Friday, May 27, 2005

Continuinity

Sapagkat ang paglalakbay ay hindi natatapos dito...
Bukas, sa pagsikat ng araw, babalik sa dati ang
ikot ng aking buhay. Ngunit, sa kabila nito,
hindi na muli akong babalik sa duyan ng nakaraan.

Dalawang taon mula noong ako'y nagsimulang maglakad
patungong Convergys, ngayon, sa kabila ng katakot takot
na kawalang pag-asa na nadarama ko buong maghapon;
sa loob ng aking pangamba at pagdududa sa aking sariling
kakayahan; at sa patuloy na di kasiguraduhan kung
makakasanayan ko ba ang trabahong call center.

Heto ako't patuloy na naglalayag.

Sa labingdalawang nagsanay para sa pagsasalita ng Ingles bago makapasok sa Convergys, kabilang ako sa walong na-endorse pabalik sa nasabing Call Center.

Hindi ko inaasahan ito.
At lalong hindi ko inisip na aabot pa ako sa kadulu-duluhang ito...

Isang hakbang na lang,
nasa pintuan na nila ako.

No comments: