This too, shall pass. Like all other trials before it...
---
Bukas makalawa, maaring wala na sa amin ang publishing company ni papa. Sabi nila mama, masyado daw tuso ang aming bagong partner sa trabaho. Akala namin, totoong partnership ang usapan. Akala ko, ito'y isang bagong umaga para sa aming lahat. Pero hindi, sa totoo, ito'y pagsusuko ng aming karapatan bilang mga naiwan sa nagtayo ng kumpanya. Hindi man anino ang labas namin, kami nama'y magiging alila ng bagong mamumuhunan.
Sabi ko nga, kapit sa patalim itong labang to. Kung kami rin lang, wala kaming milyones na pwedeng gawing puhunan para sa kumpanyang yun ni papa. Yun ngang natatanggap ko sa Security Agency niya na mahigit xxx kada kinsenas eh halos napupunta rin lang sa publishing house, paano pa kami? Paano pa ang nanay at utol ko? Paano pa ako makakapaghanda para sa mga maaring pagkagastusan?
Ang mahalaga lang naman kay mama, sabi niya, eh hindi siya habulin ng mga iniwang pinagkakautangan ni papa. Totoo nga naman, yumaman at yumaman siya pero ambon lang ang nalasap namin. Kung hindi ba siya tarantado noon eh, meron na siguro akong sariling pad at sasakyan ngayon.
Pero shempre, tapos na ang pagiging bitter ko, masyadong maraming problemang kailangan harapin para isipin pa ang mga ito.
Balita sa akin, marami na daw sa mga tauhan namin ang nagrereklamo. Pakiramdam nila eh nilalaglag namin ang kapatid ni papa sa negosasyon, kasi kami lang ni mama ang nakasaad na heirs ni Papa, which actually true... pero ang isang ordinaryong tao, maiintindihan ba yun?
Hindi....
Sa sobrang gulo ng balitang dumating sa akin, parang balewala lahat ang mga hirap at sakripisyong ginawa ko kahapon para magkaroon ng advertising proposal ang kumpanya, medyo masakit rin na halos sanlibo ang nawala sa akin para lang ipambayad sa comic artist at network cable para sa computer ha.
At wag ka, galing sa bulsa ko pa yun.
Pakiramdam ko tuloy, mukhang malabo na mabalik sa akin ang dose mil na inutang nila 3 weeks ago sa sabado. Sabagay, talaga namang walang bumabalik na pera, kapag pinahiram mo sa kanila eh.
Nakakabadtrip lang, na marealize na gumuho ang anumang pangarap mong makalaya at lumakas ang kumpanyang, kahit paano eh pinaghirapan mo na rin. Kung ngayon ngang wala pang pirmahan ng kontrata eh nangyayari na ito, paano pa kapag nalagdaan na ang papel?
Anuman ang mangyari, maghahanda ako para meron akong back-up sakaling mawala na ng tuluyan ang kontrol sa amin. Heto rin naman ang ginusto ko nung simula pa lang - kahit kabayaran ang pagkawala ng pamumuno namin, ang mahalaga nandun ang mga tauhan, andun ang jaryo, at higit sa lahat, andun ang pinagsimulan...
...kahit wala na kami.
No comments:
Post a Comment