Thursday, August 11, 2005

Prelude To Emancipation

Alam mo, ang pakiramdam ko ngayon
eh parang isang gulay na sariwa pa ang labas
pero bulok na bulok na ang loob.
Hindi ko alam kung ito ba'y tungkol
sa pakiramdam kong parang wala ka nang pakielam
sa akin, o nasasawa na ako sa palagi ko na lang
paghahabol sayo.

Maraming beses ko nang napakiramdaman
to, pero pinili kong itago ang nabubulok
sa loob ko sa pag-asang maililigtas mo pa
ang mga bahagi ng laman kong maayos pa
pero habang tumatagal, habang nararamdaman ko
na accessory na lang ako sa iyong mga ambisyon,
parang gusto ko na lang sunugin ang sarili ko

Sa pag asang baka pag naging abo na ako
darating ang panahong mabubuo ulit ako.

No comments: