Monday, June 21, 2004

Maktub Part Two

Ilang oras matapos umalis yung Finance Manager namin, may tumawag sa phone ko gamit ang isang unregistered number.

Nung una, ayaw ko sana sagutin, pero since baka emergency yun, napilitan rin akong pinduting yung talk button at pakinggan kung sino ang nasa kabilang linya.

Narinig ko yung boses nung lalaki. OJ daw ang pangalan niya at kagagaling lang niya sa states para mag-open ng business dito sa Pinas. Since si Meng meng pala ang nagrekomenda sa kanya para kausapin ako, naglaan na rin ako ng panahon para pakinggan kung ano ang offer niya.

Nagbebenta siya ng parang diagnostic equiptment para sa mga clinics at doctor. Di ko masyado napakinggan yung detalye, pero sa alam ko, opportunity yun. Although hindi ko sure kung ano ang potentials ko... at kung magagawa ko ba yung mataas na expectation niya sa akin, pero willing akong tumulong. Hindi ko alam pero parang part yun nung puzzle na nangyari buong hapon. Bihira lang ako mag-analyze ng mga detalye pero sadyang isang malaking palaisipan sa akin ang mga nangyayari ngayon.

Mamaya papasok na ako ng work. Haharap ako sa problema kahit hindi ko alam kung may matutulong ba ako. Kakalimutan ko ang sarili kong mga paranoia, matugunan lang at mabigyan ng balanse ang mga taong nangangailangan ng aking gabay.

Sapat ng ebidensya ang mga nakaraang araw na normal na operations namin, kahit nasa punto kami na lahat ay babagsak at magtatapos sa aming negosyo. Hindi pa huli ang lahat, sabi ni Mama, tingnan ko ang mga yun bilang isang positive intervention sa amin. Hindi ko alam kung ano ba ang plano Niya, pero siguro bago pa mahuli ang lahat, kailangan ko na gumalaw ngayon.

Sana tama ang pagkaintindi ko sa mensahe. Mangyayari ang mangyayari pero mukhang kailangan kong maging parte ng kung ano ang pwedeng mangyari.

No comments: