Saturday, April 17, 2004

Iisang Bangka (Odderish Diva Remix)

Kapag pumapasok ako sa loob ng Quatro, di ko maiwasang sumagi sa isip ko ang mga panahong sumusugod kami sa malakas na ulan para lang magkita kita at makibalita sa buhay ng bawat isa. Nandung nagpapakita kami para lang pagtsismisan ang nangyayari sa thread at pag-usapan ang mga taong di namin gusto ang pamamalakad. Dun na rin kami nagkakila-kilala, lumago at naging pamilya. Ang Timog ang una naming bahay, at sa tuwing bumabalik kami sa lugar na iyon, umuwi man kaming lasing, panatag ang kalooban namin na at home kami sa grupong nagtatagpo duon.

Sa muling pagkakataon, nagpatawag si papu ng isang contingent. Kasama sina Omeng at iba pa, nagkasundo kaming magpakita ngayong gabing ito. Medyo late na akong dumating dahil naghatid pa ako ng buddy, ngunit nang mabungaran ko sila sa karaniwang table na kinukuha namin, nagulat ako sa dami ng dumating.

Iba talaga kapag Quatro ang nabanggit na tagpuan, bigla bigla nagpapakita ang mga tao!

Nandun si Bes Dennis na matagal ko ng hindi nakikita. Sayang hindi ko naabutan ang buddy niya. Nandun rin si Vermont, Glendel at PJ na hindi rin namin nasilayan sa mahabang panahon. As usual, andun ang regular attendees ng contingent. Aaminin ko, kahit hindi kami nagkakasundo paminsan minsan ng ilan sa grupo, tanggap ko pa rin at buo sa loob ko na isa kaming pamilya.

Natuwa ako kay RC at sa mga Sapa Girls. Di namin maikakaila na naging instrumento na rin ang YG para sa pagpapalaganap ng tsismis at intriga. Shempre, iyon ay isang katuwaan lang. Kung hindi rin naman nakakabangga ng isang tao ang aksyon ng isa sa mga ODDERs, kahit ano pang intriga yun keri lang namin.

Ganun naman kasi eh, sa isang pamilya dapat tanggap mo ang isa sa mga kasama mo kahit ano pa siya.

Mahirap pero sa pagdaan ng panahon, marerealize mo na parte siya ng buhay mo na mahirap nang iwaksi. Andung pagtabuyan mo na siya pero sa bandang huli eh babalikan mo pa rin siya. Andung awayin mo na siya sa harap ng mga katropa mo pero kapag siya ang naaapi eh ikaw kaagad ang unang dedepensa sa kanya. Iba talaga ang konseptong nabuo namin. Mabuti at tumagal kami sa stage na ito.

So hayun, may bago kaming nakilalang PLU, si Ace. Aaminin ko, na-whammihan ako sa kanya nung una siyang pinakilala sakin - kaya nga ako medyo interesado sa kanya eh. Pero habang tumatagal siya at nalalaman namin ang istorya ng buhay niya, na-absorb ko na rin na isa siya sa amin, marahil kapag nagpakita muli siya sa gimik namin eh maging tuluyan rin siyang ODDER. Si Julius a.k.a. Lindewelrainrix eh iniintay naming magpakita. Masyado na ring mahaba ang pagsasama namin nung batang iyon para ideny ang opportunity na maipasok siya sa grupo. Heto ang dalawang taong medyo hopeful ako na makasama sa amin. Labag man sakin na magintroduce ng tao pero... sabi nga nila, many will come but those who really belonged will stay.

Si Brian, official buddy na si Jonas Bagas. Blooming kanina yung binatang yun lalo na't kasama niya ang kanyang kabiyak. Nawa'y maging masigla at matatag ang kanilang pagsasama. Sa totoo lang, marami akong matututunan sa kanyang asawa. Sana... magsurvive sila. Si Paul naman, sa unang pagkakataon eh inintroduce ang kanyang maybahay sa buong grupo. Suporta kami sayo Stolich, nawa'y mas nakilala pa namin siya kanina. Anyway, sa susunod na pagkakataon. Nawa'y makita mo ang hinahanap mo sa kanya sa pagdaan ng mga buwan.

Sa mga wala... lalo na kay Topz, Zeki, Francis, JR, Henry, Roy, Stanley, Lolo Van, Kenzo, Jonas, Joey, RafRaf at Marvin na miss namin kayo. Isinama na lamang namin kayo sa tagay namin.

Sa mga bagong graduate! Congratulations mga diva!!!

Sa muling pagkikita mga parekoy. Isang malaking tagumpay para sa ating lahat ang gabing ito. Isang Kampai para sa hinaharap, para isa isang bukas na tayo pa rin ang magkakapamilya.

Mahal ko kayong lahat.

No comments: