Naglalakad kami ni phanks nung isang gabi sa Avenida nang mapansin ko yung isa sa mga dilapidated na department store malapit sa may recto.
Halatang pasara ang department store na yun dahil sa kakontian ng ilaw at kawalan ng aircon sa loob. Mapapansin mo rin na bagsak presyo talaga sila at mukhang ukay ukay ang mga tinitinda sa loob.
Habang nakatingin sa tindahang iyon, unang napansin ko yung hagdanan patungong mezzanine. Pamilyar sakin ang hagdanang iyon dahil minsan na akong naglakad dun... nung bata pa ako.
Di kaila na sa buhay ko, may panahon na talagang hirap na hirap kami sa buhay. Dumating ang mga oras kung saan kahit isang treat sa jollibee ay hindi magawa samin ni mama dahil sa kawalan na pera. Kaya hayun, para ipalimot sakin ang totoong estado namin sa buhay, nakuntento na lang ako sa pagwiwindow shopping namin sa Avenida at nagdi-dine in sa mga turo turo na burger joint sa lugar na iyon.
At tandang tanda ko pa, isa iyon sa mga department store na pinasyalan namin.
Tanda ko pa, pasara na ang tindahang iyon pero ayaw ko pa rin magpaawat dahil may gusto akong kotse kotsehan dun. Bata pa lang, tinuruan na ako ni mama na i-prioritize kung ano ang praktikal na gastos at kung ano ang maaring ipagpaliban pa. Pero dahil sa kamusmusan ko pa nun, mahalaga sakin ang kotse kotsehan na yun. Kahit anong pilit sakin ni mama na umuwi na kami eh iginigiit ko pa rin na baka pwede naming bilhin yun, kahit hindi na kami kumain sa labas.
At nauwi ang higitan sa bilihan.
At gaya ng kinumpromiso ko, di nga kami nagdinner sa labas nun.
---
Makaraan ang mahabang panahon, unti unting nagbago ang estado namin sa buhay. Kahit paano, nakaangat kami nang magsimulang magnegosyo si papa. Masakit mang isipin na sa height na kayamanan namin eh patak lang ang naramdaman sa bahay, pero ok na yun kahit paano kesa naman sa wala.
Nang magkaroon ako ng sarili ko ng pera, pinilit kong balikan ang mga lugar na dati naming pinupuntahan ni mama. Nabalikan ko na yung burger joint na kinakainan namin noon, di miminsang naglakas loob akong tikman ang burger dun kahit na... masusuka ka sa quality ng pagprepare nila ng mga burgers. Dati rati ay sikat ang restaurant na yun, ngunit sa panahon ngayon na Mcdonald's, Jollibee at Wendys ang bukambibig ng mga tao, sadyang nakalimutan na ang mga joints na katulad nun.
Simula ng nagtrabaho ako, naging financially independent na ako sa nanay ko. Kadalasan nga ay ako na ang nagbibigay ng pera sa kanya. Siguro dahil aware lang ako ng mga naging simula namin, ang walang sawa niyang pagtuturo ng practicality sa paggastos ng pera, at ang katotohanang hindi niya ganung na-enjoy ang perang binibigay samin ng tatay ko dahil sadyang tama lang yun para sa gastusing bahay.
Kaya heto ako ngayon, naghahabol ng papaubos na panahon.
Sa pagbalik ko nung isang gabi sa department store na yun, puno ng alaala ang bawat counter na puntahan ko. Nandung pilit ko hanapin yung eksaktong lugar kung saan gumawa ako ng stand para lang bilhin ni mama yung gusto kong laruan. Bilang tanda ng aking pagbalik, bumili ako ng isang mumurahing memento na maari kong ibigay kay mama pag-uwi, malaman lang niya na binalikan ko ang lugar na pinupuntahan namin kapag "dinadate" niya ako nung bata pa ako.
Sa cashier, napansin ko na meron silang mga laruang matchbox malapit sa kahera. Sa gitna ng mga pangiti-ngiti sa hangin, na pinatataka ni phanks, at sa pagnanamnam sa mga alaalang pawala na, pinagmasdan ko ang isa sa mga kotseng nakadisplay dun. Pinili ang isa, na katulad ng kotse-kotsehang minsang naiwala ko noon sabay ang pagbabayad sa kahera na animo'y takang taka sa mga ka-weirdohan ko.
At narealize ko sa plastic bag na inabot sakin na ang tindahang iyon ay walang iba kundi ang Manila COD Department Store. Kung hindi ako nagkakamali, eto ang pinakasikat na mallnoong panahon ng martial law. Sayang nga lang, nagsara na rin ang branch nila sa Cubao ngayon. Tunay ngang naiwanan na sila ng panahon.
Umuwi akong masaya at nostalgic. Dati rati, ang mga ganung paggastos ay nakareserba lamang sa panahon ng tag-ani, pero ngayon, kahit anong oras, kaya kong bumili ng bagay na isinakripisyo ko noon. Ang bilis ng panahon, at kaunti na lang ang oras.
Gusto ko sana maramdaman ni Mama paano maging Dona at tunay na mapera sa buhay naming ito.

No comments:
Post a Comment