Monday, November 22, 2004

Crossing Into the Jetstream

I just need to vent this out:



"hindi ako nakahinga dun ah. Parang masyadong mabigat yung pagkasabi niya sakin

na muntikan na akong mag-react dun sa pagexplain niya sa sistema sa opisina. Tangina

tama na na kelangan kong gumising ng alas singko ng umaga araw araw mula lunes hanggang sabado para makaabot sa pasok namin ng six. Tama na na mahilo at ma-upset ako kakahanap ng mga bagong organizations na isasama sa database ng ako lang mag-isa.

Tama na na magtiis ako ng gutom kada 30-minutes naming break para hindi masira yung momentum ko sa kakatrabaho/makatipid/maka-idlip sa 12 oras naming pasok.



Pero puta, ang tanungin kung bakit masyado pang maaga ang uwi ko ng 6pm sa gayong 6am ang pasok namin... iba ng usapan yun. Dagdagan pa niya na kelangan daw tumulong ako sa pag-uupdate pag kinakailangan habang nagtitiis akong mag-overtime mag-isa at sila eh naguuwian na eh talagang sobra na talaga. Di ko ineexpect na me trabahong katulad ng ganito ah. Kung yung iba nga eh nagrereklamo pa sa walong oras nilang trabaho mula lunes hanggang biyernes, at naiinis pa sa 14 thou nilang sweldo. Bah, tingnan ko lang pag nalaman nila ang trabahong ginagawa ko at mapapahumble sila sa mga kani-kanilang trabaho.



Siguro stressed out lang ako kaya ako nagkakaganito... pero extreme ata yun samin, base sa standards ng marami sa katulad ko. Sa totoo, kaya ko pa masikmura ang mas maliit na sahod provided na mas marami akong time para sa sarili-hindi katulad nito. Ewan ko ba, siguro kaya mas maraming babae ang pinipili nila eh dahil mas hindi reklamador ang mga kagaya nila.



Minsan naiisip ko tuloy kung ano ba ang sense ng ganitong trabaho. Sabi nila seasonal lang daw ito, pero sa tingin ko, hindi ako aabot ng 8 months kung ganito na lang ng ganito. Minsan nga iniisip ko sana mapirata na lang ako ng ibang kumpanya para kahit paano, mas mapapadali ang paglipat ko ng career.



Konti pa, tangina, talagang bibigay na ako sa kanila. . . konting konti pa, magreready na ako ng resume para sa December.



---



Marami ang hindi nakakaappreciate ng trabaho nila. Siguro sa part ko, hindi ko rin lang maappreciate na kumikita ako ng pera... pero... hangga't wala akong nalalaman na trabaho na ganun ka - toxic ang sistema. Hanggang sa makukumpara ko kung gaano kagaan ang mga naging trabaho ko nun - kahit na sa Ad Agency na pinasukan ko.



Lagi kong itatapak ang kanang paa ko sa labas. Dehins ata tama ang ganito."



---



A good and healthy career life is 8 hours work, 8 hours sleep and 8 hours of rampa. - Stolich







No comments: