Thursday, June 30, 2005

Of Mice and Men

I don't know if this should be a political columm or an insight about how our lives revolve in these hard times.

---

Nung isang gabi, habang abala si mama sa panonood ng Kampanerang Kuba, ako naman ay busy sa pagpipindot sa calculator habang naghahapunan si phanks sa bahay namin.

Abala ako sa pagcocompute ng mga gastos kahit na ilang araw pa bago pumasok ang salary ko dahil pakiramdam ko, masasaid muli bago dumating ang kinsenas.

Paano ba naman, totoong nagtataasan ang presyo ng bilihin. Kahit ako mismo na pwedeng tumayong single parent na eh hindi pa rin mapagkasya ang perang tinatanggap ko mula sa company ni papa.

Kahit siguro isama pa doon ang kakarampot na tinatanggap ko sa bago kong trabaho, hindi ko siguro mapapantayan ang lifestyle ng karamihan sa mga bading na kilala ko.

Nakakatuwa lang ang eksena kasi mukhang nagbaliktad ang mundo namin ni mama.

Sabi ko nga sa kanya, dapat heto ang trabaho niya, pero mukhang ako na ang sumalo noon dahil tutal nasa akin naman ang pera.

Diba, stereotype image na ang mga nanay ang tiga-budget ng pera sa bahay? At ang tatay ay siya lang na tiga provide?

Sa eksena namin noong isang gabi, ako na nga ang majority provider, ako pa ang tiga-budget ng iproprovide ko.

Nga namang buhay.

---

Dumating sa ATM ang salary ko kanina.

Pero ngayon pa lang, alam ko na kung paano ito mauubos.

Laking pasalamat ko na lang sapagkat meron akong extra work kung hindi, wala talagang matitira sa akin. Idagdag ko pa dun ang mga personal expense ko at talaga namang gagapang ako papasok sa work.

Ever since, hindi ako nauubusan ng pera dahil naging priority ko ang savings. Pero sa loob ng two months, simula ng inutang sa akin yung natitira kong 12 thou ng dating isang kumpanya ni papa.

Hindi na ako nakabangon.

Tuloy nag-iisip ako ng extra pang racket na pwede kong gawin para lumobo ang pwede kong i-save sa mga bangko ko.

---

Sa ganitong mga pagkakataon, minsan gusto kong mangarap na ano kaya, mayaman ang naging buddy ko.

Ano kaya kung sa super yaman ng buddy ko, meron siyang sarili niyang pad, sarili niyang business at sarili niyang car.

Makakapasok kaya ako sa buhay niya? Mapapantayan ko kaya ang lifestyle niya.

Sa isang banda, hindi rin siguro.

Unless na lang, sanay rin siyang mamuhay ng mahirap.

---

Kung titingnan ko naman ang sarili ko, deins naman kami mahirap. Kahit na, problemado kami sa pagbubudget ng pera.

Advantage nga ang pagiging bading ko kasi kung hindi siguro, ilan na ang panganay ko.

Instead na ang binabudget ko eh gastos sa bahay. Siguro, problema ko ang diaper, gatas, vitamins at kung ano ano pang gastusin ni baby. Ewan ko lang kung mayaman ba ang magiging maybahay ko o hindi.

Pero kung si ex-gf ang nakatuluyan ko... at nagpakasal kami? Sheesh, tatlo na ang bahay namin ngayon.

Minsan naiisip ko pa rin what if... di ko inentertain ang thoughts na ganito? What if tinago ko sa sarili ko ang tendencies kong ganito.

Ano kaya ang magiging buhay ko ngayon?

---

But in fairness, I am happy with the things are going in other countries.

Spain, has just allowed same sex unions across the country.

Its obviously a great victory for people like us. And I'm sure, their progress would reverberate across the world. Maybe, I would actually live a day where this country would accept same sex marriages too.

Yun nga lang lola na ako siguro kapag nangyari yun.

Or naging tatay rin ako eventually dahil sa mga series of unforseen events.

---

Finally, the congress has allowed to hear the CD.

And I spent two hours tonight just to see those friggin lawmakers decide on the fate of the said wiretapped conversations.

Naaamoy ko sa kanila ang nabubulok na amoy ng pulitika. Tuloy naiisip ko kung totoo bang may democracy sa bansa natin or manipulated tayo ng politicking ng mga taong binoto natin.

When I was active in politics back in College, I tried my best to avoid bringing it to the class. After all, I was the president and I've seen my institution in a very sacred light.

No, Journ should be free of politics. Those of us who are active in such politicking had this unwritten/unspoken agreement about spreading our ideals in the classroom.

And my batch was spared, I guess.

Siguro ang pinakamalinaw na proof nun eh grumaduate akong best friends lahat ng classmates ko.

---

Tomorrow is another Friday, and plans have been set on how I will spend it.

Of course, BED is part of the agenda and I will make sure that I am present on this week's party.

Bahala na, kung ano man ang mangyari. Good thing, I am not really confident about myself.

Siguro that would be my banking if ever I'll think about openly flirting with someone.

And if anything happens.

I'll keep my mouth shut.

Only XP will know.

No comments: