Wednesday, May 18, 2005

Bonding With Cousin D

Sinamahan ko si mama pumunta sa bahay ng lola ko ngayong araw.

Sabagay, wala naman rin kasi akong gagawin at ayaw kong pumasok sa opisina kaya pinagpaliban ko na lang ang pagkikita namin ni phanks at ng makita ko rin ang lola kong may katandaan na rin.

Medyo malayo ang byahe at dahil superhighway ang daan namin, umiral na naman ang pagiging basagulero ko kapag nasa kalye.

"hayup yung sasakyang yun! gitgitin mo nga..." automatic na bulalas sa bibig ko sa driver namin. "tarantado to ah, busina ka ng busina, alam mo namang merong mabagal na sasakyan sa harap eh." tuloy pa rin ang talak ko.

Pagdating sa bahay ni lola, dumiretso kaagad kami sa kwarto niya. Hayun, beso-beso, mano-mano at kamusta-kamustahan bago naka-settle si mama at si lola para magbonding-bonding ang mag-ina. Ako naman, nagbukas ng TV para manood ng cartoons sa channel 9.

---

Pagkaraan ng ilang oras, nagsilabasan na rin yung dalawa kong pinsan na nakatira rin dun. Yung isa ay binatilyo na, at mag-fofourth year high-school ngayong taon. Yung isa naman eh may pagka-artistic na nasa second year high-school rin ngayong taong ito.

Dun sa ate nila ako talaga pinaka-close. In fact, sa mga blood relatives ko talaga sa kanya lang ako nag-out tungkol sa bago kong sexual preference. Kasi naman simula pagkabata ay talagang tag-team partners na kami kaya ang tiwala ko sa kanya eh ganung kalalim na lang.

Pero since hindi ko na nga siya nakikita (at hindi na rin ako masyado nakakarelate sa buhay niya) kaya ang madalas kong ka-tropa ngayon ay yung binatilyo niyang utol.

Hetong pinsan kong ito ay talaga naman biniyayaan ni Lord ng kagwapuhan. Matangkad, matangos ang ilong, maganda ang katawan, model-modelan. Pero straight. Bilang kanyang kuya (at naging mentor na rin nitong mga nakaraang mga taon) sa akin siya nag-oopen ng mga bagay bagay tungkol sa nangyayari sa buhay niya.

Kumbaga, parang naging big-brother niya ako ng wala sa oras...

kahit sa totoo, mas type ko maging ati-atihan niya. hehehe

---

Every time na nagkikita kami nitong pinsan kong ito, hindi ko maalis sa isip ko yung isang PExer na openly pinagkakalat niya yung interest niya sa mga junjuning lalaki. As in, minsan nakakashock yung mga hirit at banat niya, kahit na mismong sa akin na medyo naging pervert rin minsan.

Naiisip ko rin yung isang junjunin na kinaibigan ko rin sa PEx dahil nararamdaman ko namang matino yung bata, at alam ko rin namang may potensyal (maging habulin ng bading) kapag naging kasing edad ko na balang araw.

Kumbaga, ako yung naging good guy doon, yung isa naman ang may-sa demonyo na walang reservation ipagmalaki ang libog niya pagdating sa mga bata.

Kapag nakikita ko yung pinsan kong yun, naiisip ko yung struggle namin sa PEx.

---

Sa akin naman kasi, least option ko na lang ang pumatol sa mga bata eh. Ano ba ang mapapala ko sa isang disi-otso o kaya disi-sais? Hindi ko naman feeling maging baby sitter eh. Tsaka base sa experience ko nun, mas boring ka-sex ang bata. Hindi alam kung ano ang ginagawa, kaya noon talaga, mas challenged ako kapag mas matanda ang katapat ko sa kama.

Isa pa, naiisip ko rin na baka kung anong bad-influence pa ang maipakita ko sa isang "bi-curious" na binatilyo kapag nagkataon.

---

Kaninang hapon, inaya ko siyang maglakad-lakad sa labas ng bahay nila para na rin makapag-yosi ako, at malaman kung ano ang nangyayari sa buhay niya.

As usual; ma-gimmick pa rin ang pinsan ko, mahilig mag-party, medyo concerned sa looks niya, at walang inatupag kundi mag-chicks. Grabe nga eh, napipilitan tuloy akong magpaka-straight kapag kasama ko yun, kasi naman walang inatupag kundi mag-babe watching habang naglalakad kami sa loob ng village.

Sa paglalakad namin kanina, medyo napalayo ang ikot namin...

Pumasok kami sa isang subdivison, na dati-rati'y isang malaking palayan lamang na puno ng mga kalabaw at iba pang "farm animals."

Yun ang parang zoo namin noong mga bata pa kami. Doon namin iniikot yung mga bike namin tuwing hapon para pagmasdan ang mga kahayupang nandoon.

Ngayon, isa na siyang medyo big time na community at talaga namang mapapa-wow ka sa ganda ng mga bahay doon.

Sa walk-trip namin, naikwento niya sa akin ang kanyang mga barkada - ang bestfriend niyang straight, yung mga fil-am na model-modelan rin na nililigawan niya, yung mga boobs na pinapangarap niyang dakmain. etc. etc. Kumbaga, nasummarize noong hapong iyon kung ano ang nasa utak ng isang straight, na mismong ako eh hindi ko na maappreciate.

Sabagay, sa edad niyang 17, noong panahon ng kabataan kong yun eh puro aliens at anime lang naman ang nasa utak ko. Sa pagitan ng panliligaw ng tsiks eh mas pipiliin ko pa bumarkada noong mga panahong yun. Kaya heto ako ngayon, medyo kumakapa sa lifestyle na meron siya.

Sa totoo, sikreto kong pinakikinggan kung meron bang hints na may pagka-ano... rin siya, gusto kong malaman kung ano ang nasa isip niya tungkol sa mga gays, lesbians, third sex, etc. ect. Biro ko pa nga sa kanya na baka yung mga pinopormahan niyang mga tsiks eh lesbyana o bisexual pala. Sabi naman niya hindi daw naman, kasi hindi na lang siya magseseryoso manligaw kung bisexual rin naman yung tsik niya.

Kakapasok sa mga kalye sa loob ng subdivision, bigla na lang namin narealize na nawawala na kami. Pero dahil medyo cool lang tong pinsan ko kaya sabi niya, ok lang daw kahit saan kami makarating. Walk-trip lang daw kami.

Eh talagang pahapon na kaya medyo gusto ko na ring bumalik, pero since bihira lang daw siya lumabas at bihira lang naman kami magkakwentuhan tungkol sa buhay niya kaya pinagbigyan ko na rin siya.

Sa paglalakad rin naming yun, doon ko simulang na-appreciate ang pagkabinatilyo niya. Doon ko narealize na kung nilagay ko ang 17 years old na joms sa tabi niya, mukhang hindi kami magkakasundo ng trip. Maari sigurong gayahin ko yung mga trip niya sa buhay, o maaring mag-solo rin lang ako. Pero ganun, iba kami ng mundong kinalakihan. Wala sa kalahati ang confindence na meron ako noon sa confidence na pinapakita niya sa akin ngayon.

Ngunit nang napadaan kami sa tapat ng mga tambay, sabi niya, parang gusto niya umatras. Sabi ko naman, lakad lang kami at ako ang bahala sa kanya. Bigla bigla, nakita ko yung vulnerabilities niya. Sa puntong yun, naramdaman ko na merong mga bagay pa rin na kaya kong harapin noon, na hindi niya mahaharap sa eksenang yun.

Sa pagdaan namin, shempre, sumilip ako kung may cute... pero lakad maangas pa rin ako para di kami pagtripan nung mga tambay. Nung nakarating kami sa may dulo ng subdivision na pinasukan namin, narealize na lang namin na skwater na pala yung nasa labas ng gate. Sa pagtanong tanong ko, nalaman na lang namin na nasa kabilang subdivision na pala kami! Doon sa side malapit sa Sucat.

Gusto ko pa sanang dumiretso, pero takot talaga yung pinsan ko. Kaya tinahak namin ang daan pabalik at nakarating rin kami ng bahay nila bago magdilim.

---

May significance sa akin ang walk-trip naming yun sa subdivision with regards sa buhay na meron ako ngayon.

Alam ko na tumatakbo ang buhay ko ngayon na para bang nasa loob ako ng subdivision na yun; nawawala at hindi alam kung anong direksyon ang tatahakin. Merong mga crossroads doon, na maari naming tahakin patungo kung saan, hindi namin alam. Maraming options sa buhay ko na pwede kong piliin, pero hindi ko alam kung saan ako dadalhin. At nang makarating kami sa dulong dulo, narealize namin na pwede pa kaming dumiretso para tingnan kung saan kami tutungo, pero naisipan naming bumalik para hindi na lalo pang mawala.

Sa takbo ng buhay ko, andaming pwede maging outcomes. Pero sa bandang huli gusto ko lang bumalik sa buhay na tahimik, walang kumplikasyon, at walang masyadong iintindihin. Yun ang buhay ko bago mamatay si papa.

Yun ang simpleng buhay na pinapangarap kong matikman muli sa kabila ng lahat ng kumplikasyong kinasasadlakan namin ngayon.

No comments: