Tuesday, April 27, 2004

Forgetable

"I remember the boy, but I don't remember the feeling anymore"

Yeah, ganun nga ang feeling ko whenever Yul comes to my mind. Kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo, sex lang ang natatandaan ko sa kanya - his notable asset and me, being the bot. Siguro aside from that, isa pa sa lagi kong pinapakatandaan eh kung paano niya ako tinwo-time habang umaasa ako at nagtitiwala na wala siyang bino-bot na iba. Nga namang buhay.

Kaya everytime na pumapasok ang discussion namin ni phanks about post-break up scenario, lagi kong binabaon sa isipan niya na kapag nagbreak kami, malabo na may balikan pa siyang pangga. Marahil nabaon ko na rin siya sa limot, o nabaon ko na ang feelings ko sa kanya matapos akong makipag-seb na naman sa di mabibilang na tao.

Sabi niya, masyado daw akong bato. Sabi ko sa kanya, masyado akong mahina kaya kailangan kong lagyan ng depensa ang sarili ko. Sabi ko sa kanya, ayokong malagay ulit sa sitwasyon na naghahanap ako ng taong sasandalan, ng taong mamahalin ngunit maiiwan lang akong mag-isa at umaasa sa bagay na hindi na maaring bumalik sakin. Ewan ko ba, masyadong malakas ang loob ng buddy ko tumingin sa mga scenario na sa bandang huli eh siya rin ang masasaktan. Sakin naman, natatanggap ko na ang ganung reality, na maaring hindi pa rin kami mauwi sa bawat isa pero sa isang banda, umaasa at naniniwala pa rin ako na kahit ano mang mangyari,

baka kami pa rin ang magkasama sa pagtanda namin.

Sa totoo, ayoko ng humanap at tumingin pa sa iba. Mawala man siya, malimutan ko man yung feelings ko sa kanya, pero inaamin ko, mahihirapan na siguro ulit ako makahanap ng kasing bait niya.

No comments: