Tuesday, February 15, 2005

Human

pasensya na kung hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano kakausapin ang blog ko. Masyado lang akong puno ng lungkot, ng takot at pangamba sa mangyayayari sa aming tatlo. Hindi ko lang inaasahan na magkakaganito ang pakiramdam ko - sobrang empty wala akong alam na sasabihin.

alam kong tumatawid na ako sa dagat ng depresyon. ayaw ko na nga gumalaw eh. gusto ko lang magkulong sa loob ng kwarto, manood ng nickolodeon at hindi na magtrabaho hanggang sa susunod na linggo. masyadong mabilis ang pagkawala niya. masyado kong dinamdam ang hindi pagkakaroon ng panahong makipagusap sa kanya.

pasensya na, ganito pala ang pakiramdam ng nawalan. hindi mo alam kung ano ang pupulutin mo at paano ka makakapagmove on. matapos ang pakikiramay ng iba, matapos ang burol, ang pagproproblema sa paglilibingan at pakikipag-usap sa mga taong nakasama niya.

ganito pala.

ramdam mo na ang pagkawala ng tatay mo kapag mag-isa ka na lang sa kwarto.

No comments: