Depressed siya nung dumating dito sa bahay. Halatang medyo shocked pa siya sa nangyari kanina at malalaman mo talaga na hindi niya alam kung paano itatago ang sama ng loob na nararamdaman niya.
Bitbit sa bangketa, pinakinggan ko kung ano na naman ang nangyari sa kanila ngayong gabi. Sabi niya, hindi siya pinansin nung kaninang nag-iinuman sila. Pakiramdam niya, parang wala siya sa paligid kahit na magkatabi lang sila.
So okey, at least malinaw na sakin kung ano ang picture ng storya... tanda ko pa, nung huli silang nagkita eh ganun din ang nangyari sa kanilang dalawa - yun nga lang, siya ang nandedma at yung dinedma niya ang nagtataka.
Depressed, pilit niyang pinagtatagni ang mga bagay upang makabuo ng konklusyon sa nangyari sa kanilang dalawa. Noong una'y nakikita niyang solusyon sa problema nilang dalawa eh ang pag-iwas niya sa lahat. Tingin niya'y mas makakabuti yun kesa harapin ang problema ng may pag-aalinlangan na baka di siya pakinggan ng taong kanyang pinuproblema.
Sa gitna ng unos, ramdam ko ang pagiging hopeless niya sa sitwasyon. Kung hindi sa aking pagprapranka eh marahil hindi namin pareho nakita ang daan.
Alam ko, mahirap ang kumain ng pride, mahirap ang mabastos at madedma ng taong may malaking puwang sa puso... natin. Ngunit tayo'y tao lamang, ang mga pinagsamahan na matagal ay hindi basta basta nasisira - lalo na kung hindi naman malalim ang naging pagsugat dito. Hindi mo basta isusuko ang taong iniyakan mo, ang takbuhan mo kapag ikaw ay natatakot at nangangamba, ang taong unang hinahanap mo kapag ika'y nangungulila at nag-iisa. Tao lamang tayo na naghahanap, nakakaramdam, ang nabibiktima ng maling pagpaparamdam, at ang dumepensa kapag tayo'y nasasaktan o nasusugatan.
Iba iba man ang ating paraan ng pagkukubli, ngunit bali-baliktarin man natin ang mundo, nandun ang kulang kapag nawala ang taong pumupuno sa atin.
Heto ang masarap sa pagmamasid sa buhay - masarap ang maging tao... masarap makita ang mga nagbabato-batuhang nilalang na pinapakita ang kanilang sangkatauhan. Mahirap ang umintindi, ngunit isang talento ang makaintindi at makita ng mga bagay bagay na hindi mo basta makikita ng hindi gumagabay ang puso...
Natapos ang gabi na may ngiti at gaan ng loob sa kanya. Mukhang nakita namin pareho ang daan. Nawa'y tama sana kami pareho, at tama ang basa ko ng pagkatao niya.
Tayo'y tao lamang, naghahanap, nakakaramdam, nasasaktan.
Pilitin man nating itago ito... ang puso ay hindi marunong magsinungaling.
Hindi basta basta madaling isuko ang taong kasama natin sa iisang bangka.

No comments:
Post a Comment