Saturday, February 26, 2005

Isang Taon Na Pala

This is the first time I'll be posting in my blog. Phew, it was a very long time since I did these things. Maybe its time to move on, everybody's doing it so why can't I?

- February 24, 2004

Ginawa ko tong blog na ito para makisabay sa blog-fever na nangyayari noon sa OUTsiders. Di ko akalain na sa tinagal tagal ng pagbloblog namin, isa pala ako sa mag-susurvive ng isang taon. Kay bilis lang pala ng sandali. Dati rati nagrereklamo lang ako tungkol sa mga self destruction nights na nagaganap tuwing may Paragon Contingent. Ilang beses ko rin sinulat sa blog ang mga events na nangyayari sa mga contingents namin, sabagay ako naman talaga ang masipag na nagsusulat ng mga nangyari tungkol sa mga gimik naming ganun.

Nasaksihan ng blog ko ang mga di namin pagkakaunawaan ni phanks, pati na rin ang di namin pagkakaunawaan ng tatay ko. Sa sobrang dami ko nang nasulat, at na-record tungkol sa mga nangyari sa aking buhay, hindi ko alam kung paano ko pagdidikitin ang mga pira-pirasong kwento ng buhay ko sa loob ng isang taon.

Parang kailan lang ang lahat... etong post na ito ay para sa isang taong ka-sentihan ko dito sa blog. Sa mga nakisama at nakibasa sa kwento ng aking buhay.

Maraming salamat.

blog creates deep friendships among people who haven't personally met yet.

No comments: