Monday, August 15, 2005

Chronicles Of A Madre De Familia (Part One)

Dear Mother Hen,
(O kahit sinong na-iina-inahan jan na pwede makarelate sa drama ko)

Swelduhan na naman ngayong araw.

Pansin ko na naman ang haba ng pila sa mga ATMs ngayong hapon kaya tuloy imbyerna to the max na naman ako habang nagbabayad ng mga bills sa bahay.

Pero, Praise be to God talaga dahil dumating ang income namin mula sa business ni Papa. Alam mo ba Mother Hen, sa tuwing darating ang gabi bago ang payday, halos atakihin na ako sa puso kakaworry kung meron ba kaming matatanggap na pera mula sa negosyo o wala.

Alam mo yun, bangungot ko kapag walang dumating na pera galing doon, Sa sobrang laki ng upkeep namin sa bahay thanks to the electricity bill, water bill, phonebill, palengke expenses, chorva expenses, chenelyn expenses... at kung pwede lang, pati boylet expenses (pinag-aaral ni mama ang half brother ko, si phanks linggo linggo nagstastay sa bahay), di yun kakayanin ng sahod ko mula sa pagiging sex... este text operator.

Pero seriously, naniniwala ako sa himala. Siguro kahit na gumagapang kami minsan sa pera, at laging may threat ng closure ang natitirang company ni papa. Heto kami, buo at nagsusurvive.
Siguro, kahit paano, bumabawi pa rin ang good vibes samin.

---

Anyway nagsimula ang araw ko kaninang umaga bilang Madre De Familia mode again.

Palibhasa ay may sakit si yaya kaya hayun, napilitan akong gumising gamit ang walang kwenta kong alarm clock at for the second time around, bumili ako ng sarili kong baon (dalawang pretzel dog sa ministop at isang Nissin Cup noodles na hindi ko nakain sa opisina dahil pekpek ang water dispenser namin) at pumasok ng work na para bang isangdalaginding na nagboboarding sa bahay.

Sa work naman, bonding-bonding moments ako kay Mami Athens, ang dakilang nanay ng lahat ng operators na pang-umaga. Every yosi break, mas nafe-feel kong mas marami akong natututunan tungkol sa kanya. Natutuwa nga ako kasi sobrang OUT ako sa kanya pagdating sa buhay judinggerzie ko.

And she accepts me for who I am. Yun nga lang, bet niyang mas maging tukling pa daw ako.
Anyway, next time na ang kwento tungkol kay Mami. I think it deserves a single entry by itself.

---

Pagkatapos ng work, inintay ko munang masundo si Mami ng husband niya kasi di keri kung iiwan ko siyang mag-isa doon sa tapat ng building namin. Dumating naman si husband shortly after we got out at since natuwa si Mami sa ka-sweetan ko, kaya hayun sinabay niya ako hanggang sa may Ortigas para dun humanap ng bus pauwi ng bahay.

Nakasakay na sana ako ng isang RCGG papuntang Manila. Kaso mo, nung kelangan ko na magbayad ng ticket sa bus, biglang naka-feel akong masyado akong poor para sumakay ng aircon bus.

Tuloy hassle man, napababa ako ng wala sa oras sa ilalim ng sikat ng araw para maghanap kung saan ba merong malapit na bangko para maglabas ng pera galing ATM.

Habang naglalakad sa tapat nung Kumbento malapit sa Pinaglabanan Shrine, napansin ko yung mga halaman na nakabuyangyang sa may bangketa. Bet ko na sanang dedmahin yung mga yun, pero bigla akong naging nostagic habang naglalakad kasi once upon a time, naging hobby ko ang gardening at nagkaroon ako ng mga halamang kagaya noon.

Dumagdag pa dun yung pagkakaalala sa comment ko doon sa blog ni Marlon tungkol sa interest kong mag gardening ulit matapos siyang magpost ng mga photos ng mga house plants doon sa isang entry niya.

Tuloy, naisipan kong subukan "ibalik muli ang nakaraan" kaya naman hinabol ko yung manong na alam kong galing doon sa loob ng kumbento upang ipagpaalam sa kanya kung maari ba akong "mamitas" ng mga alagaing halaman doon sa labas ng kumbentong pinagtratrabahuhan niya para itanim sa bahay.

Pumayag naman si Manong kaya hayun, ang laki laki kong lalaki na nasa gilid ako ng kalye at nagkakalkal ng lupa para i-unearth yung mga ugat noong halamang type na type kong itanim sa bahay.

Pero hindi lang ako doon nakuntento.

Meron akong napagtripan na halaman na ka-variety nito*:

Except sa kulay red ang lines noong halamang type ko at may sprinkles pa ng red and white na nakasabog sa mismong dahon.

Ang problema lang, masyado nang na-oobvious na pinagtritripan ko yung mga halamang pinatanim ng San Juan Municipal Government sa harap ng kumbento kaya napilitan ulit akong magpaalam sa isa sa mga streetsweeper na tiyempo namang nagwawalis kung saan malapit ako.
Gaya noong manong na pinagpaalaman ko before, pumayag rin siya.

---

This time, hindi na talaga ako nagpaawat.

Sa desire kong mabungkal yung halaman na type ko. Kinamay ko talaga yung lupa, at pi-null out ko yung mga bulate nakakalkal ko gamit ang sarili kong mga kamay.

Eventually, naging successful naman ang pagiging hardinero ko for 10 minutes at nakabungkal rin ako ng medyo malaking bungkos ng gabi-gabi na pinagdidiskitahan ko.

I forgot to say pala na kaya ako nagmadali ng husto sa pagbubungkal ko ng lupa doon eh dahil pinagkakaguluhan ako ng mga pupils na galing doon sa mababang paaalan malapit kung saan nandun ako.

Di ko bet kumuha ng attention kaya alam kong in order to avoid that scenario, bawal sakin magmaganda - - kung kelangang kuyumusin ko ang lupa para lang makahugot ng isang bungkos noong halamang gusto ko, ginawa ko.

At gaya ng isang magnanakaw na kapipitik lang ng isang gamit mula sa iba, umeskapo akong haggard na haggard at may bakas ng ebidensya sa mga kamay.

* Hiniram ng walang permission galing sa blog ni Marlon


---

- tobecontinued-

No comments: