Wednesday, March 31, 2004

Forgive Me, I'm Just Human

5:00 am

Putangina di ko alam kung bakit ko nagawa yun.

Alam ko lang kakwentuhan ko lang siya ngayong umaga pero di ko inaasahan na aabot kami sa ganun.

Nakausap ko siya kaninang gabi sa IRC, medyo na-curious ako sa add niya kaya minack ko siya. Ang gaguhan ay nauwi sa seryosohan, at ang seryosohan ay nauwi sa hamunang makipagkitaan.

Hatinggabi, habang masama ang loob kay phanks, nagdecide akong makipagkita sa kanya sa may 7-11. Tutal malapit lang naman sila dito kaya sige, makipag-eyeball naman muna, gusto ko rin may kausap habang hindi ako pinapansin ng buddy ko.

Gusto kong bumawi sa mga EB na tinago niya sakin.

Pagkakita ko sa kanya, parang gumaan bigla ang loob ko. Matangkad siya, medyo tsinito at medium built ang katawan. Malakas ang dating niya at pareho pa kami ng kurso sa college kaya marami kaming napag-uusapan. Higit sa lahat isa siyang SMK, at kapareho ko, marami rin siyang trauma na inabot sa ganitong buhay.

Inanyayahan niya ako bumili ng ilang red horse sabay aya na makipagkwentuhan ako sa bahay nila. Ako naman si tanga, sumama sa kanya. Medyo aliw kasi siya makipagusap sa kanya eh. Nakatatlong red horse na ako nung nagopen up ako sa kanya ng sama ng loob sa bud ko - na feeling ko ginagamit na lang niya ako palagi, na hindi ko na alam kung appreciated niya ako.

At higit sa lahat, marami pala siyang tinatago sa likod ko.

Naiiyak, bigla niya akong niyakap ng mahigpit... sobrang higpit.

At ang yakap ay nauwi sa halikan at ang halikan ay nauwi sa pagtatanggalan ng damit. Hindi ko alam kung bakit ganun ang pakiramdam ko sa kanya. Parang matagal na siyang bahagi ng buhay ko kahit kanina ko lang siya nakilala

ng biglang narealize ko habang nagroromansahan kami na may isang tao na pala akong nasasaktan.

Itinigil namin ang aming ginagawa. Umalis ako sa kanila kahit bitin ang aming pag-uulayaw.



Patawad pero nagkamali ako. Hindi ko inaasahan na ako rin pala ang kakain sa lahat ng ipinaglalaban at pinaninindigan ko. Ganun pala ang pakiramdam kapag nangaliwa ka - hindi lang siya ang dinaya mo kundi sarili mo rin. Hindi ko alam kung libog lang ba yun o nadala ako ng emosyon ko para sa kanya

Pero nasira ko na ang kredibilidad ko sa lahat. Wala na akong maaring ipagmalaki pa.

Sorry phanks, mahal na mahal kita at nagsisisi ako sa malaking pagkakamali kong ito, pero tao rin ako at nanghihina kapag iniwan mo sa ere na walang depensa. Patawad sa mga nagtiwala sakin... di ko inaasahan ang mga pangyayari.

Kala ko matatag at matibay ako, pero hindi rin pala. Madali rin akong matalo ng sarili kong demonyo... Siguro itatago ko muna to. Kakalimutan ko ang lahat ng bangungot na ito, maitama ko pa sana ang pagkakamali kong ito.






























































Chos!!!
Happy April Fools Day Everyone!

No comments: