Wednesday, February 23, 2005

Burnout

Paalam na at kailangan kitang isuko.
Ako'y pabigat na sa iyong pagtakbo
at ikaw naman ay laking alala sa aking mga plano.
Nawa'y maging matuwid sana ang daang ating iiwanan
habang ako naman ay sumasabay papalubog
sa malamig na tubig dagat ng dapithapon.

Nawa'y maalala mo sana ako
lagi. Alam kong malaking kawalan ito
para sa akin at sa aking mga binubuhay.
Ngunit sadyang ganito ang tadhana...

Paalam na.

---

I will submit my resignation letter tomorrow to personally
draw the future, or end of whatever remains of my dad's
businesses and properties.

No comments: