babangon
pupulutin ang mga nagkalat na
damit na naiwan ng
ikaw ay lumisan.
titingin sa bintana
at pagmamasdan ang
dapithapon ng iyong buhay,
ang iyong mga ala-ala'y
bakas pa rin sa aming mga
kamay.
muli
ay bubuksan namin
ang pintuan ng iyong
opisina.
susubukang halungkatin
ang mga papel na iniwan mo
sa iyong pag alis.
kasabay ng ihip ng
hanging bumubulong ng iyong
pangalan, bubuuin namin
ang mga pirapirasong
gunita ng iyong isipan,
dahan dahan naming ibabangon
ang iyong nahulog na dambana
at unti unti naming buburahin
ang mga dumi mula sa bintana ng
iyong kwarto.
sayang,
sa iyong pagmamadali
iniwan mo ang iyong
panyong magpapaalala sana
sa ating naulilang nakaraan.
The Techno Revolution, Unnoticed
6 years ago
No comments:
Post a Comment