Sabi nila, nakakatanda ang problema... ito'y nagpapahina ng katawan at nakakasira ng kalusugan. Pansin niyo ba na karamihan sa matataba at out-of-shape eh yung mga taong wala na lang inisip sa buhay kung paano pagkasyahin ang budget sa pamilya at paano i-maintain ang kaayusan sa bahay?
Heto't may sinat na naman ako. Mukha atang hindi ako nilubayan ng sakit ko simula pa noong isang linggo. In fairness, wala na akong ubo, at hindi rin ako nagkasipon. Pero ewan ko ba, nahawa na siguro ako ng mga hypochondriac sa paligid ko - lagi kong pinagdidiskitahan na may problema ang baga ko, at isa sa mga linggo ito ay maaring bumigay na lang siya ng hindi ko inaasahan.
Pero hinala lang yun shempre. Siguro wala akong maisip na katatakutan ngayon mga panahong ito kaya ibinaling ko ang anxiety ko sa sarili ko. Sabagay kahit naman anong takot ang gawin ko, wala rin naman akong choice kasi bawal magkasakit. Di na ako pwede mag-absent at baka i-end nila yung contract ko sa April. Hirap pa naman noon, mas lalong masisira ang budget dito sa bahay.
---
Kahapon naglabas ako ng 1.5 K para pangsweldo sa mga kasambahay. Laking gulat ko kanina noon sinabi ni mama na binayad niya yun sa ibang gastusin. Medyo na-disappoint ako, kasi inaasahan ko na kung ano ang binigay ko, doon mapupunta sa objectives ko. Pero wala kasing choice eh, medyo tagtuyot ngayon mga panahong ito. Darating na ang bill ko sa globe, sa contribution ko sa food, sa bayad ko sa kuryente... mukhang walang matitira sa sweldo ko na naman.
Tsk. tsk. nakanamang buhay to. Di ko man lang ma-eenjoy ang kinita ko.
---
Minsan iniisip ko, noong 2002, hindi ko naman kelangang problemahin itong mga ito ah! Alam ko, napapikit lang ako isang araw, paggising ko, iba na ang buhay ko. Minsan, gusto ko na rin magtanong kung ganito ba talaga kahirap mabuhay, I mean, gastos dito at gasto dun, kakayod ka pero parang dumaan lang sayo yung mga sinahod mo.
Madalas nagtataka sakin yung mga officemate ko kung bakit sa lahat ng pwede itanong, ang tinatanong ko lagi eh tungkol sa pagpapamilya, pagbubuhay ng pamilya at pagbubudget para sa pamilya. Alam naman nilang lahat ng single lang ako at bata, pero dahil sa mga tinatanong ko, napapaghalatang meron akong minamaintain na asawa't anak...
---
Sa totoo lang, habang kino-compose ko ito, hindi ko maalis sa isip ko kung ano pa ang pwedeng paraan para kumita. Sa pagitan ng pagrerelax at paghahanap ng ibang income sources, mas pipiliin ko na yung pangalawa. Dati rati medyo naiisip ko pa yung burnout-burnout na yan, pero ngayon, isipin ko man ang burnout, wala na rin akong choice, tamarin man ako magtrabaho, kelangan kumayod pa rin ako.
And that's life for me. Araw araw, meron akong bagong iniisip na proproblemahin, araw araw, naghahanap rin ako ng diversion para kalimutan ang dapat isipin. Araw araw kapag nagwiwithdraw ako, iniisip ko sana swelduhan na, pero kapag naiisip mo na pagdating ng swelduhan, nakapila na ang dapat mong bayaran... grabe, di kakayanin ng powers ko ang ganun.
Alam ko, marami pa ang mas hirap at problemado kesa sakin. Yung iba nga, kahit mabaon sa utang, gagawa ng paraan para mag-happy-happy at lumimot sa mga dapat isipin kahit man lang sandali - na hindi ko na rin magawa dahil sa pagod at antok.
Sa isang banda, parang nakakasawa na ang buhay na ganito. Pilitin ko man, naooverwhelmed pa rin ako ng mga bagay na ngayon lang namulat sa akin.
The Techno Revolution, Unnoticed
6 years ago
No comments:
Post a Comment