Wednesday, May 4, 2005

Ang Convergys, Bow!

Tangina, sabi ko na nga ba't wag ko muna babasahin ang blog ni Bernadette at talagang gaganda ako ng wala sa oras.

Tuloy, wala na ako sa tamang senti ko... ka-imbyernes naman! Natutukling pa ako ngayon. Haay.

---

Anyways,

Natuloy yung exams ko kanina sa Convergys. As in wala lang. Natulog lang ako ng maaga kagabi, tapos gumising ng maaga kanina... putsa, muntikan pa akong ma-late dahil ang baaaaaaaagal bagal ng bus na sinakyan ko papuntang Ayala.

Pagdating ko sa Enterprise, gulat ako kasi andami nang applicant. Ang init init pa kasi naka-generator lang yung building. So yun, ako naman lakad lakad habang dinededma yung mga ibang applicants, tapos nag-pacute pa ako sa guard para malaman ko lang kaagad kung ano ang procedures para magtake ng exam.

Tandang tanda ko pa, nakalagay sa paper na binigay sakin nung saturday na eksaktong 8 am ang exam at ang ma-late ay hindi na iaaccomodate. Pero ang pota, nagsimula yung exam ng alas-nuwebe. Sa sobrang tagal kong nakatayo dun (while checking out for cuties of kors!) , nung nagsimula na yung exam eh windangers na ako.

Pasensya na ha, si Bernadette kasi eh... tinutukling ako.

Natapos ko yung first part ng exam nang sabog sabog ako ever. At wish ko na lang na iannounce na lang nila na tsugi na ako para hindi ko na pinapahirapan ang loob ko kaka-wish na sana pasado ako. Sa first part, Call Center Simulation ang drama ng mga lola. Kelangan namin pakinggan yung pre-recorded na audio conversation at i-rate namin yun base sa kung ano ang super friendly sa mga clients, at mega joray sa kanila. Eh talagang sabog sabog na ako, so hula hula na lang ang ginawa ko.

Buti na lang at medyo cute yung katabi ko kahit na junjunin. So tingin tingin pa ako sa kanya para lang ma-inspire ng konti. At the end, nakapasa naman ako. So proceed daw ako sa second part which is typing exam chenes... Dito talagang nangarag ako. Halos mamatay-matay ako sa nerbyos dahil tandang tanda ko pa last year.

Alas-otso ng gabi, matapos mag-apply sa limang call center buong araw. Convergys Ortigas.
Typing Test,

Dito nila ako tsinugi...

Sa second part, makikinig ulit kami ng pre-recorded na audio tape. Ang drama mo eh taga-take ka ng order na parang sa Pizza Hut or Shakeys. Yun nga lang, soshalen ka dito kasi Call Center ang bagsak mo. Ang pinakamadugo dito eh yung third part which is the typing exam. Jusku, hindi ko talaga kinaya yung kelangan mo matype yung nakasulat sa screen na halos ganito kahaba ang ita-type. Eh patapos na ako ng biglang nag-fluctuate yung kuryente. Nag reboot yung computer, na halos ikasanhi ng pagwawalk out ko. Sa inis nung mga moderator kasi nga uulit na naman kami, naawa sila at di na kami pinatake nung e-mail composition test.

Gaya nga nung sabi ko, sa second part nga ako na-tsugi last year. Kaya naman sa sobrang nerbyos ko, tinanggap ko na lang na tsugi ulit ako kahit wala pang sinasabi saken. So hayun, kinuha ko na yung mga nagkalat kong gamit, lagay lagay na ng mga papeles para kapag tinawag nila ako at binigay nila yung letter kung saan nakasaad na goodbye na ang beauty ko sa Convergys, mag-fla-fly na lang ako as if walang nangyare.

Eh talagang pretty ata ako kaninang umaga at natotomboy yung mga proctor sakin, kaya ang ending eh proceed daw ako sa last part ng exam - which is more of a spelling, english at math test combined. Sa spelling at english, kering keri ko naman... pero talagang yung math eh hindi kinaya ng powers ko.

Sa sobrang bagsik niya eh pinili ko na lang na i-leave blank yung test paper para at least, tsugi na ako at hindi na ako aasa pa. This time, si cutie na junjunin eh walang ginagawa. Habang iniintay ko yung results nung last part ng exam ko eh sinimulan ko na siyang i-tsika, para naman me magawa ako kahit paano.

Si junjunin pala eh kakagraduate lang, 20 years old at pwedeng pwede i-reto kay Rebecca. Kaso hindi ko alam kung kagandahan rin ba ang ineng o hindi, so hindi ko na lang tinanong tanong pa kung naghahanap ba siya ng boylet o hindi. Basta nalaman ko na galing siyang PLM at nag-OJT siya sa Sykes eh masaya na ako.

Makalipas ang ilang sandali... tinawag na ako ng mga lesbyanang mga proctor. Ako naman, punta doon na as if tsugi na. Me binigay silang papel, nakasimangot pa si gerl. Tapos biglang sinabi sakin na sulatan ko daw yun at ibigay sa kanila pagkatapos.

Pasado daw ako sa exam at for final interview na ako.


(Nagtext si Iceroze, kunyari tigasin ulit ako.)


Matapos kong matanggap ang letter, di ko talaga maitago ang saya na nadarama ko nung time na yun. Imagine, halos buong exam eh ang iniisip kong matatanggal ako tapos sa ganun pa nauwi yung outcome. Feeling ko nga eh pinapaasa lang ako nitong Convergys kasi andami rin naming nakapasa eh.

Sa totoo, ayoko na talagang umasa. Pero ganun talaga, mukhang laban nga ito mga parekoy. Andito na naman ako sa last part ng unang digmaang pantrabaho na pinag-aplayan ko, at for sure, jobhunting quarter na naman ito para sa akin.

Kaya bukas, gigising ulit ako ng maaga. Magprapraktis magpaka-proficient sa english language, at magpapa-PR sa mga interviewer kasi naka-set ng 9:30 ang final interview ko. Di ko alam kung saan patungo itong apply apply kong ito, maaring makapasa ako, maaring hindi.

Pero siguro ang mahalaga ngayon, nabawi ko na ang pagkatalo ko last year.

Rebound na ako't naabot ko pa ang final round. Masaya na siguro ako dapat sa ganun.

No comments: