Naalala ko noong binabasa ko yung journal ko na sinulat nung college, nakasulat dun sa isa sa mga entries ko dun eh super wish ko talagang matutuong sumayaw.
Ewan ko ba, pero nung mas bata naman ako eh talagang pinapraktis ko na magpasayaw at magpagalaw ng katawan. Noon nga, magpapatugtog ako nung pirated na cassette tape na puro New Wave ang laman, tapos kapag State of the Nation na yung pinatugtog, tatayo ako bigla tapos sasayaw ako mag-isa habang fini-feel yung music na dumadaloy sa katawan ko.
Ewan ko ba, pero nung mas bata naman ako eh talagang pinapraktis ko na magpasayaw at magpagalaw ng katawan. Noon nga, magpapatugtog ako nung pirated na cassette tape na puro New Wave ang laman, tapos kapag State of the Nation na yung pinatugtog, tatayo ako bigla tapos sasayaw ako mag-isa habang fini-feel yung music na dumadaloy sa katawan ko.
Nung kabataan ko rin nauso yung group dancing. Yung tipo bang isang buong tropa kayo tapos synchronized yung movements niyo para sa isang dance song? Yun, ilang beses rin ako napasabak dun... at yun rin yung mga tropang nakasama ko noong grade four ako't, isinama ako ng nanay ko sa isang disco party doon sa school niya.
Palibhasa usong uso pa yung hamunan sa dance floor noon, kaya ilang beses rin ako muntikan mapaaway. Palibhasa, medyo hataw na ako nun dahil nakapalibot sakin yung mga kaibigan ko kaya medyo maangas daw kami sumayaw.
Palibhasa usong uso pa yung hamunan sa dance floor noon, kaya ilang beses rin ako muntikan mapaaway. Palibhasa, medyo hataw na ako nun dahil nakapalibot sakin yung mga kaibigan ko kaya medyo maangas daw kami sumayaw.
Nauwi ang sayawang yun sa isang face-off sa pagitan ko at nung umaangas sakin. Buti na lang bago kami magkasapakan, napigil siya nung kuya niya at napigil ako ng tropa ko.
---
Pagkatapos nun, nakalimot na akong sumayaw.
Nakagraduate ako ng elementary, lumipas ang highschool at dumaan ang prom at ang uso pang song nun eh Buttercup, at nakatuntong ako ng first year college pero hindi na ako ulit nakapagwala sa dance floor.
Dumating ang second year at alam naman natin na usong uso ang debut parties nun. Ilang beses rin ako umattend sa mga ganun at shempre part ng itenerary eh ang disco pag natapos ang main program.
Nung una nakaka-decline pa ako kapag ininvite nila ako sa dancefloor. Pero nung minsang ginawa yung party sa bahay nung isa kong friend, nung nalasing na ang lahat at sumasayaw na sa tune ni Fatima Rainey at sa song na Hey at Do You Believe In Me, napilit nila akong sumabay sa kanila.
Pero nung mga time na yun eh hindi ko bet ang RnB kaya di ako makasabay sa kanila. Naalala ko nga, sinabi nung bestfriend ko na para makasayaw ako eh dapat I-internalize ko yung beat. Hayaan ko daw yung katawan kong sumunod sa song... at sinubukan ko ngang gawin yun.
Nung nagrequest ako ng medyo techno, medyo naasiwa sila. Palibhasa ako lang ang maka-techno sa kanila kaya ako lang mag-isa ang sasayaw kapag ganun.
Sinimulan nilang i-play ang Breathe ng Prodigy. Ako naman, kahit medyo may amats na ng Jose Cuervo eh tumayo para pakitaan sila.
Bet ko sana mag-show off, gaya ng dati. Pero sa gulat ko... instead na nagawa ko yung pinagagawa sakin ng bestfriend ko, nauwi ang sayaw ko sa pagkakalat.
Hindi nila pinaramdam yun shempre, pero sa loob loob ko, hiyang hiya talaga ako nun. At sa sobrang hiya, pinalipas ko ang buong taon at ang buong third year na hindi man lang sumasayaw in public.
---
Nang dumating ang Fourth Year, naging active ako sa campus politics sa college namin. At yun rin ang naging way para lumaki ang circle ko at magsocialize ng husto kapag kelangan.
Dun ko natutunan mag-night out every week (kasi naman merong may debut na kelangang puntahan para mamulitika every other week) Dun rin ako natuto mag-clubbing sa Timog kasama yung mga partymates ko.
Pero hindi ko ineexpect na yung una kong sayaw na one on one eh mangyayari pala habang kasama yung mga ex-classmates ko...
Nangyari yun sa Phenomenon sa Timog. Panahon yun ng techno pero as usual, maka-RnB pa rin yung mga kasama ko kaya habang sila ang nag-sasayaw, ako yung burat na burat na nakaupo sa table.
Nang biglang pinatugtog yung Better Off Alone, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Habang pabalik sa table yung mga kasama ko, ako naman yung biglang nagmadaling pumunta sa dance floor.
Kaso mo, tameme ako sa mga tsiks, kaya for the first time, since merong nag-iisang tao dun na pwede kong sayawan na alam kong di ako-ituturn down.
Nakipagsayaw ako sa bading.
-tobecontinued-
No comments:
Post a Comment