"Advance Happy Bday! I wish you all the best and would like to thank you sa lahat. A couple of years ago, I wasn't ready to face you yet, pero ngayon, I know in my heart that I have forgiven you for whatever it was. Basta salamat sa lahat, especially for being part of my journey. I wish you all the best especially your family, your mom. God bless you!Muli, salamat!;)"
---
Hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung bakit ganun ang naging treatment ko sayo. Di ko alam kung bakit hinayaan kong matapos tayo ng ganun noon. Dahil ba, hindi ko pinaghirapan ang pakikipagrelasyon ko sayo? Dahil ba iba ang mahal ko noon at sadyang dumating ka na lang ng hindi ko inaasahan?
Dalawang taon na rin ang lumipas, at ang pagtatapos natin ang naging daan sakin para humanap ng bagong daan na pwede tahakin. Sadya atang tama ang sinabi ko sayo noon na ikaw ang magiging una't huli. Ganun nga ang nangyari - nakita ko na lang ang sarili ko na umaatras pabalik upang harapin ang mga bagay na gumugulo na sakin hindi ka pa man dumarating.
Sa loob ng katahimikan, sadyang sinigurado ng buhay na makakabawi ka. Mukhang nasa iyo ang tadhana nang ibaling sakin ng sumunod sayo ang lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko sayo.
Siya ang nagturo sakin upang magpahalaga sa relasyon. Sa kanya ko binayaran lahat ng utang ko sayo...
---
Habang binabasa ko ang iyong mensahe, para bang biglang nagkaroon ng patlang sa puso ko. Aaminin ko, maraming beses pa rin kita naiisip... ngunit sa tuwing sasagi ikaw sakin, nauuwi ang lahat na ako ay nagsisisi.
Dalawa na rin ang dumaan sa buhay ko pagkatapos mo. Pero sayo ko lang naramdaman ang effort upang ipaglaban ang relasyon natin. Ikaw ang sumasalamin sa aking ina ngayon... na pilit kong sinusundan, ngayong kinalimutan ko na kung paano magkaroon ng isang ama.
Dahil mahina pa ako noon.
dahil balewala pa sa akin ang lahat.
Sa pagpapatawad mo, palagay ko masasarado ko na ang puwang na naiwan sa pagitan nating dalawa. Siguro eto na ang pagtatapos ng aking pagsisisi, sapagkat masasabi ko na sayo ang mga bagay na natutunan ko dahil sayo.
---
Madalas, tingin ko sayo noon, immature ka para sa akin
pero ngayon ko narealize, higit na immature ako para sa iyo.
Salamat at pinatawad mo na ako...
The Techno Revolution, Unnoticed
6 years ago
No comments:
Post a Comment