Tuesday, November 23, 2004

Brown Box

Bata pa lang ako, hari na ako ng kasentihan. In fact, mas matindi pa nga ako magsenti nung high-school ako hanggang bago matapos ang college eh. Bago pa nauso yung Blue Book at yung Black File ko, (Wag niyo na itanong kung ano yung Blue... pero nakita na ata ni Bench at ni Arrjae yung Black) meron akong wooden "brown" box kung saan nakatago lahat ng notes at letters na binigay sakin ng mga taong naging parte ng buhay ko.

Ang pagdating ni Limp dito sa blog ko ang nagpaalala sakin ng nakatago kong nakaraang yun. Matagal ko na ring hindi nabubuksan at nababasa ang mga letters na binigay sakin ng aking mga kaibigan ko, mapa-lalaki at pati na rin mga tsiks. Kung sana sa mundo ng mga PLU eh uso pa rin ang ganun, marahil marami pa rin akong natatagong mga notes ngayon.

Sa pagkakatanda ko, ang huling nagbigay sakin ng letter eh si Phanks - matagal na matagal nang panahon nung binigay niya yun, naalala ko pa nga korning korni pa ako dahil medjo asiwa ang magbigay ng ganun sa buddy mo. Pero minsan nakakamiss rin ang makatanggap ng letters at notes, kasi isang beses lang ata ginawa sakin yun ng isang PLU. Sana ngayong taon, maranasan ko ulit mabigyan ng letter o kaya card man lang. Hindi dahil nagsesenti ako o nagmamaganda, pero masarap rin kasi magtago ng mga bagay na alam mong galing sa taong,

maaring makahiwalay mo na ang landas matapos ang ilang linggo, buwan o taon... pero naging bahagi ng buhay mo.

Habang pinipilit ko pagkasyahin ang mga letters notes at cards sa loob ng kahon, napaka-heartwarming na isipin na sa loob ng mga panahong yun, maraming naka-appreciate ng pagpasok ko sa buhay nila. Nakakainggit pa rin pala ang mabuhay sa panahong iyun kahit asar na asar ako kapag natatandaan kong ganun ako noon. Pero nung mga panahon kasing yuon, lahat ay nadadala ng isang sulat - ligaw, pakikipagbati sa kaaway, pakikipagkaibigan, pasasalamat.

Sabagay, hindi pa uso ang text kaya madalas magsulat ang mga tao - pero ngayong digital na ang lahat - mula friendster hanggang sa blog... parang andali lang mabura ng mga bagay bagay na pwede isulat. Parang lahat ng expressions ng tao ay ginagawang artipisyal ng teknolohiya.

Nawa'y habangbuhay na mamalagi sakin ang brownbox ko. Manakaw na ang blue book ko at pasukan ng virus yung black file. Anuman ang mangyari, kailangang ma-ipreserve ko ang mga laman ng kahon kong yun.

Senti man sabihin pero yun lang ang magsisilbing palatandaan ko sa kanila.

---

Limp, hindi ko alam kung natatandaan mo pa ito. Pero nung nakita ko ulit ito na nakatabi kasama nung sulat na binalik mo sakin, hindi ko naiwasang mapangiti at maalala ko yung mga kalokohan natin. Sensya na at binuhay ko pa muli... pero nais kong malaman mo na dito nagsimula ang lahat.

Pasensya na sa mga mambabasa... bago ako naging si Darkstar, ganito pa ako noong... 3rd year high school.

---

Dear Limp

Alam ko na hindi mo inaasahan na susulatan ka ng mga ganitong letters. Sinulatan kita kasi I admire you very much. In short, may lihim na pagtingin ako sayo. Crush kita kasi matalino ka, mabait, tahimik at higit sa lahat responsable. Isa pa, nalalapit ang ugali mo sa dating "crush ko."
Alam ko na ang tagumpay ay kailangang pinaghihirapan. Isa pa experience lang to. Hindi lahat ng bagay ay permanente.

Sana huwag kang magagalit sa akin dahil sinulatan kita ng Love Letter na cute (cute daw) kasi paglalahad lang ito ng nararamdaman ko sa iyo. Ipagpapatuloy pa rin natin ang ating pagkakaibigan, huwag mo rin sanang kalilimutan ang magdasal at pag-aaral. Hayaan mo, hindi ako umaasa pero I care about you. Isa pa pagpasensyahan mo na tong letter kong walang kabuhay-buhay kasi hindi talaga ako magaling sa pagsulat ng letter.

Yours truly


10-15-19
MEKLON

---

Sana napatawad mo na ako... hindi ko ata ma-take na ganun ako manligaw noon. tama nga na binasted mo ako. ehehehe.

---

But seriously I did admire you during those times.

Welcome to phankspace.



No comments: