Pareho kaming badtrip ngayong araw. Siya, dahil sa work niya ako naman eh dahil feeling ko ginagawa akong utangan sa opisina kapag nagkukulang sila.
Sa totoo, hindi ako enthusiastic magcelebrate ngayong araw. Tutal, laging stigma na namin na kapag may mahalagang okasyon na dumaraan sa buhay namin eh kadalasan, nauuwi sa trahedya.
Nagkita kami ng mga 6:30. Bakas sa mukha niya ang pagiging irritable at wala sa mood. Ako naman eh medyo nahahawaan na rin ng pagiging irritable niya. Lahat ng ihirit niya sakin eh ora-oradang binibira ko.
Pumunta kami sandali ng Rob Place para magwithdraw. Balak ko sana na dumaan kami ng simbahan ngayong gabi para ipagpasalamat ang milestone na naabot naming ito.
Papalakad, walang patutsada niyang sinumbong sakin ang nangyari sa office nila. As usual, nakikinig lang naman ako kapag ganun. Sadyang tanggap ko na na whiner talaga ang buddy ko at sa loob ng 45 minutes naming paglalakad, hindi ata siya tumigil kakasumbong tungkol dun sa officemate niya.
Dumating kami ng Malate Church ngunit sarado na siya kaya nagpasya na lang kaming magdinner sa Shakey's. Habang nagiintay sa aming hapunan, di ko naiwasang mag-open ng isang issue na matutuloy pala sa isang argumento. So hayun, nagdadate kami pero muntik-muntikan na kaming mag-away. Para maiwasan pa ang napipintong pagwawalk-out ng isa samin, sabi ko sarado na ang issue. Na bring up ko na ang problema, at wala na siyang maidedepensa sa akin.
Pagkatapos nun ay katahimikan. Wala kaming imikan habang iniintay ang aming combo meal.
Alam ko, pareho kaming badtrip at wala sa mood. Pero narealize ko na isa itong mahalagang araw para sa amin. Ayoko sanang mauwi ang gabing ito na may samaan kami ng loob sa isa't isa... na nagcelebrate kami ng isang napakawalang kwenta anniversary.
Tumingin ako sa kanya, tumitig ng matagal kahit maraming tao sa paligid makuha ko lang ang attensyon ng binatilyo. Nang mapansin niya ako't nagsimula na rin siyang makipagtitigan... hiniritan ko ang buddy ko.
"Happy Annivesary Pangga" bulong ko sa kanya. Ngiti ang isinauli niya sa akin.
Dumating ang pagkain. Halatang ayos na ulit ang mood niya. Nauwi ang kwentuhan namin sa kung paano kung isa sa amin ay mangibang bansa, kaya ba naming intayin ang bawat isa?
Sa totoo, matagal na itong issue na ito samin. Ilang beses na rin akong nagprotesta at nagbanta sa kanyang pag-alis. Pero ngayon, parang naiintindihan ko na na hindi namin hawak ang panahon. Sa tatlong beses niyang tinanong sakin kung ano ang gagawin ko kapag umalis siya at nagtrabaho sa ibang bansa, isa lang ang hinirit ko.
Bahala na kung iintayin ko ang kanyang pagbabalik.
Sa pagitan ng diskusyon ng immigration, reminiscing ng aming simula, at paglalagay sa sitwasyong isa samin ay mag-asawa, hindi ko maiwasang itago na sa loob ng isang taon, marami na ang nagbago sa pangga ko. Hindi na siya yung awkward na phanks na nakilala ko noon. Sanay na rin siya sa mga kinikilos at pag-iisip ko. Paano kaya kung hindi kami nagkita nitong mamang ito? paano kaya kung nagbreak kami noong may isang buwan na halos puro away ang nangyari samin... makakakita pa kaya kami ng taong katulad ng bawat isa?
Isa lang ang sinisigaw ng bawat puso namin.
Unique kami pareho para sa relasyong ito. Tingin ko, hindi na kami makakakita ng katulad ng bawat isa.
Nagpasya kaming sumakay ng tourist bus na umiikot sa buong Bay Area. Masarap pagmasdan ang lugar na naging saksi sa aming pag-iibigan. Hawak binti, dumaan ang bus na sinasakyan namin sa Baywalk, sa Wow Philippines at sa CCP. Ito ang mga lugar na madalas namin pagtambayan kapag gusto naming magkwentuhan.
Matapos ang cruising, lumakad kami papuntang Malate... hanggang sa Taft kung saan sasakay kami ng FX papuntang Monumento. Dito nagtatapos ang aming pagkikita ngayong gabi. Sa susunod na linggo eh darating na ang kuya niya, na nagbabantang gumulo sa harmony ng relasyon namin. Pero sa pagkakataong ito, sa gabing ito... nakita ko kung gaano ka-open ang buddy ko. Ewan ko kung aware siya sa mga kinikilos niya pero mukhang mas PDA siya ngayon kesa noong mga nakaraang araw.
Lagi niya sinasabi sakin na bumaliktad man ang mundo, hindi niya ganun kabuo matatanggap ang pagkatao niya. Sa salita maari... pero sa gawa, palagay ko,
alam na niya kung sino siya talaga at ano ang papel niya sa buhay na ito.

No comments:
Post a Comment