Sunday, April 24, 2005

Near End Experience

Kung medyo naging matigas lang siya kaninang madaling araw, marahil single na ako ngayon.

As usual nag-away na naman kami ni Phanks. Siguro dala na rin ng devastation na natamo ko sa mga balitang galing sa opisina kaya hayun, pagdating ng gabi at nung nalaman ko na pinagpalit niya ang pagbisita niya sakin dito sa bahay sa aya nung ka-officemate niya na gumimik sila, napikon na ako.

Ganun naman kasi eh, minsan medyo maypagka-insensitive rin yung buddy ko, at the same time di ko talaga maiwasan hindi magselos dun sa officemate niyang yun kahit ilang beses pa niya ako iassure na kaibigan niya yun.

So, ilang oras ko rin siya di tinext noong gabi. Gusto ko kasing subukan kung kaya ko ba siyang tikisin o hindi eh. Mag-aalas onse na nun nang bigla siyang nagtext at nagsabing ok naman daw siya sa gimik niya. Sa loob loob ko di ko naman tinatanong kung ano ba ang kalagayan niya eh. Sobrang badtrip ko nung mga oras na yun kaya nung nagtext muli siya at nagsabing hangad niyang makitulog sa amin, humirit kaagad akong magpahatid na lang siya sa kasama niya at umuwi ng bahay.

Matapos kong isend yun alam kong tinapatan na niya ang galit ko. Nagrespond siyang bahala daw ako sa gusto kong mangyari, kaya't pagkatapos nun ay hindi ko na rin siya tinext back.

---

Hatinggabi, nakita ko na naman ang sarili kong nagchachat sa MirC. Nitong mga nakaraang araw matapos ang aming second anniversary, ewan ko ba pero paranghinahanda ko na ang sarili ko sa maaring break-up namin ni phanks . Siguro, tutal nakadalawang taon na naman kami kaya ok na yun para sa isang relasyon. Isa pa, sa dami ng iniisip kong doubts tungkol sa aming dalawa, parang hindi na rin ako gaanong nanghihinayang kung isang araw, biglang sabihin niyang wala na kami. Kaya siguro ganun ganun na lang ang conditioning na ginagawa ko sa sarili ko.

Pero bandang ala-una, hindi rin ako nakatiis. Pinilit ko siyang tawagan para i-check kung nasaan na siya. Nakakagulat ha, hindi ko rin pala kayang tiisin ang buddy ko - kaya hayun, bukod sa ilang beses rin niyang dina-drop yung tawag ko, nakatanggap rin ako ng katakot takot na text galing sa kanya na naglalaman ng sama ng loob niya dahil dun sa tinext ko sa kanya nung gabi rin yun.

At nauwi pa lalo sa isang matinding sagutan sa text ang akin sanang attempt upang suyuin siya nung isang gabi.

---

Bandang alas-dos, sinubukan kong muli siyang tawagan. Alam kong wala na siyang masasakyan pauwi sa kanila, kaya't nang sinagot niya muli ang phone, ang nasabi ko lang sa kanya eh magtaxi na siya pauwi samin... kahit ako na ang magbayad masigurado ko lang na hindi na siya mamromroblema umuwi sa kanila.

Siguro, sadyang ganun lang talaga ako magmahal... siguro ganun talaga pag mahal mo at mahalaga sayo ang isang tao, kahit galit ka na't inis sa kanya, may parte pa rin ng utak mo ang gumagana at nag-iisip kung paano mo maipaparamdam ang concern mo't pag-aalala sa tao na yun.

Pero nagmatigas pa rin ang loko. Sabi niya, uuwi siya ng bahay nila dahil hindi rin naman daw siya nagpaalam at wala na akong pakielam kung ano man ang mangyari sa kanya.

Bilang tugon, nasabi ko na lang na "bahala ka" sabay bagsak ng phone at tuloy sa pag-iisip nang kung ano ang maaring mangyari sa susunod na araw.

---

Sa mga oras na yun, tanging ang nasa isip ko lang ay paano ihahanda ang sarili ko sa deklarasyon kong wala na kami ngayong araw. Plano ko talagang siguraduhin lang siyang makauwi, patulugin hanggang tanghali, at pagdating ng hapon sabihin sa kanya ang aking pamamaalam.
Alam ko na kung ano ang dahilan ko para bitawan siya, pero sa loob loob ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Nagdry-run na ako sa chat at sa downelink pero tingin ko, hindi pa rin ako handang mabuhay ng wala siya sa mundo ko.

Patulog na sana ako ng biglang nagtext si phanks sa akin. Intayin ko daw siya dahil hindi rin niya ako kayang tikisin.

uuwi siya sa amin.

---

Matapos ang ilang buwan, matutulog kaming magkatabi ng asawa ko sa iisang kama muli. Siguro, wala nang hihigit pa sa sarap ng pakiramdam na kayakap mo ang taong kahati mo ang buhay at lambingan mo kapag ika'y natatakot sa mundo. Sa aming pagniniig, narealize ko na hindi sna iya ang naka-eyeball ko dalawang taon na ang nakakaraan. Weird man sabihin pero parang nabago na siya ng panahon.

Tumanda na kami sa relasyong ito.

Masasabi kong kagabi ang isa sa pinaka-intimate naming sandali ni phanks. Inenjoy ko ang bawat saglit na kami'y magkayakap at naglalambingan. Di na ako nagsalita o nakipagusap sa nangyari samin noong gabi ring yun. Ang mahalaga kasi, nandun na siya sa tabi ko at naramdaman ko na ang hinahangad ko para sa aming dalawa.

Pagdating ng umaga, unang bumungad sakin ang kanyang mapayapang mukha. Sayang nga lang at hindi ko rin ito masyadong nasilayan sapagkat maaga rin siya nagising para sa isang pang round muli ng aming...

Heto ang masarap sa buhay may buddy, ang alam mong isang tao lang ang nagmamay-ari at pinagsisilbihan moat alam mong napaparamdam mo sa taong yun ang iyong pagmamahal at pagkalinga.

Sadya nga lang sandali ang oras. Matapos rin ng aming round nagdecide lang siya makipaglambingan sa akin habang niluluto ang aming umagahan, at natapos rin ang lahat nang maubos namin ang umagahan hinain sa amin sa lamesa.

---

Ngayong umaga, naisip ko... kung siguro nagmatigas siya't nagpilit umuwi ng bahay.

Kung nagtaray pa rin siya buong maghapon habang panay ang suyo ko't pakikipag ayos sa kanya. Kung sa isang saglit ng pagka-pikon, bigla kong sabihin sa kanya na wala na kami.

Kaya ko kayang kalimutan ang lahat ng nangyari sa amin?

---

Ngunit dahil naramdaman ko ang bonding naming dalawa nung isang gabi, narealize ko na hindi pa rin kami iba sa isa't isa. Nandun pa rin ang bond na sinumulan namin ng kami'y unang nagkita pa lang. Nakakatuwa, pero memorize ko pa rin kung paano siya humalik at yumakap. Kung paano siya mag-enjoy habang kasama ako.

Totoong marami na saming nangyari dalawa. Alam ko rin naman na kahit paano, mahalaga at malalim ang naging parte ko sa buhay niya, ganun din sa akin. Sigurado yun, anuman ang lakas ng loob kong muling subukan bumitaw sa kanya. Anuman ang tapang kong sabihin sa kanya na suko na ako sa ugali niya.

Sa bandang huli, lagi at laging papasok sa isip ko.

Wala na rin sigurong makakahigit pa sa kanya....

No comments: