Bakit sa tuwing makakarinig ako ng balita sayo, lagi mong sinisira ang araw ko?
Bakit sa tuwing maalala kita, lagi kong pinapahirapan at sinisisi ang sarili ko?
Hindi ko naman kasalanan kung hindi ka namin nailaban ah? Inubos mo na nga ang pera ko, pinamukha mo pa sa akin kung paano maiwan sa isang sitwasyon na hindi ko naman ginawa.
Tangina mo.
Bakit ba kahit patay ka na at matagal ka nang nakabaon sa isipan ng madla, marami pa rin ang naghahabol sayo?
Bakit ba hindi kami makahanap ng katahimikan sa aming gunita sa tuwing makakarinig kami ng balita tungkol sayo.
Tangina, ano bang meron ka? Bakit mo ba ginugulo ang buhay ko? Bakit ba nagogoyo mo ang nanay ko? Bakit ba hindi ka pa mawala sa buhay namin samantalang
Nasira mo na kami, patuloy mo pa rin akong pinaparusahan dahil nabigo kaming ilaban ka.
Alam mo bang dahil sayo, bigla kong sinumpa ang Intramuros? Dahil sayo hindi ako makatingin sa newstands tuwing umaga? Nang dahil sayo, hindi ako makapagpakita sa mga dating tauhan namin?
Nang dahil sayo, gusto kong tumakbo palayo sa lahat ng tao at bagay na magpapaalala sakin ng lahat ng tungkol sayo?
Kahit na mismong utol ng tatay ko tinalikuran ko. Mismong puntod ng tatay ko, gusto kong ibaon sa isip ko para lang hindi kita maalala at maka-ahon ako palayo sa iyo.
Hanggang kailan mo ba ako mumultuhin?
Kailan mo ba kami papatahimikin?
Tangina, kelan mo ba kakalagan ang nanay ko na siyang nagbabayad ngayon dahil sa aking paglaya mula sa kadena mo?
Tangina, mawala ka na...
Makalimutan ka na sa isipan ng lahat...
Pakawalan mo na kami.
Tangina ka.
No comments:
Post a Comment