Nagsimula ang pagkahilig ko sa gardening noong ako'y nasa Grade 6. Meron kasi kaming subject noon na ang tawag ay Work Education. Dito sa subject na ito, tinuruan kami ng basic carpentry at electrical maintainance. Isa rin sa naging quarterly lesson namin ay Gardening.
Tanda ko pa, second quarter yun ng taon. Panahon ito ng mga bagyo at madalas na-dedeclare na walang pasok. Ang teacher namin sa Work Ed, walang inatupag kundi ipabungkal ang lupa sa sa likod ng building. Ito daw ay para taniman namin ng gulay na aming aanihin pagkatapos ng school year.
Para sa aming final project, kailangan naming gumawa ng isang Dish Garden na ie-exhibit para sa aming annual school parade. Nakasulat doon sa manual (na kailangan naming bilhin sa teacher, kung hindi ay babagsak kami) na ang dish garden daw ay isang malikhaing paraan ng pagdedecorate ng mga house plant. Ito ay kadalasang nilalagay sa isang table sa sala ng bahay. Gawa ito sa isang hugis-oblong na paso at pinupuno ng maliliit na mga ornamental indoor plants na dapat daw ay artistically arranged.
Palibhasa'y ignorante ako sa mga halaman kaya naman humingi na lang ako ng tulong sa bestfriend ng aking nanay. Siya ang kilalang adik sa halaman doon sa lugar namin. Matapos siyang kunsultahin para sa aking dish garden, siya mismo ang namili ng dish para sa akin. Siya na rin ang nag-provide ng mga ornamental plants na gagamitin ko para sa aking dish garden.
Sa loob ng isang araw, natapos niya ang project ko. Kaagad ko rin itong pinasa dahil nagmamadali na ako ng mga oras na iyon. Nang mapabilang ang aking dish garden sa dish garden ng mga kaklase ko, naramdaman ko kaagad ang kapayakan ng ginawa ko. Higit na mas magagara ang dish garden nila at puno ito ng mga ceramics na mukhang mamahalin pa. Masasabing pinaghandaan nila ito husto at pinagsayangan nila ng oras ang kanilang mga dish garden.
Ang sa akin naman, palibhasa'y sobrang payak ng dish garden ko kaya't hindi ito pansinin. Higit na mas kakaunti ang mga ornamental plants na nakalagay dito at ang tanging decoration lang na makikita ay isang ceramic na kalabasa na may maliit na bahay sa ibabaw nito. Ang pagkakatanda ko, ito ay ang natatanging contribution ng project partner ko. In fact, kung hindi ko inedit itong entry na ito, hindi ko matatandaan na group effort pala ang ginawa namin.
Natapos ang hapon at dumaan ang gabi. Maraming beses rin akong napuna at nakutya dahil sa Dish garden ko. Nang sumunod na araw, nag-declare ng walang pasok ang DECS.
Signal number 2 kasi sa Metro Manila.
Natapos ang hapon at dumaan ang gabi. Maraming beses rin akong napuna at nakutya dahil sa Dish garden ko. Nang sumunod na araw, nag-declare ng walang pasok ang DECS.
Signal number 2 kasi sa Metro Manila.
---
-tobecontinued-
No comments:
Post a Comment