Sunday, March 13, 2005

No Wonder...

Sa angkan ko, higit na dominante ang mga babae kesa sa mga lalaki. Kapag nagkikita-kita sila mama, hindi nila maiwasan mag-usap tungkol sa empowerment ng kababaihan at ang mga achievements nila sa buhay.

Si Ninang, ang pangalawang kapatid ni Mama eh Chairman ng Surgery sa isang ospital, si Mama naman, kahit na lumaking may kapansanan eh hataw rin pagdating sa pagtuturo ng Sociology at active sa mga NGO. Lahat silang magkakapatid eh pawang mga achiever simula bata pa, karamihan rin sa kanila eh nagkaasawa ng medyo mga simpleng lalaki lang, kaya hayun, madali nilang na-ooverpower ang mga spouses nila.

Higit sa lahat, ang pamilya ng nanay ko ang nagturo ng moral values sa amin. Sa kanila ko unang ipinattern ang gusto ko marating sa buhay, lalong lalo na ang pattern sa buhay ng kapatid ni mama na doktor.

Masaya ako kapag nagkikita-kita silang buong magkakapatid. Feeling ko, meron akong sense of security kapag narerealize ko na hindi rin basta-bastang pamilya sina mama. Hindi man ako gaanong close sa mga pinsan ko, pero sa panahong ito kung saan ako na ang tumatayong katulong ni mama sa pagpapatakbo ng bahay. Higit kong kailangan ang moral support ng mga kapatid niya.

Sa usapang empowerment pa lang, pusong babae na ang nagpapatibok sa akin.

No comments: