Wednesday, January 19, 2005

OJS (On The Job Sentiments)

Nawala lang yung overtime namin, biglang pumangit ang performance ko sa work. Dati rati, hindi pa ako excited sa uwian ng ganitong oras, pero ngayon yun na lang ang laging nasa utak ko - ang makalabas ng building patungo sa kawalan ng lansangan. Dati rati hindi ako nakakaramdam ng pagod at pagkabagot sa paghahanap ko ng mga associations sa internet, pero ngayon parang kelangan ko pang higitin ang mga kamay ko para magbukas ng window sa google.



Sa umaga, hindi nga ako nalalate, pero pakiramdam ko, hindi na ako ganun ka-excited pumasok. Sa gabi naman, parang naasar na ako tuwing papatak ng 11 ang relo ko sa bahay kasi alam kong kelangan ko na matulog dahil may pasok pa sa umaga.



Ibig sabihin kaya nito ay nagsusuffer na ako sa burn-out? Tinatamad na ba ako magtrabaho at kelangan ko nang maghanap ulit? Di ko alam, pero sa tuwing aabot ng ika-5 buwan ako sa pinapasukan ko, lagi kong tinatanong ang sarili ko tungkol sa performance ng trabaho ko. Ang weird no?



Ah ewan... makapagtrabaho na nga.

No comments: