akong pera at pwede akong mag-grocery ng lahat ng type ko bilhin para sa bahay namin.

Kahit na alam kong limited lang dapat ang expenses ko.

--

On a more serious note though, mahirap pala mag-grocery.

Kasi bukod sa mahal na ang mga commodities ngayon, kelangan mo pang mamili kung ano ang mura sa mahal. Alin ang better quality sa hindi. In fact, nagkamali nga ako eh, dapat pala sa Puregold na lang ako nag-grocery kagabi kasi daw mas mura doon.

Napansin ko rin na ako lang ata ang kaisa-isang medyo bata dun na may malaking cart na dala. Lahat sila, either basket lang, o kinakamay na lang. Yung iba na puno ang shopping cart nila, ang mga binibili mostly mga junk foods. Pero yung talagang big-time as in, nag-ooverflow ang mga groceries...

Isa lang ata ang nakita ko. Halatang mayaman pa.

I guess this is the sign of heavy times. Talagang marami nang mahirap na Noypi ngayon. Sa P1600 kong nagastos, kaunti lang ang nabili ko. In fact, di nga ako bumili ng canned goods man lang or noodles or junk foods yung mga chorva chorva pa, kasi alam kong wala pang isang linggo eh mauubos ang lahat ng yun.

I was hoping na tumagal sana ang grocery ko for a month, but Im not sure if it would last until the 15th.

While I was on the taxi going home, I saw a lot of cabs waiting for passengers outside SM. Nakakagulat diba? As in andami nilang nakapila tapos walang sumasakay ni isang passenger.

Considering na payday kahapon at ganun ang sitwasyon.

That is something really depressing. I used to grow up to the fact na I kept on running to catch taxis but yesterday, things were different. It means a lot of people are tightening their pockets and wallets right now.

--

Pagdating ko sa bahay, umakyat kaagad ako sa master's bedroom para ipakita sa aking mudra ang mga binili ko para sa kanya.

Although, she haven't really shown how happy she is, because she was busy digging up the things I bought. At the back of my mind, alam kong relieved siya dahil natanggal sa kanya ang ibang expenses na dapat sana eh hawak pa niya.

I remembered before, when I get lost in supermarkets para bumili ng mga maliliit na bagay for my personal needs, I was wishing na sana, someday, I can just shop around, use a card to pay the cost of those stuffs I bought, then put everything in the car, na para bang isa akong soshalen na yuppy na can-afford everything.

And I guess partly, I did it last night. I paid everything using my ATM card, I would have had a transpo kung sinabi ko lang ng mas maaga na mag-grogrocery ako... the only difference is, the reality that everything has a price...

I had the money but my overspending further strained my savings, which I have to make up in the following weeks.

But its alright. Para samin rin naman lahat yun eh.

--

At dun nagtatapos ang isang araw na pagiging Madre De Familia ko. Today, Im back to being the old me.

Na nangangarap pa ring maka-achieve ng isang bagay na magbibigay sakin ng freedom not to worry about money...

Na nangangarap pa rin na hopefully next month, I would still have the budget to do such activity again.

But when you wake up to a reality that not all things are constant. You get to realize na hey, this is just a moment. With our last remaining company in the verge of collapsing. Our only hope would be, that I would find a job that would let me earn at least half of what we get from my dad's company.

Siguro pag medyo nagkaroon na ako ng improvement dito sa gym, I'll try to find a racket.. Maybe something that would let me earn more and still enjoying my life.

O kung hindi man, I will adopt a cat, have my own garden. And yeah, make it as an excuse for a hard life.

In a times like this, when things get rough. Siguro, what really matters is the things that would make you at peace.

Yeah, imbyerna man ang nangyari sakin kahapon.

But it did make me feel someone bigger than me.

Chronicles Of A Madre De Familia (Part One)

Dear Mother Hen,
(O kahit sinong na-iina-inahan jan na pwede makarelate sa drama ko)

Swelduhan na naman ngayong araw.

Pansin ko na naman ang haba ng pila sa mga ATMs ngayong hapon kaya tuloy imbyerna to the max na naman ako habang nagbabayad ng mga bills sa bahay.

Pero, Praise be to God talaga dahil dumating ang income namin mula sa business ni Papa. Alam mo ba Mother Hen, sa tuwing darating ang gabi bago ang payday, halos atakihin na ako sa puso kakaworry kung meron ba kaming matatanggap na pera mula sa negosyo o wala.

Alam mo yun, bangungot ko kapag walang dumating na pera galing doon, Sa sobrang laki ng upkeep namin sa bahay thanks to the electricity bill, water bill, phonebill, palengke expenses, chorva expenses, chenelyn expenses... at kung pwede lang, pati boylet expenses (pinag-aaral ni mama ang half brother ko, si phanks linggo linggo nagstastay sa bahay), di yun kakayanin ng sahod ko mula sa pagiging sex... este text operator.

Pero seriously, naniniwala ako sa himala. Siguro kahit na gumagapang kami minsan sa pera, at laging may threat ng closure ang natitirang company ni papa. Heto kami, buo at nagsusurvive.
Siguro, kahit paano, bumabawi pa rin ang good vibes samin.

---

Anyway nagsimula ang araw ko kaninang umaga bilang Madre De Familia mode again.

Palibhasa ay may sakit si yaya kaya hayun, napilitan akong gumising gamit ang walang kwenta kong alarm clock at for the second time around, bumili ako ng sarili kong baon (dalawang pretzel dog sa ministop at isang Nissin Cup noodles na hindi ko nakain sa opisina dahil pekpek ang water dispenser namin) at pumasok ng work na para bang isangdalaginding na nagboboarding sa bahay.

Sa work naman, bonding-bonding moments ako kay Mami Athens, ang dakilang nanay ng lahat ng operators na pang-umaga. Every yosi break, mas nafe-feel kong mas marami akong natututunan tungkol sa kanya. Natutuwa nga ako kasi sobrang OUT ako sa kanya pagdating sa buhay judinggerzie ko.

And she accepts me for who I am. Yun nga lang, bet niyang mas maging tukling pa daw ako.
Anyway, next time na ang kwento tungkol kay Mami. I think it deserves a single entry by itself.

---

Pagkatapos ng work, inintay ko munang masundo si Mami ng husband niya kasi di keri kung iiwan ko siyang mag-isa doon sa tapat ng building namin. Dumating naman si husband shortly after we got out at since natuwa si Mami sa ka-sweetan ko, kaya hayun sinabay niya ako hanggang sa may Ortigas para dun humanap ng bus pauwi ng bahay.

Nakasakay na sana ako ng isang RCGG papuntang Manila. Kaso mo, nung kelangan ko na magbayad ng ticket sa bus, biglang naka-feel akong masyado akong poor para sumakay ng aircon bus.

Tuloy hassle man, napababa ako ng wala sa oras sa ilalim ng sikat ng araw para maghanap kung saan ba merong malapit na bangko para maglabas ng pera galing ATM.

Habang naglalakad sa tapat nung Kumbento malapit sa Pinaglabanan Shrine, napansin ko yung mga halaman na nakabuyangyang sa may bangketa. Bet ko na sanang dedmahin yung mga yun, pero bigla akong naging nostagic habang naglalakad kasi once upon a time, naging hobby ko ang gardening at nagkaroon ako ng mga halamang kagaya noon.

Dumagdag pa dun yung pagkakaalala sa comment ko doon sa blog ni Marlon tungkol sa interest kong mag gardening ulit matapos siyang magpost ng mga photos ng mga house plants doon sa isang entry niya.

Tuloy, naisipan kong subukan "ibalik muli ang nakaraan" kaya naman hinabol ko yung manong na alam kong galing doon sa loob ng kumbento upang ipagpaalam sa kanya kung maari ba akong "mamitas" ng mga alagaing halaman doon sa labas ng kumbentong pinagtratrabahuhan niya para itanim sa bahay.

Pumayag naman si Manong kaya hayun, ang laki laki kong lalaki na nasa gilid ako ng kalye at nagkakalkal ng lupa para i-unearth yung mga ugat noong halamang type na type kong itanim sa bahay.

Pero hindi lang ako doon nakuntento.

Meron akong napagtripan na halaman na ka-variety nito*:

Except sa kulay red ang lines noong halamang type ko at may sprinkles pa ng red and white na nakasabog sa mismong dahon.

Ang problema lang, masyado nang na-oobvious na pinagtritripan ko yung mga halamang pinatanim ng San Juan Municipal Government sa harap ng kumbento kaya napilitan ulit akong magpaalam sa isa sa mga streetsweeper na tiyempo namang nagwawalis kung saan malapit ako.
Gaya noong manong na pinagpaalaman ko before, pumayag rin siya.

---

This time, hindi na talaga ako nagpaawat.

Sa desire kong mabungkal yung halaman na type ko. Kinamay ko talaga yung lupa, at pi-null out ko yung mga bulate nakakalkal ko gamit ang sarili kong mga kamay.

Eventually, naging successful naman ang pagiging hardinero ko for 10 minutes at nakabungkal rin ako ng medyo malaking bungkos ng gabi-gabi na pinagdidiskitahan ko.

I forgot to say pala na kaya ako nagmadali ng husto sa pagbubungkal ko ng lupa doon eh dahil pinagkakaguluhan ako ng mga pupils na galing doon sa mababang paaalan malapit kung saan nandun ako.

Di ko bet kumuha ng attention kaya alam kong in order to avoid that scenario, bawal sakin magmaganda - - kung kelangang kuyumusin ko ang lupa para lang makahugot ng isang bungkos noong halamang gusto ko, ginawa ko.

At gaya ng isang magnanakaw na kapipitik lang ng isang gamit mula sa iba, umeskapo akong haggard na haggard at may bakas ng ebidensya sa mga kamay.

* Hiniram ng walang permission galing sa blog ni Marlon


---

- tobecontinued-

Thursday, August 4, 2005

Commercial Break

Sino ba naman ang hindi tatambling kung isang umaga, habang nagpapaalam ka sa nanay mo dahil papasok ka na sa work eh eto ang ihihirit sayo:


"Anak, ingat ingat ka jan sa kaka-night out mo ha. Alam mo naman, baka meron kang makursunahang babae, eh mauwi kung saan, baka magka-AIDS ka pa. Lagi kang magsusuot ng condom ha."


Jusko, as if...

Kung pwede ko lang maihirit na:

"Mamooh naman!!!" (Sabay hawi ng blonde hair na umabot na sa malate dahil sa haba)

o kaya

"Jusme paano ako magkaka-AIDS eh linggo linggo nasa bahay yung ka-jug ko ever!"

Nga namang umaga to o!

Saturday, July 16, 2005

The Pink Coalition (Last Part)

Masayang masaya talaga ako last night dahil feel ko, biglang lumaki ang mundo ko matapos na mapag-isa ako sa Temalats this past few months. Dagdag pa dun, dumating pa ang isa sa mga taong madalas na ikwento ni Bernz sa blog niya na si Rica at kasama nito ang isa pa niyang friend, na later that night eh magiging medyo ka-close ko rin.

Nakakatuwa kasi na habang nag-uusap kami ni McVie, Bernz at ako kagabi, parang feeling ko na ang sarap sarap maging tanggap ang sarili mo. As in hindi mo kailangang i-worry kung ano ang sasabihin sayo ng ibang tao, o kaya naman wala kang pakielaman kung ano ang tingin ng mga tao sayo. Basta para sa akin, sapat na akong mapabilang sa mga katulad ko - - buhay na buhay ako kapag merong bading na malapit lang sa paligid ko.

Bago matapos ang munti naming kwentuhan, inabot ko na kay Bernz ang CD na siyang naglalaman ng mga recent house tracks na pinapatugtog sa BED. Umalis na rin ako pagkatapos para makijoin naman sa tropa kong nasa loob na.

Pagdating sa loob, akyat kaagad ako sa ledge at unti unting pinilit makiblend sa mga house music na pinapatugtog.

Lumugar ako sa isang area between my old friends to the left, and the prinsipe on the right. Si prinsipe naman, sayaw lang ever. Dedma pa rin kahit na andaming julakis na nakikipag-flirt flirt ever sa kanya. Siguro nga, kung merong mga die hard stalkers tong lalaking ito eh antagal ko nang nasaksak sa labas ng BED ng wala sa oras. Paano ba naman, aside siguro ke Arrjae eh ako lang talaga ang nakakalapit at nakakachika sa lalaking yun.

Pero it doesnt mean na hottie si Prinsipe ha. Pansin ko lang talaga na maraming laging nakikipaglandian dun sa lalaking yun.

---

Wala lang, nakakatuwa lang ang feeling na matapos ang ilang linggo, bumalik ako ng BED na walang halong landian portion sa agenda ko.

Paano ba naman, sariwang sariwa pa rin sakin ang jug galore namin ni phanks nung isang linggo.
Gaya naman ng sabi ko, basta isang jug isang linggo, masaya na ako - lalo pa kapag talaga namang sagarang jug mauuwi ang labanan.

Anyways, di ko bet ang music sa BED last Friday. Feel ata ni papa Toy na magexperimento kaya naman di ko feel humataw sa ledge gaya nung mga nakaraang linggo. As usual nandun pa rin ang temptations pero keri lang. Medyo powerful ako nung gabing yun para atrasan lahat ng pagkakamali na dapat atrasan.

Habang sumasayaw, nasilangan ko si Bernz kasama ng kanyang mga friendivas. Nakakatuwang siyang pagmasdan na sumasayaw-sayaw, nagpapaka-fab ever habang inaalala mo lahat ng kwentong ibinahagi niya sa kanyang blog. Tuloy, napapaisip ako what if nandun rin si Varsity Captain, si Baby Boy, si Claudine at si Nick, hindi kaya full cast talaga ang effect ng BED night ko?

Feeling ko ba, parang after reading a very inspiring book, biglang heto't pinapanood mo na sa movie ang kwento sa librong yun.

---

At some point, medyo dumami na ng husto ang mga bading sa dance floor. At since medyo haggard naman para kina Bernz na maipit dun sa baba, hinigit ko sila pataas ng ledge para dun sila magkumpulan sa tabi ko.

Finally, I got the chance to observe marce in person - close as ever than I could be when we were chillin outside Komiks. Pero di ko na irereveal ang mga naobserbahan ko dito. Thing is, if you like his blog, you will love him more in person.

Yun lang.

---

At medyo naging busy-busihan rin ang diosa that night. Siguro dahil na rin sa tama at sa sobrang eagerness ng kanyang mga padawan, naging teacher-teacheran siya in the subject of how to fish guys while inside a bar.

Ganda sanang sabihin dito ang details pero, its best to be demonstrated rather than narrated. Basta, after so many years of being dormant, never did I thought that I would still remember and demonstrate how I did it inside MINT before. Wala lang, ang saya saya! Feeling ko sa sarili ko, para akong si Granny Goose na nagtuturo ng mga bagay, na alam kong sa estado ko ngayon eh hinding hindi ko na magagawa - single man ako o hindi.

---

That night rin, marami akong nalaman kay Prinsipe na alam kong hinding hindi niya irereveal kaninuman.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun siya at different siya sa mga characters na lingguhan kong makita sa loob ng club na yun. Whats important is that he's half Arabian... he has his own business and his family background revealed why he has this certain way of speaking tagalog the way people in Quiapo usually do when you talk to them.

Maybe sooner or later, mapapakilala ko rin siya sa mga tropa ko at maari sigurong makasama sa mga contingents. Na-touch lang ako ng bigla niyang sinabi sakin na

Kung hindi ko daw siya kinausap several weeks ago, hanggang ngayon, wala pa siyang kaibigan sa BED.

And that made my night complete.

---

Bago ako umuwi, nagkausap pa kami ni Arrjae habang nagsasayaw siya doon sa ledge.

Palibhasa, nagtuturo rin ako ng mga techniques dun sa isang padawan ni Bernz, kaya somehow, naging example ko si Arrj kung paano namin ginagawamang-landi dati kapag kaming dalawa ang nasa dance floor.

Habang nakikipag-dikit sayaw kay Arrjae, biglang na lang sumagi sa isip ko ang lahat lahat ng pinagdaanan namin nitong tropa kong ito.

Mula sa pasimulang selosan ng una kaming nagkita ng kanyang ex, hanggang sa sentihan noong ka-apartment ko ang ex niya at iniintay namin siyang dumating, hanggang sa naging magkasama kami sa trabaho, ang walang no-holds barred na exchange-notes pagdating sa mga naka-seb dahil magka-level kami ng kamanyakan noon, at ang samang hanggang ngayon ay nagsusurvive pa rin - na kahit may mga buwan kaming walang communication, ang level ng pagkakaibigan namin ay hindi pa rin nagbabago.

Habang iniisip ko ang lahat ng yun, napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Yun bang yakap na alam mong madiin at malalim na para bang naglalabas ng emotion mo at pasasalamat sa isang matagal nang kaibigan na naging mahalagang parte na ng buhay bading mo.

Ilang kanta pa ang natapos bago lumapit na ako sa mga tropa ko para magpaalam. Pagkatapos ay nagpunta ako sa grupo ni Ate Bernz upang magpasalamat sa isang masayang biyernes na itinakas ko pa mula sa napipinto kong pagtratrabaho pagdating ng umaga. At panghuli, naabutan ko si Joel McVie na paalis na rin. Nagpaalam ako sa kanya at nagpasalamat dahil kung hindi dahil sa kanya, marahil hindi mag-eexpand ng husto ang contact ko dito sa blog.

Lumabas ako ng BED na punong puno ng masasayang kwento at alaala na babaunin ko hanggang sa dumating ang Biyernes ngayong linggo...

The Pink Coalition (Part Three)

Unang unang thought sa utak ko matapos ko siyang makita, ay Oh my God! Nameet ko rin ang idol ko sa wakas. Lol. Pero seriously, kung meron ngang groupie si Badinggerzie eh malamang kasama ako dun.

Pero shempre, nung nagmeet kami last night eh hindi naman nawala ang composure ko. So hayun, shake-shake hands. Introduce ako sa friend niya, which I found out to be none other than Francheska and we had a small talk about our lives, our work, and all the chorvaness surrounding us.

One reason why I needed to be in Malate last night was to give Bernz the CD I promised. Ako naman kasi, basta may naisipang gawin, bet na tapusin kaagad. Eh since kagabi lang ang pwedeng time namin pareho magkita kaya kahit na alam kong makikisabay ako kay Kuya Germs sa pagsabi ng "walang tulugan!!!" eh go pa rin ako.

After a few minutes, merong humawak sa balikat ko. Goodness nandun rin pala si McVie. Shempre by this time, isang malaking reunion na ito! The moment he was introduced to Bernz, siya rin, hindi mo mai-describe ang reaction.

---

Siguro ganun talaga ang feeling kapag nakita mo ang taong nakakapagpa-inspire sayo.

Honestly, simula ng nawala ang dating tinitingala ko dito sa blog, dumating rin sa point na hindi ko alam kung paano ko itataguyod mag-isa ang blog ko ng walang sinasandalang iba. Anyway, masasabi kong kagabi nagculminate ang ilang linggong excitement na namumuo sa ilang mga blogs dito sa blogger.

Matapos nun, nakaramdam bigla ako ng antok at pagod.

Kasi naman, natapos na yung thrill at excitement ng pinaka-aabangan mong portion eh. Kaya sila naman ni McVie ang nag-chikahan ever. Ako naman kinig-kinig lang habang pinag-uusapan nila si Varsity Captain at yung mga nangyari sa buhay ni Bernz this past few days.

Habang sila ay nagkwekwentuhan, biglang binulungan ako ni McVie na may mga grupo ng boylets na madalas ang tingin samin.

Unang reaction ko matapos nun, "siguro naman di kami mga nageeskandalo para tingnan ng iba noh." Pero just to be in the safe side, tumingin rin ako sa kanila.

Obviously mga straight-acting... at wag ka, may kilala ako sa kanila.

---

Dali dali kong di-nial ang number na nakaregister sa phone ko.

In just a few rings sinagot rin niya yung phone niya.

---

"Hello Donita
...*"

---

Si Donita ang masasabi kong pinaka-naging close kong closeta bago kami mag-out pareho.

Nalaman ko na lang na magkalahi kami ng minsang one-time, may friend akong bading na nag-tsismax sakin na nakita daw siyang rarampa-rampa sa Orosa.

Ako naman, hindi na nabigla kasi nga, ang dami talaga saming mga pa-straight straight nung nasa college pa kami, pero ngayon, talaga namang namumukadkad ang kagandahan pagdating sa mundong ito.

Una kaming nag-meet talaga ni Donita noong White Party. Palibhasa, bet ko na talaga mag-OUT sa sinumang makakakita sakin that night kaya nung nagkita kami, mas composed pa akong bumati sa kanya ng "Happy Pride" habang siya naman ay speechless at hindi alam ang gagawin.
Tsika niya sakin last night, wala pa daw siyang two years "nag-eeksperimento" tsaka although may mga friendly-friends siyang pa-mhin eh meron pa rin siyang ginagamit na screen name.

Palibhasa'y dumaan na rin ako dun at ilang beses ko na rin pinakilala si "Mark" at "Red" noon kaya naiintindihan ko ang plight niya. Wish ko lang, ngayong alam na niya na pareho lang kami eh maging comfortable rin siya pagdating sa kanyang bagong preference. Feel ko kasi sa kanya na para bang hindi pa buo sa kanya ang kanyang pinapasukan samantalang obvious na obvious naman na dun na siya patungo.

Parang si Prinsipe... na timing na timing namang dumaan sa tapat ko na naka- orange stripes na fit na sleeveless shirt at medyo chaka na jeans.

---

--2bcontinued--

The Pink Coalition (Part Two)

Sa Malate, parang akong si Darna na kulang na lang eh lumipad sa Nakpil para makarating kaagad sa BED.

Paano ba naman, sobrang atat talaga akong ma-meet ang diyosa, and at the same time, makipagjudingan-ever sa mga friends kong nandun na. Grabe talaga ang feeling!!! Para akong nakawala sa kagubatan matapos ma-trap sa loob ng isang linggo.

Although out na ako sa office, di naman talaga akong consider na part ng mga "she-males" dun (mga bading samen) kasi nga mas madalas eh katropa ko pa rin yung mga straight dun. Tsaka di ko rin bet makipagmagandahan kaya hayun, ever silent na lang silang lahat tungkol sa trip ko.

Anyway pagdating sa BED, sigaw na kaagad ako ng "present!!!" dun sa bouncer na ka-tropa ko. Through the years kasi na wala akong inatupag tuwing friday kundi magsasayaw sa BED, nagkaroon na rin ako ng kaibigan sa hanay ng mga taong nagwowork sa bar na yun.

---

Una kong na-meet si Pao na may mga kainumang mga pamhinta sa labas ng BED. Sabi niya saken, nasa loob na yung dalawa pa naming kasama at marahil nagsasayawan na. Palibhasa'y swelduhan kahapon kaya medyo maraming bading kagabi than the usual crowd I see. And in fairness naman talaga, mukhang umulan ng kagwapuhan kagabi dahil medyo marami ang ratio ng mga cute na masculine kesa sa mga panget na nagmamaganda-magandahan.

So sayaw lang ako ng kaunti. Tapos bigla kong naalala ang diyosa. Kaya hayun, nagtext ako para i-confirm kung nandun na ba siya sa loob o wala. After a few minutes, bigla siyang nagreply na nasa labas na daw siya ng Komiks. So labas naman ako para i-meet sha.

Sa sobrang pagmamadali ko, instead na maghanap ako sa Komiks eh sa Sonata ako naghanap. At the back of my mind, naghahanap ako ng isang bading na medyo medium height, na di naman kapayatan at medyo may appeal ang dating.

Tapos bigla kong naalala na doon pala sa tabi ng BED ang Komiks kaya balik na naman paloob upang hanapin siya. Mabuti na lang at hindi na ako gaanong naghanap sa labas ng Komiks dahil makalipas lang ng ilang sandali, biglang may mahinang boses na tumawag saking pangalan.

---

"Joms!!"

----

Pagtingin ko sa baba, nakaupo siya sa table malapit sa tabi ko. Nakangiti at may kasamang isa pang batang judinggers na medyo familiar rin ang ngiti. Tama nga ang nasa imagination ko. Medium height siya na medyo payat... na medyo malakas ang appeal pero hindi ko expect na F4 pala ang buhok niya.

Gosh, for the first time ever,

Na meet ko rin sa wakas si Badinggerzie!!!

-- 2bcontinued --

Friday, July 15, 2005

The Pink Coalition (Part One)

6 PM.

Ako po ay opisyal na haggard, bangenge, laspag, windang at sabog na to the nth degree matapos magstraight awake mula kagabi hanggang ngayong gabi.

I swear, wala pa akong tulog, at feel ko na, na magiging kulang ang tulog ko hanggang sa Wednesday pa.

Paano ba naman, dapat ay off ko ngayon. Pero sa halip, nagrequest si Superboss na ipagpaliban ko muna ang restday ko dahil kelangan talaga nila ng extra manpower sa office kanina.

So bilang isang special child este good worker, pumayag naman ako. After all, minsan lang hihingi ng ganitong favor si boss, at least man lang di ko siya tinabla sa oras na kelangan niya ang tulong ko.

---

Bet ko sana na matulog na lang ng maaga para ngayon eh hindi ako nakikipagchat sa computer na nakapikit ang mata. Pero nang malaman kong lima sa aking mga kaberks ang aatak ng malate kagabi, medyo unti unting nagbago ang plano ko.

Nung una, medyo nagpapakipot pa ako, kesyo I'm making excuse na chorva chorva, may pasok ako tomorrow morning, etc. Pero nang biglang nag-confirm sa akin ang diyosa na siya ay lalapag sa malate last night, parang may supernova na sumabog sa ulo ko! Bigla kong narealize na this is it!! I should not miss this opportunity to meet the Badinggerzie in person.

Kaya hayun, gaya ng nangyari noong White Party, hindi rin ako nagpaawat kahit na alam kong major suicide ang gagawin ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko na

---

"Ah Pekpek! Sino ang may kelangan ng tulog kapag baklaan ang paguusapan!"

---

Kaya dali dali akong nakipagkuntsaba kay Papa Pao para ma-execute ang pagtakas ko ng bahay kagabi. Ganun kasi sa amin eh, kapag gabi na at nasa loob na ako, bawal na akong lumabas unless may believable excuse ako o kaya naman dadaan ako sa fire exit pababa.

Buti na lang may plano ako last night. Isang tawagan lang, konting drama effect kay mader at poof! in 30 minutes, nakafly rin ako palabas ng balay.

- - 2bcontinued - -

Friday, May 20, 2005

Thank God For Gay Friday

Ateh Bernz, at sa lahat ng mga juding na laging takbuhan ang malate tuwing Biyernes at Sabado, para sa inyo itow...

---

Nag push-through ang meeting namin with the partner ngayon hapon. Jusku akala ko talaga eh world war na ang kalalabasan ng pagpupulong since matigas na ang aking madir at ang sister ng fadah ko tungkol sa desisyon nila about the future of our company. Ako naman, keri keri lang, nagpasya na lang ako sumunod para hindi na ako maging sagabal sa mga plano nila. Sa totoo, wish ko lang talaga na magka-pirmahan na ng kontrata para tapos na ang bangungot namin lahat. Eh kaso, andun ang mga lawyers at ang kanilang mga legal chenes kaya hayun, to be continued na naman ang kinauwian namin.

Pero in fairnez, mukhang nagbunga ang sangkatutak na prayers namin ni mama. Feel at peace naman ang mga tao at in one sila sa principles sa pagrerevive ng kumpanya kaya in the end, friendly-friends sila nag-adjourn ng meeting. Pero wag ka ha! Feel ko talaga badiday yung finance manager nung ka-partner namin. In that case, puro kagandahan ang nasa management ng office namin.

Except of course our partner, na nag-claim pa na may 44 kids daw siya sa siyam niyang asawa.

---

Noong lunes pa lang, chika na sa YM ng aking mga friendly friends na miss na daw nila mag-contingent. Hirit ko naman, kung miss nila ang isa't isa, wag na silang mag-intay ng contingent since weekly naman eh may mga baklita na nagkikita-kita. Pero dahil kelangan ko umeksena, para man lang mag-initiate na magkita kita ang magbabarkada, ipinahayag ko kaninang umaga na game na game na yung planong Star Wars Contingent ngayon gabi.

So tanghali pa lang mega text na ako sa mga tao wishing na sana man lang, magpakita sila. Eh kaso mo, feeling busy-busihan ulit ang karamihan kaya hayun kaninang alas-9, lima lang kami nagkita kita. Kung hindi ko pa sinabihan si Roy na treat ko siya, di rin magpapakita ang bakla. Tsaka kung hindi ko inaya yung import naming si Naught, na hanggang ngayon eh feeling straight pa rin at nagtetest-the-waters sa pagiging bading, lalabas na tatlo lang kaming nagkita kaninang gabi.

Anyways, enjoy naman ang aming munting pagkikita-kita kahit na yung mag-asawang kasama namin eh magfla-fly pa ngayon sa Bohol para i-celebrate ang kanilang 1st Anniversary. Siguro next time, maghahanda ako ng isang entry tungkol sa kwento nitong favorite love team naming ito para naman everyone would remember and appreciate how their love story had started.

Pagkatapos nameng manood, adjourn na rin kami. Sa totoo, hindi pa doon natatapos ang gabi ko dahil after the Megamall get together...

Nag fly ang beauty ko sa Republic of Malars!

---

Ever since, takbuhan talaga ng mga bading ang Malate. Tandang tanda ko pa ang first time ko umatak sa Orosa noong ako'y dalaga... este, estudyante pa lang. Dito naman, dalawa rin sa friendly friends ko ang makakasama ko - si Pope Benedict, na siyang isa sa pinaka-fab sa amin at si Miguelita, ang lalaking naging kilala sa kapal ng kanyang funda noong minsang nagpunta siya sa Contingent namin.

As usual, BED na naman ang hanap ko. Yun lang naman ang aliw ko sa buhay eh - ang sumayaw ng sumayaw at sumayaw. Quever na ang boy watching... basta pinatugtog na yung Breathe ni Michelle Branch tsaka yung On My Own ni Whitney Houston na ni-remix ng Thunderpuss, hahataw at magwawala na ako sa aking favorite spot doon sa elevated platform na tapat ng ledge.

Imbyerna nga lang kasi meron daw private party sa BED kanina, kaya di pa ako kaagad nakapasok. So gaya ng dati, tambay tambay akong muli sa kanto ng Orosa at Nakpil, wishing may makita ako dung tatlong bading na isang mukhang military na seminarista, isang chabelita, at isang pa-mhin na hindi naman gaanong katangkaran. Nagspo-spot rin ako dun sa lugar at baka meron akong marinig na mga bading na pinag-uusapan yung Duke. Shempre, na-curious na rin ako. Bah, isang milestone to kapag ako ang unang naka-meet sa pinakamamahal na baklitang si Badinggerzie.

One thing na nadiskubre ko since bihira lang ako rumampage ng friday, eh medyo trance lang naman ang tugtog sa BED tuwing gabing yun. Ang bad trip kasi, tuwing sabado eh baklita na ang DJ, baklang bakla pa yung music na pinapatugtog nila. Eh hindi naman kasi ako diva-divahan kaya hindi ako maiimpress sumayaw habang lahat ng bakla eh nagwawala sa isang sobrang effortless na sayawin na hindi mo man lang mahataw ang beat sa sobrang bagal.

---

Buti na lang at entourage ko si Pope Benedict at si Miguelita ngayong gabi. At least hindi masyadong nakakaboring sumayaw. At the same time, merong magpapaalala sa akin na kelangan ko mag-behave kundi tatamaan ako ng kidlat.

Bandang mga alas-tres, meron akong napansing isang gerl na sobrang hataw magsayaw.

I swear, akala ko talaga lesbyana sha at dahil ang tinutungga eh hindi San Mig Light kundi Red Horse Beer. Nung una, nabangga niya yung pwet ko, so nasira ang momentum ko. Pero nung nakalaunan, medyo smile smile na rin kami habang humahataw sa elevated platform...

Hanggang nung huli, kami na ang mag semi-dancing partners, kami pa ang magka-chika.

---

Ang name daw nung gerl eh Joy. 25 years old at may entourage na dalawang bading. Say niya, every friday daw sila pumupunta dun. Say ko naman, hindi ba siya na-iilang na puro lalaki ang nandun.

Hirit ng babae, hindi daw mga lalaki yun. So sabi ko na lang, "ah honga pala, mga bakla pala ang nagpupunta dito." end of discussion.

Pero akala ko dun na magtatapos ang aming chika chika. Later on, nagkwekwentuhan na kami tungkol sa frustration niya na bakit daw lahat ng gwapong lalaki eh bading, kundi man bisexual. Sabi ko, kapag ang isang straight na lalaki, pumasok sa BED at nakita yung nagagandahang mga katawan at nagwagwapuhang mga mukha nung mga astigin na baklang sumasayaw sa ledge, chances are, lumabas na rin sila ng bar... wishing maging na bading rin sila.

Minsan naman kasi kung iisipin mo, madali lang pumatol sa lalaki. Masarapan ka lang sa tsupa ng isang guy na sing masculine mo, tiyak yun, hahanap hanapin mo yun. Diba? Minsan nga, hindi ka lang makukuntento sa tsupa eh, at the end, gusto mo na rin siyang ka-hug, ka-kiss, at kung sweswertehin...

Ka-fuck pa.

Kaya di nakakapagtaka na maraming straight ang takot sa mga bading. Sa totoo lang mga day, yung mga takot at homophobic ang may pinakamalaking tsansang maging bading sila kapag nalasap nila ang katotohanan.

Pero shempre, quiet na lang ako kapag may mga straight na guys sa paligid ko.

---

Anyways, tuloy pa rin ang tsika tsika namen nitong gerlash. Napakilala ko na si Miguelita (na nung after kong ipakilala ay meron nang ka-torrid sa likod namin) at si Pope Benedict. Nakwento ko na sa kanya na nandun lang ako para mag-dance dance at hindi mangarir.

Nung una, ayaw pa maniwala ni gerl na hindi ako nangangarir. Nung sinabi kong may buddy (boyprend) ako, mas lalong ayaw niya maniwala. Sabi ko, "peksman! may lalaki ako" at loyal ako sa buddy ko kaya nagdidisiplina ako sa sarili ko. Hirit naman nung kausap ko, hindi ko daw keri maging bading. Hindi ko tuloy alam kung effective ba yung pa-mhin ko dun, o talagang sobrang panget ko para patulan ako ng isang lalaki.

Pero shempre, joke lang yung pangalawa.

Nung huli, napaniwala ko na rin siya. Sabi ko kasi, masarap ang may boyprend kasi bukod sa... alam naman ng ilan sa atin na masarap talaga ma-bottom, iba rin kapag ang karelasyon mo ay isang taong higit na nakaka-intindi sa mga pangangailangan mo bilang isang lalaki.

By that time, sureball na akong may instant fag-hag ako.







Pero hindi dun natatapos ang kwentong bakla ko...







Habang naguusap kami ni Joy tungkol sa pagpunta ko sa BED na mag-isa at walang paalam sa buddy ko, biglang may isang guy ang umeksena sabay hawak sa kamay ko.

Paglingon ko sa kanya... jusku, parang wish ko ata malaglagan ng brip!

Kasing taas ko siya, mukhang spanish looking at maypagka-mestiso habang patuloy pa rin hinahawakan ang aking mga kamay. At ang kulit pa ng baklang yun ha, smile smile pa siya kahit na pilit kong nilalayo yung hands ko sa kanya. Wish ko nga sana hiritan na

"I'm sorry handsome... but I'm already taken."

Pero hindi ko na lang ginawa kasi baka nakakahiya. After niya umalis, bigla kong inispluk kay Joy na merong cutie na humawak sa kamay ko at inaaya akong sumunod sa kanya. So na-divert ang usapan namin tungkol sa time kung saan atak ako ng atak basta may makitang cute.

---

Aaminin ko, sobrang shock ako dun. Gusto ko na nga lang isipin na baka nagkamali lang siya ng hawak ng kamay at baka kako yung katabi kong cute ang iniispat niya.

Pero hindi eh, wala akong cute na katabi as far as my standards is concerned at talaga namang nakita ng tatlong mata ko na ngumiti siya sa akin!

Ahhh... baka naman lasing lang, kaya biglang pumogi ako sa paningin niya.

Pero pramis! Good catch yun mga parekoy. Kung ang Imogen na pokpok lang ang hinawakan niya ang kamay, jusku, pupulutin siya sa ikapitong langit kinaumagahan. Lalo na siguro kung isa siyang top. Hehehe.

Pero mabait lang talaga ako... di ko keri gumawa ng katrayduran sa aking pinakamamahal sa araw pa mismo ng aming monthsary.

---

Sa totoo lang, bet ko talaga isayaw si Joy. Lam niyo na, since gerl naman siya eh parang katuwaan lang yun. Pero dirty dancer talaga ako eh, so baka pag ginawa ko yun eh masampal ako ng wala sa oras. Kaya hayun kwentuhan na lang kami ever hanggang sa mag-yosi yosi na lang kami at umeksena sa paligid namin ang mga entourage na kasama namin kanina.

Hindi nagtagal at umuwi na rin ako dahil di ko na type ang music at masakit na talaga ang paa ko kakasayaw. Tama na siguro ang tatlong oras na pagiling giling, pakembot kembot at pa-fly fly ng mga kamay sa dance floor... marami na siguro akong natalbugan kanina sa sayaw sayaw ko.

Pero pramis, heto ang second time na nag-enjoy akong umuwi galing sa Malars nitong mga nakaraang linggo. Wish ko lang na magkita ulit kami ni Joy sa susunod na pagkakataon. Wish ko na rin siguro magkafriends ng marami pang juding since...

wag na lang...

Ngayong gabi, asawa ko naman ang sasayawan ko. Heto, sure bet na hindi ko na kelangang landiin pa dahil siya pa ang nauuna sa akin sa larangang yun. Isa pa, iba pa rin ang feeling na ang kalambingan at kahalikan mo ay ang taong naging kahati mo sa buhay ng higit sa dalawang taon.

Wish ko lang, kahit na umeeksena ako sa Malars ng hindi niya alam, maibigay ko pa rin sa kanya yung faithfulness na siyang pundasyon ng relasyon at pagmamahalan namin...

At lalong wish ko lang na hindi sana nababasa sa computer ko itong mga pinagsusulat ko dito.





Sa totoo, ngayon pa lang excited na akong makatabi siya buong magdamag.