Masayang masaya talaga ako last night dahil feel ko, biglang lumaki ang mundo ko matapos na mapag-isa ako sa Temalats this past few months. Dagdag pa dun, dumating pa ang isa sa mga taong madalas na ikwento ni Bernz sa blog niya na si Rica at kasama nito ang isa pa niyang friend, na later that night eh magiging medyo ka-close ko rin.
Nakakatuwa kasi na habang nag-uusap kami ni McVie, Bernz at ako kagabi, parang feeling ko na ang sarap sarap maging tanggap ang sarili mo. As in hindi mo kailangang i-worry kung ano ang sasabihin sayo ng ibang tao, o kaya naman wala kang pakielaman kung ano ang tingin ng mga tao sayo. Basta para sa akin, sapat na akong mapabilang sa mga katulad ko - - buhay na buhay ako kapag merong bading na malapit lang sa paligid ko.
Bago matapos ang munti naming kwentuhan, inabot ko na kay Bernz ang CD na siyang naglalaman ng mga recent house tracks na pinapatugtog sa BED. Umalis na rin ako pagkatapos para makijoin naman sa tropa kong nasa loob na.
Pagdating sa loob, akyat kaagad ako sa ledge at unti unting pinilit makiblend sa mga house music na pinapatugtog.
Lumugar ako sa isang area between my old friends to the left, and the prinsipe on the right. Si prinsipe naman, sayaw lang ever. Dedma pa rin kahit na andaming julakis na nakikipag-flirt flirt ever sa kanya. Siguro nga, kung merong mga die hard stalkers tong lalaking ito eh antagal ko nang nasaksak sa labas ng BED ng wala sa oras. Paano ba naman, aside siguro ke Arrjae eh ako lang talaga ang nakakalapit at nakakachika sa lalaking yun.
Pero it doesnt mean na hottie si Prinsipe ha. Pansin ko lang talaga na maraming laging nakikipaglandian dun sa lalaking yun.
---
Wala lang, nakakatuwa lang ang feeling na matapos ang ilang linggo, bumalik ako ng BED na walang halong landian portion sa agenda ko.
Paano ba naman, sariwang sariwa pa rin sakin ang jug galore namin ni phanks nung isang linggo.
Gaya naman ng sabi ko, basta isang jug isang linggo, masaya na ako - lalo pa kapag talaga namang sagarang jug mauuwi ang labanan.
Anyways, di ko bet ang music sa BED last Friday. Feel ata ni papa Toy na magexperimento kaya naman di ko feel humataw sa ledge gaya nung mga nakaraang linggo. As usual nandun pa rin ang temptations pero keri lang. Medyo powerful ako nung gabing yun para atrasan lahat ng pagkakamali na dapat atrasan.
Habang sumasayaw, nasilangan ko si Bernz kasama ng kanyang mga friendivas. Nakakatuwang siyang pagmasdan na sumasayaw-sayaw, nagpapaka-fab ever habang inaalala mo lahat ng kwentong ibinahagi niya sa kanyang blog. Tuloy, napapaisip ako what if nandun rin si Varsity Captain, si Baby Boy, si Claudine at si Nick, hindi kaya full cast talaga ang effect ng BED night ko?
Feeling ko ba, parang after reading a very inspiring book, biglang heto't pinapanood mo na sa movie ang kwento sa librong yun.
---
At some point, medyo dumami na ng husto ang mga bading sa dance floor. At since medyo haggard naman para kina Bernz na maipit dun sa baba, hinigit ko sila pataas ng ledge para dun sila magkumpulan sa tabi ko.
Finally, I got the chance to observe marce in person - close as ever than I could be when we were chillin outside Komiks. Pero di ko na irereveal ang mga naobserbahan ko dito. Thing is, if you like his blog, you will love him more in person.
Yun lang.
---
At medyo naging busy-busihan rin ang diosa that night. Siguro dahil na rin sa tama at sa sobrang eagerness ng kanyang mga padawan, naging teacher-teacheran siya in the subject of how to fish guys while inside a bar.
Ganda sanang sabihin dito ang details pero, its best to be demonstrated rather than narrated. Basta, after so many years of being dormant, never did I thought that I would still remember and demonstrate how I did it inside MINT before. Wala lang, ang saya saya! Feeling ko sa sarili ko, para akong si Granny Goose na nagtuturo ng mga bagay, na alam kong sa estado ko ngayon eh hinding hindi ko na magagawa - single man ako o hindi.
---
That night rin, marami akong nalaman kay Prinsipe na alam kong hinding hindi niya irereveal kaninuman.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun siya at different siya sa mga characters na lingguhan kong makita sa loob ng club na yun. Whats important is that he's half Arabian... he has his own business and his family background revealed why he has this certain way of speaking tagalog the way people in Quiapo usually do when you talk to them.
Maybe sooner or later, mapapakilala ko rin siya sa mga tropa ko at maari sigurong makasama sa mga contingents. Na-touch lang ako ng bigla niyang sinabi sakin na
Kung hindi ko daw siya kinausap several weeks ago, hanggang ngayon, wala pa siyang kaibigan sa BED.
And that made my night complete.
---
Bago ako umuwi, nagkausap pa kami ni Arrjae habang nagsasayaw siya doon sa ledge.
Palibhasa, nagtuturo rin ako ng mga techniques dun sa isang padawan ni Bernz, kaya somehow, naging example ko si Arrj kung paano namin ginagawamang-landi dati kapag kaming dalawa ang nasa dance floor.
Habang nakikipag-dikit sayaw kay Arrjae, biglang na lang sumagi sa isip ko ang lahat lahat ng pinagdaanan namin nitong tropa kong ito.
Mula sa pasimulang selosan ng una kaming nagkita ng kanyang ex, hanggang sa sentihan noong ka-apartment ko ang ex niya at iniintay namin siyang dumating, hanggang sa naging magkasama kami sa trabaho, ang walang no-holds barred na exchange-notes pagdating sa mga naka-seb dahil magka-level kami ng kamanyakan noon, at ang samang hanggang ngayon ay nagsusurvive pa rin - na kahit may mga buwan kaming walang communication, ang level ng pagkakaibigan namin ay hindi pa rin nagbabago.
Habang iniisip ko ang lahat ng yun, napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Yun bang yakap na alam mong madiin at malalim na para bang naglalabas ng emotion mo at pasasalamat sa isang matagal nang kaibigan na naging mahalagang parte na ng buhay bading mo.
Ilang kanta pa ang natapos bago lumapit na ako sa mga tropa ko para magpaalam. Pagkatapos ay nagpunta ako sa grupo ni Ate Bernz upang magpasalamat sa isang masayang biyernes na itinakas ko pa mula sa napipinto kong pagtratrabaho pagdating ng umaga. At panghuli, naabutan ko si Joel McVie na paalis na rin. Nagpaalam ako sa kanya at nagpasalamat dahil kung hindi dahil sa kanya, marahil hindi mag-eexpand ng husto ang contact ko dito sa blog.
Lumabas ako ng BED na punong puno ng masasayang kwento at alaala na babaunin ko hanggang sa dumating ang Biyernes ngayong linggo...
No comments:
Post a Comment