The news of Arafat's death suddenly left me in empty. I just know the guy from CNN and history books, but for some unexplained reasons, I felt the lost of the people who looks up to him. It's like loosing a protector and identity at the same time.
Still, my interest in global affairs never waned. I think, I am still the history/social science geek
I used to be.
---
Pauwi ng bahay, laman ng utak ko ang plano kong ilagay dito sa blog ko.
Naisip ko rin, siguro masyado nang heavy ang mga posts ko nitong mga nakaraang linggo. Marahil kelangan ko naman ibahin ang ihip ng hangin sa paligid ko para hindi na lang lagi akong
nakalugmok sa walang katapusang hinaharap ko.
---
Hanggang ngayon, plotter pa rin ako.
Dalawang araw na akong pumapasok na ang unang ginagawa pagkaupo ng table eh magconspire tungkol sa mga sentimyento ng mga kasama ko. Kung pwede na nga lang magtayo ng union sa loob ng opisina, marahil nagawa ko na ito.
Pero shempre, ayokong masira ang image ko sa mga tao dun. Sapat na ang malaman ko na hindi ako nag-iisa pagdating sa mga nararamdaman ko.
---
Subscriber ba kayo sa Manileno YG? Try it mga pare. Astig.
---
Naalala ko noon, binibiro ko na mag Biology si Dennis dahil bilog ang buwan.
Ewan ko, pero pakiramdam ko mas malibog ang mga tao tuwing malapit na ang kabilugan ng buwan.
Alam ko sa 15 full moon.
Alam ko yun dahil sa tindi ng kalibugan ko kanina....
...
yun. basta, nakakahiya naman dun sa mga classmate ko na nagbabasa na rin dito.
Pervert pa rin ako, gaya nung college.
hindi pa rin ako kumukupas.
---
6 am ang pasok namin bukas. Alam kong 8 pm ang labas namin. Sana pagdating ng december
hindi na ganito ang schedule namin. Weird pero nagrereklamo man ako eh nakakaadapt rin ako kahit paano.
Pero hindi ata ang katawan ko.
Isang linggo na tong ubo ko. Baka mamaya, isang ubo ko pa
lumabas pati baga ko.
---
I miss smoking...
The Techno Revolution, Unnoticed
6 years ago
No comments:
Post a Comment