Thursday, June 17, 2004

Para Kay Sealdi

Gulat ako, nagbabasa ka pala ng blog ko.

Haay, ang tagal na nating hindi nagkikita, madalas hindi pa magtugma ang mga oras natin para makapag-usap. Mukhang andami ko nang na-miss out tungkol sa buhay mo, mapa sa lovelife, sa problema, sa kung ano ano pang kapraningan meron ka. Medyo madami na akong utang sayo hija, andami ko nang utang sa mga chikababes kong friends mula nang naging full-swing ang pagiging PLU ko.

Wala lang, umaga na, malamig ang hangin at kakabasa ng blog ni Sonny, bigla kong naalala ang mga time natin. Honga pala, ikaw ang aking dakilang sisterette, niligtas mo kami ni james, sampu ng sangkabaklaang dumapo sa pad dahil ikaw ang aming naging cover up. Sana wag mong masamain ang lahat... kung alam mo lang kung gaano kami ka-overprotective sayo ni dodong noon. Uubusan namin ng lakas ang sinumang mananakit sayo. harharhar!

Anyway, sana ok ka lang. Siguro naman, lalong naging sexy ka na ngayon at nagkaroon na ng figure yang boobs mo. :p Alam mo na, matanda ka na hija at mas advance ka pa sa amin pagdating sa pagmamanipula ng... Sana ay ok ka lang at masaya, ma-check nga ang bago mong blog pagkatapos ko nito, para naman ma-update ako sa buhay mo.

O sha, sa muling pagkikita. Lagi mong tandaan na kapag nakakakita ako ng higad, ikaw ang una kong naalala. Kapag nakakabalita ako ng bachelors pad, ikaw ang una sumasagi sa isip ko. Kapag napapadapo ako sa pad nila Sonny, lagi kong naalala ang time natin. Sana pala nagdala ako ng callboy galing sa circle. Pinagshow sana natin para naman may bagong pakulo sa pad.

Ingat ka lagi nanay. Maging masaya ka sana sa iyong buhay.

No comments: