Wednesday, August 31, 2005

Hopes of Becoming A Super Gym Bunny

Himala.

Lampas kalahating buwan na ako sa gym training ko, dalawang sessions pa lang ako tinamad pumasok. Every other day ang attendance ko kaya almost all the time, bugbog ang katawan kaka-work out. For two weeks nga, pati Friday night-out ko namumuntikanang hindi matuloy dahil sa ginagawa ko.

Paano ba naman sa 35-minutes na cardio pa lang, laspag na ang katawan ko. Buti na nga lang at nung last time na nagpunta ako ng BED na kasama si Pao, maganda ang line-up ni DJ Toy Armada. Kung hindi siguro, napauwi ako ng maaga nung gabing yun at instead na nagparty eh itinulog ko na lang sa bahay ang pagod ko.

---

Eniweis, nagtraining ulit ako kanina kahit na medyo inaantok na ako dahil tumambay pa ako sa bahay. Sa training, suot suot ko yung nag-iisa kong tank-top shirt kaya kitang kita ang braso, boobs at shoulders ko.

Wala lang, nagulat lang ako kanina kasi habang ginagawa ko yung Concentration Crunch sa harap ng salamin, napansin kong parang mas naging firm ata ang braso at chest ko para lumitaw ang biceps sa arms ko.

Taena, ang sarap ng feeling! Tuloy, kahit ang bigat bigat ng dumbell na binubuhat ko, nakangiti pa rin ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Hindi ko na inisip ang pagod at muscle fatigue kasi sa muling pagkakataon nafo-forsee ko ang maaring kahantungan ng lahat ng efforts ko.

For a moment there, naramdaman ko kung paano maging narcisa. Biglang na-turn on ako sa sarili ko. Lol.

---

Sa totoo, simple lang naman ang dahilan ko kaya ako nag-gym eh.

Nagsimula yun noong minsang nag night-out kami ng mga colleagues ko sa Padis Cubao at may nakasayaw akong bilat sa dancefloor.

Nung gabing yun, narealize ko na kelangan ko pang maging mas flexible ang katawan ko para sa pagsasayaw. Napansin ko na mas maganda siguro kung magkaroon pa ako lalo ng control sa galaw ng katawan ko para pati pokpok dancer, makakaya ko nang tapatan.

Turn on naman kasi talaga ang magaling at arousing magsayaw diba?

---

That was a month ago and look where it got me now

Nung nagsayaw ako sa BED last Friday, feeling ko ang gaan ng katawan ko. For the first time in many years, nagawa ko ulit magbend (mag-squat) ng sobrang baba na nakaya kong tapatan yung mga bilat na high sa ecstasy dun sa harap ko.

After so many years, nakakatakbo na ako at nakakatalon muli.

At lately, hindi na rin sumasakit ang batok ko gaya noong mga nakaraang buwan.
I wonder tuloy kung ano ang mangyayari kapag nagcommit ako ng six-months dun sa training na yun.

Marerealize ko kaya ang isa sa mga pangarap ko sa buhay?

---

Pero sa totoo lang, maraming frustrations sa pag-gygym.

Nandoong feeling mo lalo mas tumaba ka at parang walang epekto sayo ang work out mo. Minsan naman, maiingit ka dun sa mga kasama mong ang ganda ganda na ng katawan. At minsan rin, kapag naliligaw ako sa G4M at nakikita yung mga nakadisplay na katawan ng mga bading doon, sinasabi ko sa sarili ko...

Sana balang araw, makatapat rin ako sa kanila.

Sana balang araw kung darating man ang panahon na magkakaroon pa ako ng third wild episode matapos ang relasyon ko kay phanks, meron na akong command standing sa market.
Kung darating man ang panahong yun.

---

Sa pag-gygym ko ngayon, target ko lang naman ang maging malapad pero mapayat ang katawan eh. Gusto ko lang na kapag tumingin ako sa salamin, walang beelbeel at tiyan na tatambad sa harap ko.

Wish ko lang na kapag tumingin ako sa salamin habang nakasuot ng white tank top, ako mismo eh mababakla sa sarili ko.

Hindi ko na bet magkaroon ng sixpacks o kaya pang-model modelan na katawan

Sapat na sakin ma-achieve ang pinaka-minimum objectives ko.

Pero who knows...

Kung ang instructor mo ba naman eh cutie na at sobrang friendly at concerned pa sayo,
At ang mga gym mates mo eh tropa mong lahat - maging bata man o matanda, babae man o lalaki,

Ewan ko lang kung sino ang hindi maiinspire magwork out sa ganun environment.

Pero kung kakayanin bang ma-sculpture ko ang katawan ko katulad nito by mid 24 eh...


Wish...

*Ninakaw sa G4M.

No comments: