Sunday, May 22, 2005

R and R

Sinama ako ni mama sa isang resort sa may San Mateo ngayong araw. Kelangan ko daw mag-ala Marina para naman meron raw akong maipagyayabang na summer outing ngayong taon.

Actually, aliw yung 9 waves pool nila ha. Iba talaga ang feeling na mahampas-hampas ng artificially created na tsunami ang katawan mo. In fairness rin, ang dami kong nainom na tubig kaya walang tigil ang labas-masok ko sa CR.

Pero ang mas aliw eh yung mabusog ang mata mo sa dami ng boys sa pool. Kahit medyo junjunin at tatayin ang karamihan, nakakita rin naman ako ng katakam-takam na mga kalalakihan. In fact, halos buong maghapon eh nagboy watching lang ako. Quever kung maaraw. Ang ganda naman ng sights na makikita.

Plus, kasama ko rin ang aking half brother na pinagsususpetsyahan kong ka Federacion ko din. Wish ko lang, mas may asim pa sana ako sa kanya.

Anyway, medyo marami akong naging realizations kanina.

Unang una na dito ang interest ko pa rin sa mga junjun. Kahit na anong deny ko na ayaw ko ng bata, shet nung may nakita ako kanina na 19ish na kiddo na sobrang litaw ang abs sa tiyan niya. Parang gusto kong pagnasaan siya sa swimming ppol kanina, habang sumisisid siya para hanapin yung coin na tinapon ng utol niya.

Pangalawa, kahit may pagkabalyena ako sa pool, bah! swimmer pa rin pala ako... Kasi nga sobrang papansin ko dito sa junjunin na sobrang talap ng abs, bigla tuloy lumitaw ang alam ko sa freestyle.

Siguro pag may nagtanong sa akin kung anong sports ang alam ko, might as well claim swimming as my only sport.

Lastly, it's ok pala maging tanned. Jusme, paputi ako ng paputi gamit ang aking favorite na Kissa Papaya Soap na inendorse ni Kris Aquino noon, kaya na enganyo akong i-try siya. Yun pala saka lang maraming makakapansin at matutuwa sa balat ko nung mukhang nasunog ang buong katawan ko.



And yeah, masaya ako para kay XP. Mukhang bullish ang stock market natin ngayon ah!

No comments: