Friday, August 12, 2005

Sayaw Darkstar Sayaw

Hindi ko alam kung yung pagsasayaw ko ba sa bading na yun eh signs of the things to come. Pero sobrang bait niya para i-accomodate ako ha.
Anyway, ilang parties at ilang clubbings pa ang pinuntahan ko nung 1st Sem 4th Year College ako. As usual, lousy pa rin ako sumayaw. Meron nga akong isang partymate na natamaan ng elbow ko habang nagsasayaw kami. Ilang linggo rin tuloy akong me naririning na "mag-ingat daw sa UFE. (Unidentified Flying Elbow)
---
Kung meron siguro akong masasabing turning point sa way ng pag-sasayaw ko, siguro nangyari yun nung minsang sobrang bored kami ni Edna, yung isa kong partymate at naisipan namin mag clubbing dalawa sa Decades.
Kasagsagan yun ng Friday Night-Outs namin sa political party. Since maaga nagsiuwian ang mga tao, naisip namin na bitin pa kami.
Tumuloy kami sa Timog. Hindi ko matandaan kung bakit instead na sa Phenomenon eh sa Decades kami naligaw. Masaya naman yung company niya, free-spirited kasi kaya game sa lahat ng bagay. Nagsayaw lang kami ng panandalian, matapos nun umuwi na rin kami. Pero matapos nung night out na yun, nagpahinga lang ako ng ilang buwan dahil nagkaroon ako ng girlfriend, pero pagpatak ng February the following year,
Dun na nagsimula ang linggo linggong clubbing ko.

---

No comments: