Friday, November 5, 2004

Burn Out

I wish he just leave us alone... forever.

why do I see him as the harbinger of problems, the ultimate source of our upsets and depressions, the perfect monument to a broken family that is trying to heal itself?

I want my dad out of our lives. He should live with his mistress and their kids. We don't care anymore. In fact, we're already striving to live on our own and his business with us has ceased to exist already.

My business with him has already been closed a long time ago. At the very least, all I can offer him is my civility.

---
I arrive this evening finding a demand letter for my dad.

The maid said that he sent that letter for my mom to see and resolve. After all, he claims that mom was the reason why he hired the finance manager I've been mentioning before. (BTW, she left the company several weeks ago never saying goodbye.)

Actually, it was quite a small amount thought. In fact, I could pay it in one years time provided that I still earn my double-salary. But why do we have to bear his problems? The fact the he abandoned us should be a good reason for us to leave him to his business.

Tama na na inako ko lahat ng iniwan niyang responsibilidad samin. Layuan na lang niya kami.

---
Working my ass more than ten hours a day is enough payment for his irresponsibilities. I should have be enjoying a night out with the ODDERs tomorrow night, I should be spending a moment's time with my bud tomorrow evening... but just to earn additional 500 bucks, just to assure myself that I will have extra money in my bank account

I will have to work overnight. Forget my body and my weary spirit.

What matters is that my mom would not worry another month trying to budget our expenses.

My salary would suffice to make both ends meet.

I just wish that soon, I can make that with one salary alone.

---

Akala ko nagheal na ang mga sugat na iniwan niya mula nung inabandona niya kami...
Pero habang nakikita ko na ginugulo pa rin niya ang nanay ko, parang bumubuka muli ang mga peklat na naghihilom pa lang.

Kung hindi lang siya nagloko, dapat sana ang buhay ko ngayon eh parang buhay ni Phillip (phb.blogspot). Dapat sana, ang mga problemang dala dala ko eh tipong problemang hinaharap lang ni James.

Pero masakit isipin na parang ang bilis ninakaw sakin ang kabataan ko. Imagine, less than 8 months lang, kelangan kong lunukin lahat ng mga possibilities na pwedeng mangyari samin.

Tingin ko nga eh parang mas magaan pa yung problemang dala dala nung isa kong officemate na sampung taon halos ang tanda sa akin.

Siya, simpleng soloflight lang ang buhay niya, sakin isang bahay ang dala-dala ko.

---
Kaya ako, hindi na ako ganun katakot na malaman nilang PLU ako.

Marami na akong na-prove na mga bagay na mismong mga straight eh hindi nila kayang gawin.

Tangina, hindi nga ako nakabuntis, pero padre de pamilya naman ako. Wala nga akong girlfriend pero boyfriend pa rin ako sa buddy ko.

Minsan gusto kong tanungin ang buhay, kelan ba ako makakaranas ng security. Magagawa ko pa kayang mag-isip katulad ng dati, na sarili ko lang ang dapat kong problemahin. Masakit nito, alam kong kahit na magkaroon ako ng opportunity katulad ng dati, iba na ang lahat. Hindi na babalik ang dati.

Pasensya na kung dito ako sa blog naglalabas ng sama ng loob. Di na ako ganun ka-senti katulad dati sa harap ng mga tao. Mas makulit na ako madalas kapag may problema. Dinadaan ko na lang sa yosi at pang-aasar kapag asar ako sa buhay.

Marami ang hindi nakakaalam pero kapag ako na lang mag-isa, saka ko lang naiisip.

Ang hirap pala maging masaya.

Thursday, November 4, 2004

Breather One

I ate lunch and merienda today, that's why I still have some spare energy to brighten my mood tonight.

Wala lang... seeing those new applicants taking up their examination this morning changed the atmosphere at the office. I'm sure, kapag may nakuha na sa kanila, we wouldn't have to do overtimes anymore. In fact, I will have a chance to meet new kids I can boss around. hehehe.

Sana lang, mas maraming boys silang kunin para mas masaya.

---

Speaking of which, di ko pa rin maalis sa utak ko yung tinext sakin ni Roy kahapon. Taena, nagwawala na naman ang binatilyo at ako lang ang nakakasagap ng balita (siguro pati si Nate rin). Akalain mo ba naman, naka-hook up sa kwan tapos nag-quickie sila sa loob ng kwan. Kahit nung kapanahunan ko, di yata kaya ng powers ko yun.

Naalala ko tuloy, talagang kinarir ko na ma-out sex siya noon dahil medyo inggit ako sa kahabaan ng buhok niya. Grabe, bilib talaga ako sa mokong na yun kahit na medyo pa-conserbatibo pa ang galaw niya kapag magkakasama na kami.

Haay, yun nga lang di ko na panahon ngayon. Di bale, darating rin ang time mababakuran rin si parekoy. Yun naman talaga ang nagagawa ng pagiging single eh.

Naisip ko tuloy, na-outsex na kaya niya ako o hindi pa?

---

Nakakabadtrip talaga.

Si Bush na naman ang presidente ng Amerika. Totoo nga yung sabi ng mga kakilala ko sa call center. Marami rin sa mga kano ang boplaks. Sabagay, sabi sa CNN ang nagpanalo daw sa kanya eh yung mga "christian voters" na para sa kanila eh malaking issue yung morality.

Nakakatakot tuloy isipin na baka mas lalo pang dumami ang mga saradong-utak ngayon sa mundo. Dami na ngang extremist ng mga muslim, madagdagan pa ng mga born again Christians na lahat na lang ng bagay na against sa old testament na bibliya eh against sa kanila.

Sheesh, pano na lang kaming mga...

---

Pagkatapos ng napakaraming calculations at assumptions, mukhang walang matitira sa sweldo ko. Pano ba naman, lahat ata ng bills sa bahay eh ako na ang nagbayad.

At least masaya naman si mama.

Pero kawawa naman ang bangko ko. di ako makakaipon nito.

Sana pagdating ng katapusan medyo konti na lang ang babayaran ko. Tsk. tsk. Buti na lang talaga hindi pa ako married. Patay na sigurado kapag may pamilya pa ako.

---

Speaking of raising a family, I think I need to re-fleet my blue porn collection. Sasawa na ako sa mga vcds ko.