Saturday, October 9, 2004

Pains of Adaption II

In some perspectives, I'd call that oppression every newbie will have to endure.

Like what I've said, we have work on saturdays. If you ask me, that was my biggest consideration why I declined the last offer given to me by a consultancy that deals with franchising. If I could just choose my ideal job, I'd want that the company I'll work for spare my saturdays for my personal life.

But this time, since the holidays is just around the corner, and the threat of overspending, thanks to the much anticipated christmas shopping frenzy, I have to accept the first job offered to me. I cannot afford to choose anymore.

That's why I am working right now. Mag-aadjust nga lang talaga ako.

---

Today, we sorted the papers (RSLs) for updating prioritization. Good thing, we found a way to sort it out without spending too much time on one RSL. I found the key using Microsoft Outlook. Galing nga eh, first time ko lang ginamit yung software, tas natutunan ko na para paganhin yun! If you ask me, I want to claim that as my victory. Imagine, andami naming natipid na oras dahil dun. Yun nga lang, since may na overlook akong instructions ng supervisor namin, inulit ko yung sorting. Pero ok na yun, I'm happy that I did some innovations to save us a lot of time. I just hope that I can do such feat when the real work comes.

---

Pasensya na, medyo kalat-kalat pa ang thoughts ko ngayon. Kaya taglish mode ako. Sabi ko naman eh, talagang sasabog ang utak mo kapag ganun ka multi-tasking ang job mo. Isa pa kakagising ko lang dahil ang tagal ng break namin at natulog lang ako buong break. Waking up from a brief but deep nap makes you somewhat lethargic.
---

These past few days, medyo distansiya ako sa mga kasama ko. Marahil eto ang isa sa mga adjustments na kelangan kong lampasan. Wala lang, parang mas gusto ko maging mag-isa kesa sumama sa kanila mag-break tuwing hapon. Gastos lang rin kasi eh, mas makabubuti pa na mag-nap na lang ako sa room at intayin magsimula ulit yung trabaho namin.

Sa totoo lang, medyo lumalabas ang pagiging workaholic ko dito sa trabahong to, and at the same time ang pagiging loner ko... PLUng-PLU talaga kung iisipin mo eh. I would rather prefer to complete my objectives before doing something else. Di ko alam kung naappreciate nila yun, pero I'm not there to impress, nature ko lang siguro maging ganun... Sana sa ganung viewpoint nila ako nakikita, badtrip kung ngayon pa lang, iba na ang nasa isip nila.

---

Simula monday, our work starts from 10 am to 6 pm. Ganda ng sked no? Pero kung papipiliin mo ako, masaya na ako sa 9 - 5 work sched namin ngayon. Yun nga lang, hindi kami ang nagse-set ng policy - yung mga supervisors. Kinakatakot ko lang eh siguradong maapektuhan ang pagkikita namin ni Phanks lalo na kapag panay overtime na kami. Buti sana kung ilalagay nila ang overtime sa umaga... pero sureball yun, sa gabi mangyayari ang overtime. Ngayon pa lang ang dami ko ng huddles na kailangan malampasan. Hirap talaga magsarili. Kasi naman, sinanay akong maging ganito eh.

---

Bago kami umuwi kanina, pinapili kami ng sarili naming computer table.Yun ang magiging working station namin. Malinaw na pinili ko yung dun sa dulo, pero hindi tapat ng aircon... pero yung isa sa mga makakasama naming insider eh sinuggest na magkakasama daw dapat yung mga insiders saka newbies. Sapol ako dun. Understandable na yung matatapat sa aircon eh maliit at payat na lalaking kasama namin, at maaring magkasakit siya dahil sa dalas ng exposure sa lamig... pero... wala lang tinamaan lang ako dun. Naramdaman ko bigla na

oo nga pala, baguhan lang ako, sila ang totoong mga diyos dun.

---

Medyo mas humihirap ang adjustment ngayon ah. Hindi ko ata ineexpect na ganito ang magiging feeling ko kaagad.



No comments: