Ang kwento niya sakin, pauwi siya ng dorm galing kung saang lugar noong hapong yun. Bumaba siya ng MRT sa Edsa sabay sakay ng jeep na supposed to be eh ang daan ay sa Taft. Pero instead, nagshort-cut ito at dumaan sa isang makitid na kalye parallel ng Taft Avenue dahil sa traffic. Ngunit kahit na nagshort cut na ang jeep na sinasakyan niya, naipit rin ito sa traffic sa makitid na kalyeng yun kaya naisipan na lang niyang bumaba at maglakad kahit na risk niyang mapagtripan ng mga tarantado at gagong nakatambay sa kalyeng yun.
Sa kanyang paglalakad, may napansin siyang mga grupo ng batang nagduduraan sa may tapat niya. Sa kamalas-malas, natamaan siya ng dura ng isang tsikiting na bata at tumama ito sa kanyang sapatos na siyang kinabadtrip niya. Hindi ko maalala kung paano umextra dito yung boylet, pero ang kwento ng kausap ko, may natipuhan siya sa mga batang lalaki na nandoon sa mga oras na yun.
Palibhasa'y meron na siyang experience sa pag-pick up ng callboy noon, kaya alam na niya kung paano ang kalakaran sa pag-pick up ng mga ganun. Nagimbento ito ng conversation para makausap niya ang trip niyang binatilyo. Una niyang tinanong, o hinulaan kung ang binata bang yun ay nag-aaral dun sa isang school malapit sa lugar - na siya namang sinang-ayunan nung binata. Since para dito sa kausap ko, kapag ang isang binatilyo ay nakipagusap sa isang di kilalang tao na para bang nagfefeeling na magkakilala na sila ng matagal ng panahon kahit na first time pa lang nilang mag-meet ay isang sign na callboy ang binatilyong yun.
Nang medyo naging comfortable sa kanya ang binata, inaya niya itong kumain sa labas na sa bandang huli ay nauwi rin sa motel noong kinahapunang yun.
Sa motel nga daw, habang naghuhubo yung binatilyo, humirit pa ito nang
---
"kuya ang liit lang no? yaan mo, lalaki rin yan balang araw..."
---
Na siyang ikinatuwa nitong kausap ko.
Natapos ang encounter na yun at binayaran niya ng P400 ang binatilyo. Nang sumunod na linggo ay nagkita muli sila - sa Masagana Pasay naman, sa may mga arcade dun hindi upang magsex ulit kundi magkwentuhan na lang.
At ang kwentuhang yun ang siyang naging daan upang magkaroon sila ng isang relasyong maihahambing sa isang benefactor - beneficiary relationship.
At ang term of endearment sa kanya ng callboy: Kuya.
Dahil sa relasyong ito din nagsimula ang pagkakaibigan namin nitong kausap kong ito nang minsang maligaw siya sa PEx at humingi ng advice tungkol sa kanyang sitwasyong kinasasadlakan.
Bilang dakilang tambay sa forum na yun, nagkataon na ako naman ang unang sumagot sa kanyang problema, at bandang huli eh nakipagkaibigan sa kanya.
---
Mahigit eight months na rin kaming magkakilala. Parang ako na ang tumayong confidant nitong kaibigan kong ito matapos lumipad patungong Dubai ang kanyang bestfriend.
Ang storya kasi, balak nang bitawan nitong kaibigan ko yung callboy niyang syota. Pero alam naman nating kapag ang puso mo ang katapat mo eh mahirap bitawan ang isang bagay na sobrang attached na sayo diba? Kaya hayun, bilang kanyang kaibigan, ako ang naging tagapayo sa kanya, taga pukpok sa ulo tuwing dumarating sa point na nahihibang siya, at may isang panahon rin na binalak kong ibugaw siya kay... Roy.
Pero wala talagang epekto ang mga ginawa ko eh. For a time, yeah, nakipagsplit up siya sa lalaki, pero sa tagal na rin nilang magkasama at sa lalim na ng relasyon niya sa pamilya at barkada nito ay di malayong balikan niya ulit ang binata.
Ang problema kasi, since mahirap lang itong binata at tanggap naman ng kanyang ate at tatay ang relasyon nilang "mag-kuya" eh maganda rin ang pakitungo ng mga ito sa kaibigan ko. Bukod pa dun, sabi niya eh talaga namang nagbago ang buhay ng binata ng dahil sa kanya - even though maliit na pagbabago lang ito kumpara sa normal na pagbabago ng mga tao.
Maganda na sana ang takbo ng relasyon - kahit na libong piso kung sumuka itong kaibigan ko kapag magkasama sila. Pero ang masakit lang para sa akin at para sa kanya. Ilang beses na niyang nahuling nagpagamit sa ibang bading itong binatang boylet niya. Ilang beses ring nakipagrelasyon sa babae itong boylet niya na siyang sa tingin ko ay masyadong unfair para sa kaibigan ko.
Ang masaklap pa dun. Ever since their last sex, deins na naulit yun. Yun ang sabi niya. Parang naging masyadong malalim ang relasyong "pagkakaibigan" nila na nawala completely ang sex sa buhay nila.
Na siya namang pinagtaka ko ng husto.
Tinanong ko nga sa kanya noon kung paano ang ginagawa niyang diversion para hindi siya libugin kapag magkasama sila eh. Ang sagot ba naman niya sa akin ay, nagsasariling sikap muna siya bago makipagkita sa binata.
Sabagay, effective naman yun kahit paano. Pero ang i-deny ang sarili mo ng isang basic need na talaga namang kailangan nating lahat... bah! hindi katanggap tanggap yun!
Kung tutuusin, ang hirap para sa akin ang intindihin ang point na maglulustay ka ng halos buong salary mo para sa isang tao samantalang ikaw naman ay walang nakukuhang kahit kaunting materyal o pisikal na kapalit. Nakakainis nga minsan kasi sa sobrang laki ng sweldo niya, maari na siyang nakakuha ng matinong pad at nakabili ng sasakyang pangsarili niya ngayon eh. Pero hindi! Dahil sa binata niya, lahat yun dineprive niya sa sarili niya.
Mas badtrip pa dun, hindi naman siya yung effem na juding na talagang hopeless ang laban sa meat market. Kung tutuusin nga, kapag dinala ko siya sa Red Banana, confident akong makakahanap siya ng ka-date na pwede niyang ipalit doon sa boylet niya ngayon eh.
Hindi rin naman siya katandaan ng edad sa akin kung tutuusin, kaya nga nung una eh balak ko pang ipares kay Roy kasi feeling ko magkakasundo sila.
---
In the end, ako rin ang sumuko.
Mahirap talagang kontrahin ang puso, lalo na't alam mong sa sitwasyong ganun ay hindi mo alam kung ikaw rin ba ay makakalaban sa tinitibok ng sarili mong puso.
Katunayan nga jan, narinig ko lang umiyak si Phanks sa phone kahapon ng tanghali dahil sa problemang kinakaharap niya sa pamilya't trabaho niya, hinahamon ko na siyang magpaampon sakin eh.
And to think, magkasing edad lang kami ng buddy ko.
At walang stir yun. Kahit na alam kong talaga namang sakit sa ulo ang buddy ko lalo na't may mood swings at nakatambay lang sa kwarto.
Kaya kahapon, nung nagmeet kami nitong kaibigan kong tawagin na lang nating si Drinnie, naiintindihan ko na kung saan siya patungo. Dun siya masaya eh, ang trabaho ko lang bilang confidante niya ay saluhin siya kapag nadapa o natapilok siya ng dahil sa kanyang relasyong sa tingin ng marami ay sobrang kahibangan.
At habang kinukwento niya sa akin ang kanilang simula, nakikita ko sa mata niya ang tuwa at pag-asa na sana sa bandang huli ay sila pa rin ang magkasama. Sabi niya sa akin, minsan na nga lang daw siya nagmahal, lubus lubusin na niya.
Kaya kahit na medyo di ko kinaya ang kwento niya, pinilit ko na lang intindihin yun ng may bukas na isipan at kaluwagan ng damdamin. Nakakatuwa nga eh, kagabi lang kami nagkita pero parang napakalalim na ng samahan namin. Siguro dahil na rin sa everytime na naghahanap siya ng masusumbungan, sakin rin siya unang nagtetext at nagkwekwento.
Alam kong ang meet up namin kagabi ang simula ng mas malalim pa naming samahan nitong si Drinnie. Sana nga, bilang kanyang tropa, maisama ko rin siya sa lakad ng mga kaibigan ko. Who knows, baka dumating rin ang time na marerealize niya na malaki pa ang mundo kesa sa iniikutan niya ngayon.
Pero bahala na. Ang mahalaga para sakin ay masaya siya, anumang buhay meron siya ngayon.
---
*Sebo - Callboy
No comments:
Post a Comment