Monday, January 10, 2005

Dream On Babeh

Kung ako ay magiging pangulo ng bansa, magiging national agenda ko ang environment at cultural preservation ng bansa. Magiging obsessed ako sa mga puno at halaman, to the point na lahat ng government employees ko eh may field trip sa mga bundok upang magtanim ng mga bagong punla kapalit ng mga nasira.

Ipagbabawal ko forever ang logging at mining, at sa halip pauunlarin ko ang ecotourism ng bansa. Ecological balance ang magiging sagot ko sa mga problemang kinakaharap natin pagdating sa natural calamities at agricultural sustainability naman ang regalo ko sa mga nagugutom.

Kung ako ay magiging pangulo, gagawin ko ang lahat para mapatupad ang totoong reporma sa lupa, sa tulong ng mga NGOs at mga groups na naniniwala dito. Hihilingin ko na isuspend ang pagbabayad utang natin sa World Bank at IMF upang ipanggastos ito sa pagpapatayo ng mga paaralan at clinic sa malalayong lugar.

Kapag naupo ako sa Malacanang, sa unang isang daang taon ko eh hihingi ako ng peace treaty sa NPA at MILF. Alam ko naman kasi na kaya lumalakas itong mga grupong ito ay dahil sa opression at inequality na nangyayari sa mga lugar nila. At bilang sincerity sa aking nais mangyari, imbes na baril ang hawak ng aking mga kawal, sila ay magiging katulong ng mga engineers at contractors para sa pagbuo ng isang sentralisadong infrastructure sa buong kapuluan. Sila rin ang magiging kasama ng mga guro at doctor sa malalayong lugar. Tapos na ang panahon ng militarisasyon! Bakit pa tinawag na backbone ang mga sundalo kung hindi rin lang ito magiging backbone sa pagpapasinaya ng welfare ng mga pinagsisilbihan ko?

Ang globalization, i-lilimit ko lang sa service at high tech industry ng bansa. Sisiguraduhin ko na kahit na mag-suffer ang ibang industries natin, itong mga ito ay mananatiling competitive at maunlad higit pa sa mga administrasyong nagdaan.

Pipilitin ko na sa loob ng aking pamumuno, wala ni isang pilipino ang magugutom. Ang mga mahirap, pagtratrabahuhin sa halip na bigyang limos. Ang tambay, gagawing mga volunteer. Lahat may gagawin. Sa pamumuno ko bawal ang tamad. Kahit anong pagbabawal ng simbahan, ipropromote ko ang paggamit sa contraceptives at pagpapasinaya ng Gay Marriage sa bansa.

Tawagin na nila akong immoral, ngunit sa pamumuno ko, lahat may boses sa pamahalaan.

Kapag nangalahati na ako sa term ko. Ang mga squatter pwepwersahin ko nang bumalik sa mga probinsya. Doon sila mamumuhay habang idedeclog ko ang Maynila para bigyang daan ang pagningning ng Cebu, Davao at Zamboanga. Instead na foreign investors ang imbitahan ko, lahat ng non-profit charitable institutions ang gagawin kong partner sa pag-unlad ng mga nayon. Hindi bale ng mayaman at industrialized, ang mahalaga marami ang nakikinabang sa mga ginagawa ng pamahalaan ko.

Ang sarap sana mangarap, ngayong napapawi na ang pag-asa ng bansa. Marami ang hindi nakakapansin pero kaya tayo hindi umuunlad ay dahil na rin mismo sa sariling greed natin.
Madali lang sana ang pag-unlad, kung totoo tayo sa pagsisilbi natin.

Kung ako lang sana... ching!

No comments: