Friday, June 17, 2005

Naught Unmasked

If it was a different situation. I would call that my first real date.

Usapan namin ni Pilip, tutulungan ko lang siyang gumawa ng resume niya. Pero dahil nagawa na pala niya ang resume niya at na-set ko na ang venue namin sa Vito Cruz, kung saan nasa area lang ang school ni Phanks, nagdecide na lang kami mag-hang out sa Pizza Hut para makapagkwentuhan.

Si Pilip ang una naming na-recruit ni Roy mula PEx. Tawag nga namin sa kanya eh import kasi lagi namin siyang kasama sa contingent pero hindi naman siya officially ODDERs. Sabi ko nga kay Mel kaninang nagchat kami sa YM, kapag nagkita-kita kaming tatlo, most likely may nabubuong contingent kinagabihan.

Pero kanina, iba ang nangyari. Since nasa Bataan si kumpareng Roy at nagluluksa sa kanyang pumanaw na lolo, kaming dalawa lang ni import ang nagkita. Hetong si Pilip eh masyadong mababa ang tolerance sa init kaya hayun, nauwi kami sa Pizza Hut dahil katapat lang ito ng lugar na aming pinagkitaan.

Sa totoo, ang ganda ng venue. Medyo may pagka-romantic na ewan. Sabi niya treat niya ko, pero ako naman nahiya dahil in the first place, di naman kami super close pa nung tao. Sa loob ng dalawang oras, nagkwentuhan lang kami tungkol sa buhay niya. Kahit paano kasi, medyo unique ang background nitong lalaking to kumpara sa karamihan sa kasama ko.

Kung titingnan mo si Pilip, imposibleng ma-detect siya ng gaydar mo. As in. Sabagay, kasi naman technically straight siya kahit na ilang beses pa niya sabihin na turned on siya sa guy na litaw ang puting brief sa pantalon. Tanungin mo siya at sasabihin niyang ang last sex niya eh tsiks. Pero dalhin mo siya sa BED at hindi siya mahihiyang sumama sayo.

Kanina, napagkwentuhan namin yung tungkol sa huli niyang lovelife, yung girl na naka-live in niya, yung muntikan niyang mapakasalan, yung technique niya para di mabuntis yung girlfriend niya, yung nakaraang buhay ko. Everything.

Nakwento niya sa akin yung reason kung bakit gusto niyang umalis sa trabaho. Yung role niya as the breadwinner sa family niya. Ang pagiging strict at disciplinarian niya as the family man and as a former professor. Ang pagiging genius niya sa math.

Nalaman ko rin yung music taste niya, na exactly kaparehong kapareho sa akin, mga books niya, ang favorite hobby niyang manood ng sine, ang trabaho niya sa opisina.

Kulang na lang malaman ko rin pati favorite color niya.

---

After kong magkaroon ng buddy, ngayon ko lang nagawa makipagbond sa isang PLU na hindi ko pa naman ganun ka kilala. Marami akong natutunan sa kanya, at masaya akong kahit paano, nagkaroon siya ng personality beyond sa usual na gimmick at contingent na kasama namin siya.

It was a date and I really enjoyed having that time with him.

Pero after so many years, ngayon ko lang narealize na ang date pala eh pwede mo ring gawin sa kaibigan. All throughout, iba ang naging meaning at sense sa akin ng date.

---

Sa pagbalik ni Roy galing Bataan, meron na akong bagong tsika sa kanya.

No comments: