Sunday, July 3, 2005

Re-Emergence of J-Control/Pulse

This is an Emergency Broadcast.

---

Ang hirap talaga kapag sobrang dependent ka sa PC mo. Masira lang, parang pagsasakluban ka ng langit at lupa.

For the nth time, tinakbo ko na naman ang PC ko kahapon sa Gilmore para sana papalitan ng powersupply yung CPU ko dahil hindi na gumagana ang fan nito.

Nasa 1000 lang ang budget ko para sa upgrade kong yun, at since yumaman na rin sakin ang PC Express kakapa-upgrade ko sa kanila, confident na ako na walang mangyayari sa PC ko.

Efficient naman ang pagpapalit ng power supply. Bilib nga ako sa gerlet na nagpalit eh kasi naman sobrang swabe niya magdikit dikit ng wiring na nagsusupply ng power sa mga components.

Ok na sana. For testing na lang yung PC ko ng biglang, pagkapindot ko ng ON button,

Shit ayaw magreboot ng PC Ko!!!

---

Dun pa lang alam kong may problema na. Di ko nga lang alam kung anong component ang bumigay sa computer ko.

Feeling ko talaga, parang nasa Emergency Room ako na nagpapanic sa isang bagay na sobrang importante sakin.

Tingin ko sa PC ko eh parang isang tao na sobrang close sakin at nasa stretcher na nirerevive ng mga technicians dahil sa power blackout at intermittent power restoration na nangyayari sa loob ng computer ko.

Ang nangyayari kasi, kapag kinakabit yung main cord sa motherboard, nagstastart yung computer ko, samantalang kapag dinagdag na dun yung mga cables para sa ibang components ayaw nang magwork ng computer ko.

Ganun at ganun ang nangayari at basang basa mo sa mga mukha ng mg technician na hindi nila alam kung ano ang gagawin.
Paulit-ulit yun hanggang sa dumating kami sa point na sinabi na lang nung technician na

----
"Sir wala na sa amin ang problema, may tama na ang computer niyo."
----

Nang sinabi yun nung technician, parang binagsakan ako ng isang napakalaking asteroid sa ulo.

At that moment, gusto kong maiyak at maglupasay dun sa waiting area ng computer shop. Feeling ko, heto dapat yung naging expression ko nung nalaman naming hopeless na ang case ni papa sa PGH eh. Pero doon sa case ni papa, alam ko na na hopeless ang case niya kaya para wala lang sakin kung matsugi lang si daddy at least wala na akong proproblemahin kung maging gulay man siya pag nabuhay.

Pero kagabi, parang matter of life and death talaga ang impact sakin ng nangyari. Para bang hindi ko matatanggap na wala akong computer ng mahabang panahon kapag hindi nagawa yung PC ko kagabi. Ang masaklap pa dun, baka hindi ko pa mauwi yung computer ko dahil medyo gumagabi na at uwian ng rin ng mga technicians.

---

Pero hindi ako nagsayang ng isang sandali.

Lumitaw rin yung isang hidden personality ko na kapag nasa sobrang pressure, kaya kong mag-instruct sa mga tao ng kung ano ang gusto kong mangyari to the point na hindi sila makakapagsabi ng hindi sa ano ang gusto ko.

In short, closet authoritarian ako at rarely lang yun lumitaw sa personality ko.
Sabi ko sa technician,
---
"If I need to buy a new motherboard just to make my PC work so be it, I need my PC tonight because I need to finish a report!"
---

Pero shempre, chorva lang report na yun. Di ko lang talaga feel lumipas ang gabi ng wala akong PC sa kwarto.

At ang gerlash na technician naman, kumaripas ng takbo papunta sa sales department.
Since in 3 months time eh target ko na rin namang magbago ng processor kaya hayun, pati processor ng PC ko binili ko na.

Sa loob lang ng tatlong oras, ang 3-year phase upgrade ko ng computer na ninakaw ko sa opisina ni papa noon ay natapos rin.

at a very hefty price.
Three months ko rin babawiin yun sa emergency fund. At maaring maapektuhan ang Malars gimik ko dahil sa nangyari.

Well siguro na lang kung, makahanap ako ng raket na magpapadagdag ng extra income ko.
Baka hindi rin naman masira ang gimik ko every friday.

---

Natapos ang gabi at nabuo rin ang computer ko.

At the end, nagkaroon ako ng Pentium4-2.8 ghz na processor including pa dun yung mga super high tech na video card at sound card, pati na rin dvd-burner at ddram na noon pa lang eh pinagsayang ko na ng pera para sa oras na ito.

Kung dati, sabi nila class A ang computer ko, ngayon confident akong utot na lahat ng PC na nakita ko sa mga internet cafe. Sa sobrang hi-tech ng pagka-upgrade ko, pati Sims2 kering keri na ang pag-loload.

Pero... hindi ganun kadali ang naging price sakin ng nangyari.

Hanggang ngayon guilty pa rin ako dahil naglabas ako ng 13K para lang dito.

At hanggang ngayon, may hardware conflict pa rin yung modem ko pati na rin yung soundcard at motherboard dahil erratic magbasa ang PC ko pagadating sa modem, worse pa dun, deins ako pwede magpatugtog ng mp3 dahil kina-crash niya yung buong system kapag ginawa ko yun.

Lastly, dahil nga sobrang unstable ng unit ko, heto ako, Nagmamadali at nananalangin na sana hindi mag-crash ang bagong upgraded na computer ko para makapag-update ako ng entry. Hopefully by next week matugunan ko na ang remaining problems nitong PC ko.

---

Pero bago ko tapusin itong entry ko.

Gusto ko lang i-share na kagabi, habang buhat buhat ang malaking CPU ko patungo sa FX ni mama, merong dalawang gwapo na guys na biglang inapproach ako para buksan yung pinto ng sasakyan.

Ako naman, super touch kasi may nagpaka-gentleman sakin. At wag ka, yung nagpaka-gentleman na yun at yung kasama niya ay obviously

Kalahi ko.

Sa damit pa lang at porma, halatang aatak ng malars pagdating ng gabi. Pagkaalis ng nung mga binatilyo, tinanong ako ng utol ko kung bading ba yung mga lalaki.

Ako naman shempre defense kaagad. Sabi ko mga lalaki yun, which is true. Di ko na lang binanggit yung preference para hindi ma-confuse si mama at yung utol ko.

Sana, dumating ang time at makameet ko ulit sila, Marahil sa BED o saan mang spot kung saan namumugad ang mga bading. Gusto ko rin naman makabawi sa kanila sa kabutihan nila sakin.

Nakakatuwa lang kasi parang ang dating saki nung nangyari eh para bang heto ang payback sakin ng sangkabadingan sa lahat ng panahong ako naman ang nagproprovide ng tulong sa ibang katulad ko. Masyadong mababaw, pero para sa aking naghahanap ng solace matapos kong mahaggard sa mga events kagabi.

Langit na sakin ang ginawang tulong ng mga lalaking yun.

No comments: