Sunday, May 8, 2005

Grieve 3

Nakatanggap ako ng tseke sa kapatid ni mama kaninang hapon. Sabi niya, gamitin daw namin pambayad utang sa kumpanya. Sabi ko, hindi pa naman dumarating yung mga naghahabol sa amin, ok lang kako kahit hindi ko pa gamitin yun.

Pero parang pakiramdam ko na pinipilit niyang tanggapin ko yung tseke at gamitin namin. Siguro na-guilty kasi inamin ni mama na kelangan namin kumapit sa patalim para patuloy na tumakbo yung naiwang business ni papa.

Kaya hayun, tinanggap ko yung tseke. Bukas, ipapasok rin ni mama yung tseke na dapat sana ay payable rin sa kapatid niya... yung bill namin sa Manila Doctors nung sinugod dun sa emergency room si Papa bago i-transfer sa PGH.

Kapag nagsama-sama ang perang idedeposit ko sa secret account ko, lilitaw na heto na ang pinakamalaking perang nahawakan ko sa buong buhay ko...

Masakit lang, hindi sa akin yun. Anytime na kailanganin ninuman ang perang yun, lahat ng nakatago dun, mawawala na lang sa akin na parang bula.

---

Sadya atang hinayaan lang ng Diyos na ma-enjoy ko ang aking pinaka-inaasam-asam na makapaglagay ng milyones sa aking bangko.

Pero ang ariin yun ng sa akin lang, siguro sa buhay na ito, hindi mangyayari yun.

No comments: