Tanda ko pa noong ako'y Grade Six. Bago ako pumasok sa eskwela ay bababa kami ng Banawe Street ng naghahatid sa akin sa school para bumili ng Funny Komiks upang mabasa ang iyong pakikipagsapalaran para sa linggong iyon.
Yun lang solb na solb na ako. Minsan pinagtatawanan pa nga ako ng mga kaklase ko kasi bakit Funny Komiks daw ang pinagkakaabalahan ko samantalang noong mga panahong iyon eh usong uso yung mga Sweet Valley High na mga pocketbooks. Masyado daw akong baduy para sa kanila.
Mula noong sinundan kita, tuwing Biyernes nagbubukod na ako ng pera galing sa aking baon para pambili sa iyo. Maliit lang ang baon ko noon, pero pinagkakasya ko para lang masundan kita. Binasa kita ng ilang taon; mula kay Alchitran hanggang kay Death Metal. Namatay na si Axel at Metallica na pinalitan ni Mecha-babe pero hindi pa rin natatapos ang laban mo. Maari pa sana kita sundan noon, yun nga lang, hindi pa natatapos ang kwento mo, tumanda na ako.

Nakatandaan na kita.
Ang weird, tumanda na ako pero tinago ko pa rin ang koleksyon ko ng Funny Komiks dahil sa iyo. Hindi man lang kita nasimulan, at hindi rin kita natapos, pero iningatan kong huwag mabura ang ala-ala mo sakin. Pero tumanda na rin ako eh, nakalimutan na siguro kita kung hindi ko nakikita yung isang malaking kahong puno ng Funny Komiks kung saan nandoon ang istorya mo.
---
Noong mga nakaraang linggo naisipan kong hanapin sa Google ang author mo sa pag-asang baka makahanap ako ng balita tungkol sa nangyari sa iyo. Sa paghahanap ko sa Google, may isang naiiba dun sa mga resulta; isang taong kapangalan ng gumawa sayo na nagtratrabaho sa isang Advertising Agency.
Sa aking curiousity at lakas ng loob, dali-dali akong nag-compose ng e-mail para ipagtanong kung yung creative artist ba nila eh ang taong sumulat sa iyo. Buong araw ako nag-intay ng response mula sa Ad Agency na iyon... pero umuwi akong walang sagot.
Lumipas ang mga araw, umaasa pa rin akong magrerespond sila sa akin. Dumating na ang panahong nabuburat na ako dito sa trabaho, pero umaasa pa rin akong magrerespond sila.
Umaasa ako, kahit alam kong malabo na akong makatanggap ng sagot.
---
This afternoon, I opened my Yahoo Mail to check if there's a new e-mail from the ODDERs yahoo group. On my bulk mail folder, a new message came in. At first I thought it was from Papu, since he sent his last message through that folder. To my surprise, it came from none other than Berlin Manalaysay himself, the author of the legendary Combatron comic strip in Funny Komiks during the mid 90s.
He is with the Advertising Agency I have inquired several weeks ago, and as a reward for my curiousity, and perhaps my desire to seek the person who he was, he sent me this image.

He said that he plans to revive him. Perhaps in another reincarnation, or with the same plot but with the new techonology for the younger generations to enjoy. Whatever his plans are, He has my full support - to the extent of providing my collection, if ever he decides to start from the beginning of the story again.
For the first time, I have realized the fruits of my research capabilities. Indeed, despite the love-hate relationship I have with this company, I still reap a lot of rewards and possibilities here.
---
Nakita ko na ang gumawa sayo Combatron. Maari ko nang malaman kung ano ang simula at naging katapusan mo.

No comments:
Post a Comment