"Ayokong umuwi ng bahay, gusto kong magpalipas ng gabi sa labas." sabi ko.
"Bakit ayaw mo sa bahay, diba dapat sa bahay ikaw nakakapagplano ng mga desisyon na gagawin mo sa buhay." sabi ng production manager.
Simula't sapul, ganito na ako humaharap sa problema. Kapag mabigat ang loob ko, mas nakakahanap ako ng solace sa kalsada, sa piling ng mga patay na bangketa at madidilim na kalsada. Hindi ko alam kung bakit mas at home ako sa mga ganitong lugar kapag may problema. Sa halip na matakot sa mga peligro na pwedeng lumapit sakin, mas malakas ang loob ko humarap sa mga bagay na darating sakin.
Siguro dahil alam ko na kapag pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Kapag humiga ako sa kama ko at nagsimulang mag-muni muni, alam ko na bigla akong bubulabugin ng mga problema ko, sa pagtulog at sa panaginip, dala dala ko ang mga mabibigat ng bagay sa utak ko. Yakapin man ako o yumakap kaninuman, andun pa rin ang takot, ang pangamba, ang multo na haharapin ko sa oras ng problema.
Masyadong nakakabingi ang katahimikan. Hindi mo maalis ang focus mo sa problema. Hindi ko alam, paano nakakasurvive ang iba kapag ganitong bagay. Ang alam ko, champion ako pagdating sa takbuhan kapag problema ang pag-uusapan. Madali akong mag-backout kapag alam kong hindi ko na kaya i-handle ang mga problemang... hindi ko naman ginawa.
Ngayong madaling araw, gusto kong umiyak at isumpa ang mga taong gumulo sa katahimikan ng opisina. Gusto kong murahin sila at iparamdaam ang poot na naghahari sa puso ko ngayon. Sabi ko nga, maghimala lang ang Diyos mamaya, iwawaksi ko lahat ng ito... pero pakiramdam ko, masyadong grim ang haharapin ko pagpasok ko sa opisina.
Sa mga ganitong sitwasyon, laging pakiramdam ko na ako'y nag-iisa. Para bang pasan ko ang mundo samantalang ang totoong boss eh parang happy-go-lucky lang. Masyado siyang nasanay umasa sa iba, samantalang ako, nakakabit sa buong mindset ko na ako lang at wala ng iba ang maaring umayos ng mga problemang pamilyar sakin... kung hindi, edi takbo... madali lang tumakbo at lumayo... tutal, hindi naman ako gagawa ng problema na hindi ko kaya i-handle.
Alas-3 na, at nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto ko. Gusto ko sanang magsulat hanggang sa matanggal ko ang mga tinik sa dibdib ko, pero kapag iisipin ko ang mga scenario mamaya... Parang ang 3 tinik na nawala sakin eh napapalitan ng 9. Ang hirap kapag family business ang kalakaran mo. At mas mahirap kung nakikita mo na mas magaling ang management style mo kesa sa tatay mo.
Sa totoo, ilang taon na rin ako sa kumpanya namin. Sa lahat ng mga panahong iyon, tingin ko, lahat ng bagay ay natutunan ko ng sariling sikap lang. Ang ad agency ang nagpakawala sakin sa anino ng ama ko. Ngayong malinaw na sakin ang identity ko kaiba sa kanya, mas lalo akong na-frufrustrate kapag narerealize ko na mas mature ako kesa sa tinuturing na ama ko.
Ang hirap. Hindi ako makapagsalita, hindi ako marunong magalit at maglabas ng sama ng loob sa taong kinaiinisan ko. Sa bawat sagi sakin ng alaala ng mga nangyari kaninang hapon, pakiramdam ko, lalo akong nalulubog sa burak.
Gusto ko mang kumawala, hindi ko alam kung saan at paano ako tatakbo.

No comments:
Post a Comment