Wednesday, April 27, 2005

@ Downelink

Tatlong araw na ang nakakaraan simula nung i-activate ko yung downelink account ko. At sa tatlong araw na yun, hindi ko alam kung maiiyak ako sa tuwa, o mabubusog ng husto ang mata ko sa sobrang daming whammy na nakita ko sa community na yun.

Kahit noong single pa ako't pokpok, di ako nagkaroon ng opportunity para makasali sa ganun kalupit na community, siguro nga, mabuti na lang at ngayon lang nagkaroon ng ganito, kung hindi siguro noon pa lang bumalik na yung pinakatago tagong may-pagka inferiority complex ko.

---

Simula pa nung high-school, basta pag dinefine ko ang isang panget, kasama ang sarili ko dun. Kaya nga ba naging late bloomer ako kasi the whole time, inaasa ko ang diskarte ko sa iba. Noon, mula pananamit hanggang sa porma, kopyado ko mula sa tropang kinabibilangan ko. Bilib na bilib pati ako sa mga nakikilala kong lalaki na medyo swabe ang dating at mataas ang tiwala sa sarili.

Paano kasi, hindi ko naranasan magkaroon ng ganung klaseng tiwala sa sarili ko noon.

Tanda ko pa yung mga poems at mga sinulat ko tungkol sa pagiging unattractive ko. Ilang beses ko rin pinagdusahan ang ganung klaseng pagtingin ko sa sarili ko - na kahit iba eh nalalakasan sa appeal ko, ako mismo sinusuka ko ang sarili ko. Naalala ko tuloy si Anne, yung ka-phonepal ko nung third year college. Sabi ko sa kanya bago kami mag-eyeball na di ako ganung kagwapong lalaki. Nagkataon pa na nagdala ako ng dalawang entourage na tropa na talaga namang malalakas ang dating. Kaya hayun, nakipag-eyeball akong parang ewan, nung kinagabihan ang kinausap na nung ka-eyeball ko eh yung mga kasama ko.

---

At ngayong tinapat ko sa nagwagwapuhang PLU ang sarili kong profile sa downlink, parang pakiramdam ko, kinakain na naman ako ng inferiority complex kong yun. Oo, masarap magview ng mga profile ng iba (at kainggitan ang kagwapuhan at kagandahan ng katawan na meron sila) pero sa isang banda, parang lalong bumababa ang tingin ko sa sarili ko.

Kanina, napansin ni phanks habang kami ay nagkukuhaan ng picture gamit ang webcam ng isang internet cafe na parang ilag ako sa camera. May mga nabitawan siguro akong salita laban sa akin na siyang kina-depress ng buddy ko.

Sa akin balewala lang yun. Sanay na akong pinapababa ang sarili ko eh, pero mukhang siya eh hindi. Nagtext si phanks sakin bago matulog. Ito'y tungkol sa paglait ko sa sarili ko habang lumalabas ang pics ko sa screen.



"may napansin lang po ako sau, sasabihin ko po sana sau un kc po nasasaktan din po ako sa nakita ko kanina... wag mo po i-down ung pagkatao mo. tandaan mo po na di sa pisikal na kaanyuan ng isang tao makikita ung kabutihan at pagmamahalan kundi sa kung anu po ung ugali meron siya 2lad mo po.... Mas lalo po kita minahal dahil sa natunghayan ko kanina habang kinukunan kita ng picture. para sa akin may itsura ka at d lang nakita ng marami.."



Nakakatuwang isipin na sa buddy ko pa manggagaling hetong mga katagang ito samantalang mas malakas ang appeal niya sa akin. Minsan, nakakasurprise pa rin ang pagiging malalim at malawak ng isipan ng pangga ko kahit na paminsan minsan eh marami kaming di napagkakasunduang mga bagay bagay.

---

Matapos ang maikli at masenting pagmumuni-muning ito'y ako ay babalik muli sa downlink upang magpakasawa sa mga profile ng pagka-cute cute na mga lalaking katulad ko "hilig". Masakit man tingalain ang kanilang pangangatawan at kakisigan... nagbabakasakali pa rin ako na sana pagdating ko ng bente sais,

ganun na rin kaganda ang katawan ko.

No comments: